06 - Men's Restroom

6.4K 165 1
                                    

"Bhe naka-drugs ka ba?" tanong sa akin ni Yuna nang magkita kami sa cafeteria.

"Anong order mo?" Hindi ko pinansin ang tanong n'ya. Hindi porket blooming s'ya ngayon ay lalaitin n'ya na ang eyebags ko.

"Cassava cake tsaka carbonara. Oi! Madami akong chika sa'yo. Hehehe." hagikgik ni Yuna.

"Mamaya na, may trabaho pa ako." Walang ganang pahayag ko habang inihahanda ang order n'ya. Sigurado akong tungkol na naman kay Amari ang kwento n'ya. Wala naman kasi s'yang ibang bukang-bibig kundi ang beking 'yon lang.

"Sige sige. Kailangan mo ring mag-explain sa akin kung bakit bigla ka na lang nawala kagabi. Alam mo bang kinabahan ako kasi inisip kong na gangbang ka na sa kung saang eskinita d'yan. Hay naku ka!"

Sarap salpakan ng plato ang bunganga ng babaing 'to.

"Bumalik ba si Jenno sa bar kagabi?" tanong ko.

"Isa pa 'yon. Bigla na lang din nawala kagabi. Magkasama ba kayo nun?"

"Pagkahatid n'ya sa akin sa bahay ay umalis rin s'ya kaagad kaya akala ko bumalik s'ya sa bar." sagot ko habang iniiwasan ang mapag-asar na mga mata ni Yuna.

Napangiti ako sa loob ng isip ko dahil sa narinig ko. Akalain mo 'yon, nakinig pala ang baklang jellfish sa akin.

Kalahating oras na lang bago matapos ang shift ko. Walang pasok si Yuna kaya hinintay n'ya na lang ako habang kumakain sa may sulok. Napansin ko ang ilang lalaki na nakatingin sa pwesto n'ya kaya naman kinuhanan ko sila ng picture saka 'yon sinend kay Amari.

Hindi kami ganun ka-close ni Amari pero gusto ko lang makialam. Bwahahaha! Kidding aside, baka lang may hidden feeling pala si Amari sa kaibigan ko. Kapag pumunta s'ya rito after 1 hour ay confirm nang may feelings s'ya kay Yuna pero kapag hindi s'ya pumunta ay iuuntog ko na ang ulo ni Yuna para makalimutan n'ya na ang bading na 'yon.

Heads over heels kasi 'tong Yuna sa baklang 'yon kahit alam na n'yang imposibling patulan s'ya nito pero sa ilang taon n'yang pang-aakit kay Amari ay may napapansin na akong improvement 'don.


"Bakit ba bantay sarado ka sa oras?" takang tanong ni Yuna sa akin.

Na-seen naman ni Amari ang sinend kong picture kanina. He only have 3 minutes before he runs out of time.

"Secret," sagot ko kay Yuna na ikinasimangot n'ya.

"Tara na sa next class."

Tumayo na lang ako dahil imposible na atang pumunta pa rito si Amari. Kapag sinabi ko ang ginawa ko kay Yuna ay baka ma-depress lang s'ya kaya huwag na lang pero hindi ko naman pweding i-judge si Amari sa desisyon n'ya. Malay mo may mas urgent s'yang kailangang asikasuhin kaya hindi s'ya sumugod sa cafeteria.

Saktong paglabas namin ay nakasalubong namin ang tatlong bakling. Isang pilyong ngiti ang sumilay sa labi ko nang magkatinginan kami ni Amari. Tinasaan n'ya ako ng isang kilay na mas lalong nagpataas nang hinala ko pero mabilis din akong napaiwas ng tingin sa kanya nang hilahin ni Jenno ang naka-ponytail kong buhak.

"Aish! Problema mo?!" asik ko sa kanya bago bumaba ang tingin ko sa leeg n'ya. Walangya! Nilagyan n'ya ng pink band aid ang binigay kong chikinini.

"Ang chaka mo!" pagtataray n'ya.

"Tara na nga Yuna!" Hinili ko papalayo kay Amari si Yuna at inirapan si Jenno. Minsan ay nakaka-bwisit din talaga ang lintik na 'yon.

"Kainis ka! Hindi tuloy ako nakapag-goodbye kiss kay Amari twittiepie ko." maktol ni Yuna habang nakanguso na parang pato.

"Mali-late na tayo."

"Luhh. May 30 mins pa kaya tayo."

"Mas mabuti nang mas maaga." giit ko.

"Dapat pala hindi muna tayo umalis ng cafeteria, edi sana malandi ko pa si Amari." pahayag n'ya. "Freida, balik tayo." Hinila n'ya ako pero dahil mas malakas ako sa kanya ay hindi n'ya ako nagawang pasunurin.

Malapit na kami sa room at ayoko nang bumalik pa.

"Ikaw na lang. Bakit kailangang kasama pa ako?"

"Sige. Hehehe. Alam mo naman bestriend tayo diba pero kasi mas mahal ko si Amari. I hope you understand. Babalikan kita. Muah! I love you." nagmamadali n'yang sabi bago tumakbo papalayo sa akin.

Pumunta muna ako sa banyo para i-check muli ang kalagayan ng eyebags ko. Wala lang, concern lang ako sa kanila. Nang makita ko ang itsura ko sa salamin ay wala namang pinagbago sa ganda ko, sadyang panira lang ng kaunti ang eyebags ko dahil sa walang humpay na pag-iyak at kakulangan ng tulog kagabi. Mas naging cautious kasi ako dahil sa pagdating ni Darius. Baka kasi pasukin n'ya bigla ang kwarto ko kaya naman bantay-sarado ako sa kaligtasan ko.

Palabas na sana ako nang humarang bigla sa harap ko si Jenno. Parehong kumunot ang mga noo namin nang makita ang isa't-isa. Napaatras ako nang bigla s'yang umabante.

"Hoy! Sa kabila ang banyo n'yo." sita ko sa kanya na nagpataas ng isa n'yang kilay. Nilibot n'ya ng tingin ang loob bago n'ya ulit ibaba ang tingin sa akin na ipinagtaka ko. "Lumabas ka na bago pa may pumasok rito."

"Bruhilda ka! Ikaw 'tong nasa maling banyo!"

"Huh?' usal ko. Tiningnan ko nang mabuti ang loob ng banyo at nanlaki ang mga mata ko nang makita ang wall-mounted toilet bowl na para sa mga lalaki. "Sh*t." Ang tanga-tanga ko talaga!

Aalis na sana ako ang bigla naman akong hilahin ni Jenno papasok ng cubicle saka n'ya tinakpan ang bibig ko. Narinig ko ang ilang lalaki na pumasok sa loob ng banyo kaya tumahimik na lang ako.

Amoy na amoy ko ang pabangong ginamit ni Jenno dahil sa lapit ng katawan n'ya sa akin. Nagkatinginan kami saglit pero kaagad din s'yang umiwas sa akin. Cute. Hinawakan ko ang pink band aid n'ya at dahan-dahan 'yong tinggal. Nanglaban pa s'ya pero sa huli ay wala na s'yang nagawa.

Pinaikot ko ang braso ko sa bewang n'ya saka s'ya hinapit papalapit sa akin. Lumabi s'ya na parang naiinis pero nginitian ko lang s'ya.

"G*go ka pre. Buti hindi ka ni-report ni Ms. Ganda." Narining kong pahayag ng lalaki sa labas.

"Speaking of her, hindi ko pa s'ya nakikita ngayong araw." Si Milo.

Ako pala ang topic nila. Ms. Ganda raw, okay na sana kaya lang ay hindi ko gusto na ako ang pinaguusapan nila.

"Bakit? Anong plano mo?" tanong ng isa n'ya pang barkada.

"Hmm. I want to play a little game with her."

"Anong gagawin mo? Ipo-photoshop mo na naman ang nanay n'ya na may ibang katalik na lalaki?"

"Sinong nagsabing photoshop 'yon? G*go! Totoo 'yon! Hindi ko lang talaga na video-han dahil namali ako ng pindot." depensa ni Milo.

Nanigas ako sa kinatatayuan ko nang marinig ang sinabi ni Milo. Gusto kong sugurin si Milo at i-flash ang mukha n'ya sa toilet. Ang lakas ng loob n'yang magsinungaling. Hindi 'yon gagawin ni mama. Hindi s'ya ganoong babae!

