11 - Hide n' Seek

5.8K 175 4
                                    

"At kelan ka pa naging maka-diyos?" tanong ni Beatrice nang makapasok sa loob ng chapel saka tumabi sa akin. "Ay p*ta ka day! Akala ko naman nagbabalik loob ka, nanonood ka lang pala ng porn. Impyerno na talagang baksak mo n'yan." natatawang dagdag n'ya.

Yup! I'm watching porn pero hindi gxb kundi bxb. Halos dal'wang oras na rin ako nandito sa loob ng chapel at nagko-concentrate sa panonood. Dito lang kasi tahimik at walang tao kaya here ko napiling mag-stay while waiting for my friends. Sorry na father above. Kailangan ko lang ma-make sure na hindi ako magiging lesbian in the future dahil sa merlat na 'yon. Something is bothering me kasi. After what happened sa house ay sunod-sunod na rin ang racy dreams ko.

Peste!

"Nasaan si Amari?" tanong ko nang mapansing wala 'yong isang bakla.

"May lakad. Tara na beh. Tom Jones na me." pag-iinarte ni Beatrice kaya naman kaagad kong isinilid ang cellphone ko sa bulsa at sinundan s'ya palabas.

Hmm. How may days na ba kaming hindi nagkikita ng pechay na 'yon? Hindi pa kami nag-uusap tungkol sa nangyari pero feeling ko iniiwasan ako ng babaing 'yon. Dati naman ay lagi kaming nagkakasalubong somewhere down the road pero ngayon ay ang hirap n'ya nang hagilapin.

"Nakita mo ba si Freida?" tanong ko kay Beatrice.

"Halos araw-araw mo na lang 'yan itinatanong sa amin ni Amari. Ang fishy mo baks ah." Pinaningkitan n'ya ako ng mata na para bang may masama s'yang hinala na gustong sabihin sa akin.

"Lintik ka! Oo o hindi lang ang sagot ang dami mo na namang sinasabi." asik ko.

"Ewan ko sa inyo. Maghanapan kayo." Kinurot ko ang kuyukot n'ya kaya naman napatalon si mare mong Beatrice.

"Jelly! Bea!"

"Grey! Oh hi!" malanding bati ni Beatrice kay Grey.

Ang gwapo n'ya talaga pero maraming nagsasabi na mas guwapo pa rin daw ako sa kanya. Ewww. Maganda ako at hindi gwapo.

For me parang sisig si Grey. He's sizzling hot and yummy.

"Hi Grey." bati ko sa kanya. I tucked my invisible long hair behind my ear.

Ngumiti s'ya sa akin pero imbis na himatayin ako sa kilig ay bakit wala na 'yong effect sa akin? Dati naman ay hindi lang panty ko ang nalalaglag kundi pati na rin pants ko. Heaven on earth what happening?

"Hi. Nga pala, naghahanap kami ng members para sa gaganaping Cheering Squad Competition this coming intramurals."

"Ayy gowtch kami d'yan! Magaling kami gumiling! Pak pak pak!" Gumiling si Beatrice sa harap ni Grey na ikinatawa naman nito.

"Sorry pero babae kasi ang hinahanap namin. I'm just wondering if you can help me persuade Yuna and Freida to join our group."

"Ouchie. Wait! Sila ba 'yong ibabalibag n'yo sa ere? Toss toss ganern?" tanong ni bakla.

"Oo. Hehehe."

Tumingin sa akin si Baetrice at hinampas ang balikat ko.

"Si Jelly close 'yan kay Freida and talk to Amari kasi s'ya naman ang close kay Yuna. And baby talk to me para tayo naman maging close. Ehe!" Binatukan ko si bakla. Ang daldal talaga kahit kelan ng lintik na 'to.

"Jelly, patulong lang oh. Pwede bang kausapin mo para sa akin si Freida? Sabihin mo hindi naman masasayang ang oras at pagod n'ya dahil may cash price naman manalo man o matalo." pahayag ni Grey. Kinuha n'ya ang kamay ko at ikinulong 'yon sa mga palad n'ya. "Please?" dugtong n'ya.

