27 - Date pt. 1

4.8K 159 13
                                    

Matinding excitement ang naramdaman ko nang makita ang nature park na pinuntahan namin Jenno. Kung marunong lang ako tumambling ay baka nagawa ko na 'yon habang papasok kami sa loob. First time ko sa gan'tong lugar kaya sisiguraduhin kong bawat sulok nito ay mae-explore namin ni bakla. Magaala-Dora and boots kami ngayon.

"Slow down pechay. Nadadapa ako sa'yo 'e." natatawang suway sa akin ni Jenno nang hilahin ko s'ya patakbo. "Hindi ka naman tatakbuhan nitong park kaya maghunos dili ka." dugong pa n'ya.

"Gusto kong madaming memories at picture-picture ang gawin natin dito since first date natin 'tong dalawa."

"I know right." maarting pagsang-ayon n'ya sa akin.

Pinagsaklbo n'ya ang kamay naming dalawa saka naunang naglakad. Napapatalon na napasunod na lang din ako sa kanya.

"Ayon may fish pond. Langoy ka kasama ng koi fish tapos pi-picturan kita. Ngumuso ka na rin katulad nila para hawig kayo."

Mahina kong hinampas si Jenno sa balikat kaya napatawa s'ya sabay yakap sa akin. Kinuha n'ya mula sa bulsa ang cellphone n'ya saka kami nagsimulang mag-pose sa kung saan-saan. Para kaming tangang dalawa sa mga posing na ginagawa namin lalo na kapag may nakita kaming rebolto na kulang na lang ay halayin ni Jenno.

"Jenno, gusto kong ma-try nating dalawa 'yon." Turo ko sa isang couple na nagba-bike habang magkahawak kamay. Ang sweet nilang tinginan. 'Yong sabay kayong nape-pedal tapos sabay din kayo babagsak kapag tanga 'yong isa. Ang sweet.

"Ikaw mag-bike tapos angkas na lang ako sa likuran mo."

"Ayoko ko. Gusto kong gawin din natin 'yon."

"E hindi naman ako marunong mag-bike pechay. Tanong mo kay kuya kong pwede ko rentahan 'yong may apat na gulong, sige, tingnan lang nating kung pumayag 'yon."

Bumusangot ang mukha ko dahil sa sinabi n'ya. Pang-5 to 10 years old lang 'yong may apat na gulong kaya for sure na hindi papayag si kuyang nagpaparenta ng mga bike.

"Tuturuan na lang kita."

"Wag na. Mauubos lang ang oras natin sa pagtuturo mo sa akin. Simula ata noong 7 years old akembang nag-aral na akong mag-bike pero wala teh, gasgas lagi tuhod ko. Tumigil na lang ako nung 12 ako dahil scam 'yong sebu de macho. Ang hirap kaya magpawala ng peklat." litanya ni Jenno.

"Kahit isang oras lang. Kapag hindi ka pa rin natuto sa akin ay iaangkas na lang kita." pagpupumilit ko sa kanya. Yumakap ako sa bewang n'ya saka tumingkayad para abutin ang pisngi n'ya saka s'ya hinalikan. "Dali na." I prettly blinked my eyes for a couple of times para lang mapapayag s'ya and at the end ay hindi n'ya nga ako natiis.

"Fine. Naku kung hindi lang kita gusto baka itinapon na kita sa fish pond."

I giggled and steal a kiss from him. Tumakbo ako papalapit kay manong saka nirentahan ang isa n'yang bike.

***
"Ahhhhh shotangina!" tili ni Jenno nang itulak ko ang bike para hayaan s'yang patakbuhin 'yon pero imbis na gamitin ang pedal at brake ay 'yong dalawa n'yang paa ang ginamit n'ya sa sahig para ma-control ang bike. Imbis na ma-disappoint ay natawa na lang ako sa ginagawa n'ya.

Hinabol ko s'ya. Napalitan na nang tawa ang tili n'ya at mukhang enjoy na enjoy na s'ya.

"Marunong na ako pechay!" proud na sigaw n'ya. Hindi n'ya ata napapansing paa ang ginagamit n'ya sa pagpapatakbo ng bike. Sa haba ng mga hita n'ya ay hindi na s'ya matutumba sa lagay n'yang 'yan.

Ang cute-cute n'ya.

"Marunong daw. Wala ka na talagang pag-asa." sabi ko nang makalapit sa kanya. Napangiwi naman s'ya saka ako inirapan. Hinawakan ko ang isa n'yang pisngi saka ko pinunasan ang pawisan n'yang mukha.

My Playmate Beki | Pechay Series #1Where stories live. Discover now