Aalisin ko na sana ang pagkakayakap ko kay Jenno nang muli n'yang ibalik ang braso ko sa bewang n'ya. He cupped my face and planted a soft kiss on my forehead. Tumalon ang puso ko dahil sa ginawa n'ya. Nang bumaba ang tingin n'ya sa labi ko ay akala ko'y hahalikan n'ya ako but he just caressed my lips with his thumb.

"Si Milo ba?" tanong n'ya.

"A-Ang alin?" Mahina ko s'yang itinulak papalayo sa akin bago lumabas ng cubicle. May nakasalubong pa akong isang lalaki habang palabas ng banyo pero hindi ko s'ya pinansin.

Saktong pagpasok ko sa room ay s'ya ring pagdating ng professor namin. Naabutan kong nakaupo na sa pwesto n'ya si Yuna habang malawak ang ngiti sa labi. Tumabi ako sa kanya saka s'ya kinalabit.

"Para kang tanga."

Inirapan n'ya lang ako bago muling ngumiti na parang may saltik. Haist!

***
"Freida, anong susuotin ko sa dinner bukas? Dapat sexy ako sa harap ni Amari at dalagang pilipina naman para kina tita."

"Just be yourself. 'Wag kang maging trying hard." sagot ko sa kanya.

Naglalakad kami ngayon papunta sa parking lot ng school. Alas-sais pa lang ng hapon at wala na kaming pasok. Niyaya kong mag-mall si Yuna pero pinapauwi na daw s'ya kaagad ng mga magulang n'ya.

"Uuwi ka ba kaagad?" tanong ni Yuna habang inaayos ang seatbelt n'ya sa driver seat.

"Oo. Wala naman akong ibang pupuntahan 'e. Hatid mo muna ako."

"Yes madam." sarkastikong sagot ni Yuna na nagpaikot ng mga mata ko.

Kabado ako habang papalapit nang papalapit ang destinasyon ko kung nasaan ang halimaw kong ama-amahan. Pudpod na ang kuko ng hinlalaki ko dahil sa kakakagat rito.

"Wait," usal ni Yuna. "Sino 'yong kasama ng nanay mo?"

Nabaling ang tingin ko kay mama habang may akay-akay na lalaki. I'm sure hindi 'yon si Darius dahil mas matangkad ito.

"Saan sa tingin mo ang punta nila?"

"Umuwi ka na Yuna. Dito na lang ako bababa."

Hindi ko na hinintay pa na magsalita si Yuna at dali-daling bumaba sa kotse n'ya. Mabibigat ang bawat paghinga ko at paghakbang habang nakasunod kina mama. Sino ang lalaking 'yon?

Tuluyang bumagsak ang luha ko nang pumasok si mama kasama ang lalaki sa loob ng motel. Katabi lang 'yon ng bar na pinagtatrabahuhan ni mama. Wala naman siguro silang gagawin diba? Hindi s'ya kaladkaring babae.

Pumasok ako sa motel para palabasin si mama pero hinarang ako ng nakabantay sa loob.

"May kasama ka ba?" tanong ng matabang babae habang may hithit na sigarilyo. Tiningnan n'ya ako mula ulo hanggang paa na nagpataas ng kilay ko.

"I'm here for someone. Anong room ang ng dalawang kakapasok lang?"

"Bakit? Asawa ka ba? Girlfriend ng kaninang lalaki?" usisa n'ya. "Sorry miss pero kung wala sa mga nabanggit ay umalis ka na lang." pagtataray n'ya sa akin na nagpaigting ng panga ko.

Nang umalis s'ya sa harap ko ay kinuha ko ang pagkakataong 'yon para dumi-diretso papasok pero kaagad din akong napatigil nang hilahin ng babae ang buhok ko. Mas malakas at mas malaki s'ya kesa sa akin kaya mabilis n'ya akong nakaladkad palabas saka malakas na itinulak. Mabuti na lang ay may umalalay sa likod ko na babae kaya hindi ako tuluyang bumagsak sa semento.

My Playmate Beki | Pechay Series #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon