44 - Goodbye

3.7K 153 10
                                    

WARNING ⚠️ THIS CHAPTER IS RATED SPG ‼️

"Dra. Georgina," sambit ko sa pangalan n'ya nang sagutin ko ang tawag n'ya.

"Nakapag-desisyon ka na ba? Kailangan ko nang sagot ngayon Freida. Bukas na ang alis nang first batch ng mga pasyente ko papuntang isla."

Kesa uminom ako ng mga kung ano-nong medication para sa depression ko ay mas maganda kung sasali na lang ako sa therapeutic activities na isasagawa ng hospital ni Dra. Georgina sa isang isla na pagdadausan nito.

"Sasama po ako,"

"Good. Ipapalista ko na ang pangalan mo. Wala nang atrasan 'to Freida. Last time na ipinalista kita ay hindi ka pumunta at kapag ginawa mo ulit 'yon ay baka singilin na kita." May halong biro na pahayag n'ya. Simula ng maging psychiatrist ko s'ya ay hindi n'ya ako siningil sa bawat appointments ko sa kanya. Siguro dahil naging malapit kami sa isa't-isa ng mag-OJT ako sa hospital n'ya. She's like a big sister to me at pasalamat ako na nakilala ko s'ya dahil kung hindi ay baka nawala na ako sa katinuan ko.

"Masaya akong sasama ka sa amin Freida. Pagtapos ng therapy na 'to, I'm sure it will be a fresh start for you."

"T-Thank you doktora."

"He'll understand." pahayag n'ya bago tuluyang ibaba ang tawag.

Nanginginig ang mga kamay ko na ipinatong sa kama ang hawak kong cellphone matapos ang pag-uusap namin ni doktora.

Ang problema ko na lang ngayon ay kung paano magpapaalam kay Jenno. Alam kong matatanggap n'ya kaagad ang pag-alis ko dahil wala naman s'yang magagandang alaalang natira sa akin pero kabaliktaran 'yon para sa akin.

***

"Pwede ba akong matulog dito?" tanong ko. I forced to smile even though deep inside I'm in chaos.

"Huh? B-Bakit? Malamok ba sa kwarto ni Jonah?" mataray na tanong ni Jenno.

"Sabihin mo lang kung ayaw mo." Sumimangot ako saka ko mahigpit na yinakap ang unan na hawak ko.

"Wait. Pag-iisipan ko muna."

"Huwag na nga lang!"

"F-Fine! Basta 'wag kang didikit sa akin ah." maarting sabi n'ya kaya mabilis akong tumango at lumapit sa kama n'ya. Atleast hindi n'ya ako pinatulog sa sahig. Gusto n'ya rin siguro akong makatabi. Pabebe pa s'ya.

Tumagilid ako para makita s'ya pero kaagad n'ya akong inirapan at tinalikuran.

Anong problema nang bading na 'to?

"Jenno,"

"Matulog ka na, gabi na." suway n'ya nang hindi pa rin ako nililingon.

"Hmm. 'Wag mong kakalimutan uminom lagi ang mga gamot mo. Nakalagay 'yon sa itaas ng ref. Two times a day, umaga at gabi mo 'yon kailangan inumin ng sabay-sabay. Kung kailangan mo ng tulong ay tawagin mo lang si Jonah. 'Wag mong pilitin ang sarili mo kung alam mong hindi mo kaya. Isa pa nga pal-"

"Nandyan ka naman kaya bakit kailangan ko pang tawagin si Jonah?" kunot-noong tanong n'ya nang napaupo s'ya sa kama at lingunin ako. Naupo na rin ako at humarap sa kanya.

"Kailangan ko kasing umalis." kalmado kong sagot na mas lalong nagpasimangot ng mukha n'ya.

"Napagdesisyonan mo na bang magtrabaho kay Uno?" Mapait ang tono ng pananalita n'ya. Unti-unti ring  tumalim ang mga tingin n'ya sa akin pero imbes na natakot ay tipid akong napangiti sa kanya. Kahit anong ekspresyon ang gawin n'ya ay ang gwapo-gwapo n'ya pa rin. Mami-miss ko ang bading na 'to.

"Hindi."

"Saan ka nga pupunta?"

"Sa malayo. May kailangan akong gawin at ayusin."

My Playmate Beki | Pechay Series #1Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang