14 - Two-faced na Bading

5.5K 165 2
                                    

I missed him.

Halos isang linggo na rin ata ang lumipas nang huling magkausap kami. Ewan ko ba pero na mi-miss ko talaga ang bading na 'yon. Ako naman 'tong unang nag-insist na ibalik sa dati ang pagiging enemy naming dalawa pero bakit ako 'tong sisingsisi?

Nang sinabi ko sa kanyang virgin pa ako ay inaasahan ko nang magugulat s'ya. Well, nangyari nga pero ini-expect ko ring matutuwa s'ya dahil he's making out with a girl na wala pang nakakauna pero nagkamali ako. He told me that he'll never kiss or touch me again. He wanted to be friends with me pero hindi 'yon ang gusto kong marining mula sa kanya.

"Ready?" tanong ni Grey kaya tumango na lang ako.

"Make sure na iuuwi mo nang ligtas ang bestfriend ko ah." pahayag ni Yuna.

"Ofcourse." natatawang sagot sa kanya ni Grey. Kung makapagsalita kasi si Yuna ay para s'yang istriktang nanay ko.

"Good. Call me Freida when you get home." dagdag pa n'ya bago paandarin ang sasakyan n'ya at iwan ako kasama si Grey.

Long time crush ni Jenno si Grey, magagalit ba s'ya kapag dinate ko ang lalaking 'to?

"Saan mo gustong kumain?" tanong n'ya habang naglalakad kami palabas ng school.

"Baka mabutas ko ang bulsa mo kapag nag-request ako." pagbibiro ko pero tinawanan n'ya lang ako. Nagulat ako ng kunin n'ya ang kamay ko at hawakan 'yon.

Is this okay?

"I know a place." Hinila n'ya ako kaya kaagad akong napasunod sa kanya. "Hindi 'yon ganun kamahalan pero masarap ang mga pagkain 'don. I assure you. Magugustuhan mo 'ron." nakangiting pahayag n'ya.

HHWW. Holding hands while walking, wala naman akong nararamdaman espesyal na dahilan para maging abnormal ang pagtibok ng puso ko. Siguro kung 'yong taong gusto ko ang kahawak ko ng kamay ay baka tumalon pa ang puso ko sa kilig but sadly to say hindi 'yon si Grey.

Pagdating namin sa kainan ay nagulat ako nang makita si Jenno kasama ang mga kaibigan n'ya na kumakain din. Hindi ko mabilang kung ilang beses ako napalunok dahil sa pagtatama ng paningin naming dalawa.

Jusko lord! Sa dami nang pweding lugar at araw bakit ngayon pa na kasama ko ang long time crush n'yang si Grey. Nakita ko ang pagbaba ng mga mata n'ya sa kamay namin kaya naman kaagad ko binitawan si Grey.

"Doon tayo." Nauna akong naglakad papasok at pumwesto malayo sa table ni na Jenno. Ang lakas nang tibok ng puso ko dahil sa kabang nararamdaman ko. Siguradong pinapatay na ako ngayon ni Jenno sa isip n'ya.

"Freida, I want to tell you something. Matagal ko na 'tong gustong sabihin sa'yo pero natotorpe ako sa tuwing humaharap na ako sa'yo."

Oh noo. Alam ko ang mga linyahan na 'yan.

"Good evening sir, ma'am. Nakapili na po ba kayo ng oorderin n'yo?" Sumulpot sa tabi naming ang isang waitress kaya naputol ang paghinga ni Grey sa ere bago lingunin ang babae.

Nakakatawa ang naging ekspresyon n'ya. Halatang nahihiya s'yang bitawan ang mga salitang gusto n'yang sabihin sa akin..

"Sea food ramen and sushi na lang sa akin. Ikaw?" tanong ko kay Grey nakakabukas lang ng menu.

"S-Same. Iyon na lang din."

Nang makaalis ang waitress ay napansin ko ang pagbuga ng hangin ni Grey bago humarap sa akin.

"As I was saying, may gusto akong sabihin sa'yo Freida." aniya nito.

"Go on."

