04 - Club Night

6.2K 219 16
                                    

"Gaga! Kanino ka na naman nakipagbuno at ganyan labi mo?" tanong ni Yuna. Imbis na sagutin s'ya ay pumasok na lang ako sa kotse n'ya. "Heto, mag-lipstick ka nga." abot n'ya sa akin ng lipstick n'ya nang maupo s'ya sa driver sit.

Kinuha ko na lang 'yon at nilagyan ang labi ko.

"Si Milo ba?"

"Hmm." usal ko na lang.

"Siraulo talaga 'yon." inis na pahayag ni Yuna bago paandarin ang sasakyan n'ya.

Hindi pa kami nakakapasok ng bar ay dinig na namin mula sa labas ang malakas na tugtugan sa loob. Hindi ito ang unang beses ko sa bar, nagtrabaho na rin ako rito bilang waitress noon pero dahil last year ko na sa college ay kailangan kong tumigil sa pagtatrabaho para makapag-focus sa studies ko. Doon din nakuha ng ilang mga estudyante ang ideya na pokpok ako dahil lang sa loob ako nang bar nagtatrabaho katulad ng nanay ko.

Mga utak mongo nga naman.

"Katey!" tawag sa akin ni kuya Muscle na s'yang bouncer sa bar.
"Bakit ngayon ka lang pumunta? Alam mo bang maraming nakaka-miss sa'yo rito."

"Sus! Nambola ka pa." saad ko saka dire-diretsong pumasok sa loob.

Hindi pa rin talaga ako sanay sa ingay ng bar. Nakakainis pa rin ang iba't-ibang ilaw na naglalaro sa loob. Ang sakit sa mata.

Kumapit sa braso ko si Yuna at hinila ako. "Nasaan na ba 'yon?" narinig kong bulong n'ya sa sarili n'ya.

Sino naman kaya ang hinahanap ng pokpok na 'to.

"P*tangina!" madiin at nanggigigil na mura ni Yuna kaya naman sinundan ko nang tingin ang tinitingnan n'ya.

Naningkit ang mga mata ko ng makita si baklang Jellyfish at ang dalawa n'ya pang mga kaibigan na may ka-table na tatlong lalaki. Parang mga kiti-kiti ang tatlong bading. Ang sarap nilang pitikin ng lastiko sa itlog. Napairap ako bago ibalik kay Yuna ang tingin ko. Nag-aapoy na ang mga mata nito at halatang hindi nagugustuhan ang kalandian ng Amari n'ya.

"Let's go to the bathroom first." Nagmartsa s'ya papasok sa banyo kaya sumunod na lang din ako. Kakabanyo n'ya lang kanina ah.

"Freida, come here." Hinila n'ya ako papalapit sa kanya at tinitigan ako mula ulo hanggang paa.

"Anong problema mo?" kunot noong tanong ko sa kanya.

"Masyado ba tayong boring? Should we spice up a bit?"

"Ba't nadamay ako?"

"Damay-damay na mars."

Kinuha ni Yuna mula sa sling bag ang isang ballpen saka n'ya 'yon itinusok sa laylayan ng floral dress n'ya. Pinunit n'ya 'yon hanggang sa maging 3 inches above the knee ang palda. Tinanggal n'ya rin ang suot n'yang denim jacket at ishinoot 'yon sa basurahan. Hindi pa s'ya umiinom pero parang may tama na ang babaing 'to. Naka-spagetti floral dress pala s'ya. Mas lalo s'yang sumexy dahil sa pagikli ng damit n'ya. Pwede na s'yang ikompara sa pokpok sa bar pero s'ya 'yong pokashell na may class at may ibabatbat

"What do you think?" tanong n'ya.

"Laban na."

"Ikaw? Ayaw mo bang magpaka-pokpok ngayon?"

"Hindi ko na kailangang magpaganda dahil maganda na ako." sagot ko. Naka-high waist maong short lang ako at black v-neck shirt. Naniniwala ako sa kasabihang 'Simplicity is beauty' at isa pa, wala na naman akong papagandahan noh.

"So sinasabi mo bang pangit ako kaya ako nagpapaganda?" pagtataray n'ya pero inirapan ko lang s'ya.

"Tara na nga. Baka nakaalis na ang mga 'yon sa bagal mo."

My Playmate Beki | Pechay Series #1Onde histórias criam vida. Descubra agora