26 - Mother, Daughter

4.8K 153 24
                                    

FREIDA

"Ma!" 

Hindi ko mapigilang masuka sa kung paano n'ya damitan ang sarili n'ya. Halos lumuwa na ang dibdib n'ya dahil sa suot n'yang spagetti strap croptop at neon green na skirt na aabot lang hanggang pwetan n'ya. Hindi ko na rin s'ya makilala dahil sa makapal n'yang make-up.

"Bakit ganyan ang bihis mo? Naghubad ka na lang sana!" sarkastikong pahayag ko.

"Kung pwede lang talaga. Hahaha." Natatawang tugon n'ya na mas lalong nagpasiklab ng inis ko.

"Ano bang ginagawa mo sa buhay mo ma?!"

"Ini-enjoy ko lang ang buhay ko, 'nak." mahinahong pagdadahilan n'ya habang inaayos ang laman nang maliit n'yang bag sa mesa.

Alam ko naman kung bakit s'ya nagkakaganyan. Nagre-rebelde s'ya sa akin dahil sa ginawa ko sa nobyo n'ya. S'ya ang nanay pero parang s'ya pa 'tong kailangan kong asikasuhin at pangaralan na parang bata.

"Ma, stop rebelling! Hindi ka na teenager para magsuot pa ng mga ganyan kahahalay na damit! Hindi ka ba nandidiri sa itsura mo? Okay naman tayo noong wala pa ang demonyong 'yon kaya bakit ngayon ay bumabalik ka na naman sa pagiging walang kwenta mo-"

Isang malutong na sampal ang tumama sa pisngi ko. Parang namanhid ang kalahati kong mukha dahil sa ginawa ni mama.

"Ikaw ang walang kwentang anak, Freida! Simula nang dumating ka sa buhay ko ay puro kamalasan na ang dumating sa akin. Namatay ang tatay mo, kailangan kong mamuhay nang ganito at ngayon naman ay ipapakulong mo ang nag-iisang lalaki na nagpapasaya sa akin! Anong klase kang anak?!" sumbat n'ya sa akin.

Hinarang ko sa mukha ko ang dalawa kong braso para protektahan ang sarili ko sa sunod-sunod n'yang paghampas sa akin. Maya-maya pa ay napaluhod na lang s'ya sa harap ko at malakas na napahagulgol.

"P-Pinagsisisihan kong binuhay pa kita Freida. Sisingsisi ako ngayon na binuhay pa kita!"

Tuluyang tumakas ang pinipigilang kong luha dahil sa mga sinabi ni mama. Noon pa man ay ramdam ko nang ayaw n'ya sa akin. Namuhay s'yang parang dalaga at hindi inisip ang kapakanan ko. Oo nga't hindi n'ya ako laging sinasaktan o inaalila katulad ng ibang pabayang ina pero masakit pa rin sa parte ko na ituring n'ya na parang display lang sa bahay.

Kinailangan n'ya nang trabaho kaya pinilit kong intindihin ang pagpasok n'ya sa bar. Naniwala akong waitress lang s'ya roon at walang ginagawang kahalayan pero nagkamali ako.

"Ayoko nang makita ka pa! Umalis ka na sa buhay ko! Wala akong anak na malas!" pagtataboy n'ya sa akin.

Nanghihina ang mga paa kong napahakbang palabas ng bahay habang naririnig pa rin ang malakas na sigaw ni mama.

Iyak ako nang iyak at kahit anong gawin kong pagpapatigil dito ay hindi ko magawa. Masakit para sa isang anak na ipagtabuhayan nang sarili mong magulang lalo na kung ang maririnig mong dahilan ay ang pagsisisi na binuhay ka pa nito.

"Freida...what happened?"

Napaangat ako nang tingin sa lalaking nagsalita harap ko. Si Uno. Bakas sa mukha n'ya ang matinding pag-aalala. Inilagay n'ya ang kamay n'ya sa likuran ko saka n'ya ako mahigpit na yinakap.

"Shhh. Please don't cry." pag-aalo n'ya sa akin pero imbis na tumigil ako ay mas lalo lang lumakas ang paghagulgol ko.

I want to see Jenno. Sa ngayon ay s'ya lang ang naiisip kong magpapawala nitong sakit sa dibdib ko.

Kaagad akong napahiwalay ng yakap kay Uno nang marinig ang malakas na busina sa kotseng nasa harapan namin. Parang dininig kaagad ng diyos ang dasal ko dahil sa pagdating ni Jenno.

My Playmate Beki | Pechay Series #1Where stories live. Discover now