"I--" Muling naputol si Grey nang sumulpot sa tabi namin si Beatrice.

"Hiyieee Grey! Omgee! What a coincidence. Date n'yo?"

"Oo/Hindi." Magkaibang sagot namin ni Grey.

Wait. Hindi naman 'to date kaya bakit sasagot s'ya ng 'Oo'? He just asked me to have dinner with him. Iyon lang 'yon.

"Hahaha. Ang funny n'yo. Anyway, babye. Enjoy your night. 'Wag kalimutang mag-condom. Byiee!"

Napaubo si Grey at halos malunod sa sariling laway dahil sa sinabi ni Beatrice. Nangalumbaba ako sa mesa at tinitigan lang ang reaksyon ng lalaking kaharap ko. No wonder na naging crush s'ya ni Jenno. Gwapo na, mabait pa.

***

"Kamusta ang date mo?" tanong ni Yuna habang nakatutok sa mukha n'ya ang maliit n'yang salamin.

Today is the day! First day of Intramurals at cheerleading competition. Nasa isang vacant room kami at kanya-kanyng nag-aayos ng sarili. We only have 3 hours before the competition and we're still waiting for our costumes. Kabado na ang ibang member namin dahil wala pa ring paramdam ang tailor na nakatuka roon.

"Hindi 'yon date." sagot ko habang inaayos ang mahaba kong buhok into bun.

"Sus."

"Freida," tawag sa akin ni Grey kaya kaagad akong napalingon sa kanya. "Here, suotin n'yo ni Yuna. Knee and elbow pad."

"Thank you. S'ya nga pala, wala pa rin ba ang mga costumes natin?" tanong ko.

"On the way na daw. Siguro after 15 minutes nandito na 'yon."

"Okay. Salamat ulit rito."

"No prob."

"He's so sweet. Freida kung ako sa'yo ay papatulan ko na s'ya."

"Ewan ko sa'yo." saad ko saka s'ya inirapan.

Ayokong pilitin ang sarili ko na magustuhan s'ya dahil una sa lahat hindi pinipilit ang pag-ibig, kusa mo na lang 'yong mararamdaman. Sound cliche pero totoo 'yon. Mabait si Grey, gwapo at gentleman. He deserve someone better at hindi ako 'yon.

"Sorry guys kung ngayon lang ako. Kinabahan ba kayo?" tanong nang baklang mananahi bitbit ang mga damit na gagamitin namin.

Sa wakas! Dumating din s'ya.

Violet and white ang kulay ng uniform namin. Two piece uniform 'yon na may kasama pang varsity jacket.

''Lapit lang kayo guys kung may problema kayong na-encounter sa uniform n'yo ah." pahayag ni Dakota, ang baklang mananahi.

Kaagad naming sinukat ni Yuna ang uniform at laking panghihinayang namin ng makita ang kinalabasan nito sa katawan naming dalawa. Sobrang ikli nang palda para sa akin na kulang na lang ay makita ang pwetan ko samantalang ipit na ipit naman ang boobs ni Yuna kaya lumalabas ang ibabaw ng dibdib n'ya.

"This is not going to work. Paano n'ya maa-adjust 'to?" dismayang pahayag ni Yuna.

Mabuti na lang ay oversize ang varsity jacket kaya hindi kami lumabas ng banyo na parang mga pokpok. Nang bumalik sa vacant room ay nakita namin doon ng iba pa naming ka-members na masaya sa kinalabasan ng kanilang suot samantalang kami ni Yuna ay parehong problemado.

"Dakota," tawag ko sa bakla kaya kaagad s'yang napalingon sa amin. Para s'yang si Jeffree star dahil sa makapal n'yang make up at kulay berde n'yang buhok na naka-bun pero hindi maipagkakailang maganda ang build nang pangangatawan n'ya. Sobrang fitted ng suot n'yang blue polo at pants kaya halatang may abs si bakla.

"Yes mga mhe. Is their a problem?"

"Meron po. 'Yong boobs ko po parang puputok na sa loob tapos 'yong kuyukot ng bestfriend ko sumisilip." pabulong na sabi ni Yuna dahilan para matawa si Dakota.

"Okay, I can fixed that."

Nakahinga ako nang maluwag ng marining ang sinabi n'ya. Baka hindi lang kuyukot ko ang sumilip mamaya pagtalon ko kundi alam n'yo na. Ayoko nang hintayin pa na mangyari 'yon noh.

Naunang inasikaso ni Dakota si Yuna sa banyo kaya naman hinintay ko na lang na bumalik silang dalawa sa room pero nang mapansin kong halos kalahating oras na silang hindi bumabalik ay nagpasya na akong puntahan sila.
Kumunot ang noo ko nang makita ang mangilan-ngilan na mga babae na sumisilip sa banyo kaya naman kaagad akong lumapit sa kanila.

"Anong problema?' tanong ko sa isang naabutan ko sa harap ng pinto.

"Hindi namin mabuksan ang pinto. Ihing-ihi na kami. Ang layo pa naman ng ibang CR." reklamo nito.

"May narinig akong babaing umiiyak pero not sure lang." sagot namang ng isa pang babae bago tuluyang maglakad papalayo kasama ang mga kaibigan n'ya.

Paulit-ulit kong kinatok ang pinto ng banyo at tinawag ang pangalan ni Yuna. Bigla kasi akong kinabahan kaya sure ball ako na may hindi tama rito.

"Yuna? Nandyan ka ba?" sigaw ko habang hindi pa rin tumitigil sa paghampas ng pinto.

Isang matinis na ungol mula sa loob ang nagbigay takot sa akin kaya naman desidido na akong sirain ang pagkaka-lock sa pinto.

Nakita ko ang fire extinguisher sa pader kaya kaagad ko 'yong kinuha at paulit-ulit na inihampas sa door knob hanggang sa masira ko 'yon. Ramdam ko ang tinging ipinupukol sa akin ng ilang mga estudyante pero hindi ko sila pinagtuunan ng pansin.

"Yuna!" sigaw ko nang makita si Yuna na walang malay sa sahig at duguan ang mukha. Kitang-kita ko ring ang ilang patak ng dugo sa tiles na tuluyang nagpakaba sa akin dahil sa sitwasyon n'ya.

Akmang lalapitan ko na sana s'ya nang malipat ang tingin ko kay Dakota habang pilit na tumatakas mula sa pinagtanggalan n'ya ng exhaust fan. "A-Anong ginawa mo?" Tuluyang nanlabo ang paningin ko dahil sa pangingilid ng luha sa mga mata ko.

Sa sobrang galit ay kaagad akong lumapit kay Dakota at inihampas ang fire extinguisher na hawak ko sa kanya. Narinig ko ang pagdaing n'ya pero hindi ako tumigil hangga't hindi ko nakikitang lumpo ang baklang kaharap ko.

Nakakapagtakang hindi na boses bakla ang lumalabas sa bibig n'ya kundi baritono na. "P*tangina!" asik n'ya.

Narining ko ang ilang sigaw ng mga estudyante sa labas pero hindi ko sila pinagtuunan ng pansin dahil abala pa ako sa pagpatay sa lintik na 'to. Kaagad kong nabitawan ang fire extinguisher at napasalampak sa sahig dahil sa malakas na pagtulak sa akin ni Dakota. Tatakbo na sana s'ya palabas ng banyo ng yakapin ko ang isa n'yang binti pero halos mandilim ang paningin ko nang maramdaman ko ang malakas na sipang tumama sa sikmura ko.

"Freida! Yuna!" sigaw ni Grey.

Kahit nanlalabo ang paningin ko ay nakita ko ang pagtutulungan nilang magbabarkada para hulihin si Dakota. Nanghihinang napaupo ako sa sahig saka inabot ang fire extinguisher sa tabi ko. Nanginginig ang mga binti ko na tumayo sa likuran ni Dakota bago ihampas sa ulo n'ya ang hawak ko.

"F*ck you." bulong ko bago tuluyang mawalan ng malay.

***
Please don't forget to vote and comment 😊❤️

Enjoy~

My Playmate Beki | Pechay Series #1Where stories live. Discover now