Nandiri ako nang bigla s'yang mag-puppy eyes sa akin.

"Hindi ko naman close ang bitchesang 'yon pero para sa'yo I'll try." sabi ko saka ko s'ya kinindatan. Pinigilan kong 'wag kilabutan sa ginawa ko but at the end it give shiver behh.

What's happening to me?

"Peste kang bading ka! Bakit mo sinabing close ko si Freida kahit hindi naman?" nanggigigil kong bulyaw kay Beatrice nang makalayo kami sa grupo nina Grey.

"Ayy hindi ba?" gulat n'yang tanong na halatang nangiinis.

"Ahitin ko 'yang kilay mo 'e!"

"Besh 'wag. 'Yong pubic ko na lang. Tantanan mo kilay ko." tumatawang sabi n'ya. "Ayon si Freida oh." Sinundan ko ng tingin ang hintuturo ni Beatrice ng ituro n'ya ang kinaroroonan ni Freida.

Naglalakad palabas ng campus si chaka. Sa labas n'ya ata planong kumain at hindi sa cafeteria.

"Kausapin mo na baks. Anong pang hinihintay mo? Ilang araw mo na s'yang hinahanap diba?" tanong n'ya sabay tulak sa akin nang mahina.

Ano nga ulit ang pag-uusapan namin? Bakit bigla akong nagka-memory loss?

"Dali na besh para mamaya puntahan ulit natin si Grey at balitaan natin s'ya ng sagot ni Freida."

Oo nga! 'Yong regarding lang pala sa squad competition. Nothing more!

"Mauna ka nang kumain bakla." saad ko bago patakbong puntahan si merlat. May sinabi pa si Beatrice pero hindi ko na 'yon naintindihan. Bahala s'ya.

"Hoy pechay!" sigaw ko pero imbis na lumingon s'ya at tumigil sa paglalakad ay bigla na lang s'yang tumakbo nang mabilis palayo sa akin.

Confirm! Iniiwasan nga ako ng babaing 'yon.

Kaagad ko s'yang hinabol at sinundan pero mabilis s'yang nawala sa paningin ko. Marahas akong napabuga nang hangin dahil sa inasal ni merlat. Langya! Takbuhan at taguan ba naman ako.

"Pinky!" tawag ko sa kaklase ko.

"J-Jenno." Bakas ang pagkagulat sa mukha n'ya na ipinagtaka ko.

"B-Bakit?" tanong n'ya.

"Nakita mo ba si Freida?"

"Ahh oo. Ang bilis n'ya ngang tumakbo kaya hindi n'ya rin ako napansin ng tawagin ko s'ya." Mahinhing tumawa si Pinky habang nakatakip sa bibig n'ya ang hawak n'yang panyo. Dalagang pilipina pak!

"Saan s'ya dumaan?"

"Doon."

"Salamat."

Kaagad kong tinungo ang daang tinuro ni Pinky at hinanap si merlat. Jusko pong babaing 'yon! Nakipagtaguan pa sa akin. Sumilip ako sa magkakalapit na kainan sa tabi at umaasang nasa loob s'ya ng isa sa mga iyon pero waley s'ya roon.

Bumalik ako sa school at pinuntahan na lang si mareng Beatrice sa cafeteria. Naabutan ko s'yang kasama ang kapatid ko na kumakain.

"Kuya!" tawag sa akin ni Jonah nang makita ako.

"Oh anong balita besh?" tanong ni Beatrice.

"Ayon tinakbuhan ako ni chaka."

"Bakit? Ano ba kasing nangyari sa inyo?"

"Oorder muna pala ako."

Ayokong magkwento kay Beatrice dahil ate madeska 'yon. Delikado mga secret sa kanya dahil sa buka ng bibig n'ya. Hindi naman majoho pero mabukaka. Isa pa 'yong kapatid kong chismosa rin. Nahawa ata kakasama minsan kay Bea. Haynaku!

Nang mabili ang order ko ay bumalik na ako sa pwesto ng dalawa. Hindi pa ako nakakaupo ay pinaulanan kaagad nila ako ng mga tanong.

"Kuya lalaki ka na ba?" tanong ni Jonah. Inabot ko ang buhok n'ya at mahina 'yong sinabunot.

"Pumayag akong tawagin mong kuya pero kung pagbibintangan mo akong lalaki na ay kakalbuhin talaga kita."

"Oo na! Let go of my hair! Kakapa-treatment ko pa lang n'yang 'e"

"So bhe. Tell me, bakit ka tinakbuhan ni Freida?" tanong ni Beatrice. "May ginawa ka na naman noh? Naku! Bakit ba hate na hate mo ang merlat na 'yon? Naalala ko ang ginawa mo sa kanya last month. Grabe ka sa kanya nun."

"Ahhh!" daing ni Freida nang batukan ko s'ya. Hindi n'ya inaasahang gagawin ko 'yon dahil bigla lang akong sumulpot mula sa likuran n'ya.

"Anong problema mo?!" galit na galit na sigaw n'ya habang hinihimas ang likuran ng kanyang ulo.

Pumamewang ako sa harap n'ya saka s'ya tinaasan ng kilay.

"Pokpok ka talaga noh? Pati ba naman babae ay papatusin mo?" pagtataray ko saka ko itinulak ang balikat n'ya dahilan para mapaatras s'ya.

"Ano bang sinasabi mo?" tanong n'ya sa akin na para bang wala s'yang alam sa ginawa n'ya.

"Someone saw you kissing Jessica. Nagsumbong rin sa akin si Ara na nakipag-break na sa kanya si Jessica dahil sa'yo!"

"I don't know what your talking about." tangi n'ya.

"Someone already saw you 'wag ka nang tumanggi pokpok ka!"

"Bahala ka nga d'yan. Sinasayang mo lang ang oras ko!" Akmang paalis na sana s'ya nang hablutin ko ang braso n'ya at kaladkarin s'ya papunta sa outdoor pool. Hindi na ganun kadami ang estudyante dahil magaalas-otso na ng gabi.

"W-Wag!" sigaw ni Freida. Napakapit s'ya sa damit ko nang tumama sa gilid ng pool ang mga paa n'ya.

"May ideya ka ba kung ilang relasyon na ang nasira dahil sa kalandian mo? Why are you even here? At sa catholic school ka pa talaga nagkalat ng kapokpokan mo."

"Tangina mo Jenno!"

"You know how to swim rght?" And without waiting for her answer I pushed her to the pool.

"Tangina mo talaga Jenno!" sigaw n'ya habang lumalangoy sa may hagdan. Nang makaahon s'ya ay nakita ko ang panlalamig n'ya. May kaunting awa akong naramdaman para sa kanya pero mas nanaig sa akin ang inis ko sa kalandian n'ya.

"You deserve that b*tch!"

"J-Jenno. H-Hayop ka!" nanginginig ang mga labing sabi n'ya. Nang makalapit s'ya sa akin ay akala ko'y susuntukin n'ya ako o sasabunutan pero yumakap s'ya sa akin na ikinagulat ko.

Ilang minuto rin akong hindi nakagalaw sa kinatatayuan ko dahil sa ginawa n'ya pero nang may tumawag sa pangalan ko ay mabilis ko s'yang ihiniwalay sa akin saka muling inilaglag sa pool.

Napamura ako sa utak ko dahil sa ginawa ko. Hindi ko naman intensyon na ihulog ulit s'ya. Nag-panic lang ako.

"Ay putragis ka! Anong ginagawa mong bakla ka?" sigaw ni Amari.

Mabilis namang inabot ni Beatrice si Freida at tinulungan s'yang makaahon mula sa malamig na tubig sa pool.

Imbis na taas-noo ako sa ginawa ko sa kanya ay guilt ang naramdaman ko sa huli.

My Playmate Beki | Pechay Series #1Where stories live. Discover now