20 - Bonus

5.6K 170 28
                                    

Warning : THIS CHAPTER IS RATED SPG ‼️🚨

FREIDA

Mabilis na hinanap ng mga mata ko si Jenno pagpasok ko sa clinic. Nang marinig ang mga usap-usapan ng mga estudyante patungkol kay Jenno at ang pakikipagsuntukan nito ay kaagad kaming naghiwa-hiwalay nina Yuna para hanapin s'ya.

"Jenno!" tawag ko sa kanya nang makita s'yang nakaupo sa gilid ng higaan at hinihimas ang panga n'ya. Mabilis akong lumapit sa kanya at tiningnan ang itsura n'ya.

May mga sugat, galos at pasa s'ya sa mukha.

"Anong nangyari? Sino ang may gawa nito sa'yo?" sunod-sunod kong tanong sa kanya pero imbis na sagutin ako ay hinapit n'ya ang bewang ko saka n'ya isinubsob ang mukha n'ya sa tiyan ko. Ilang segundo akong na istatwa dahil sa ginawa n'ya bago dahan-dahang hawakan ang ulo n'ya at haplusin ang buhok n'ya.

Kahit may suot akong damit ay ramdam ko ang mainit n'yang hininga sa balat ko.

"Ba't ang bango mo pechay?" tanong n'ya na mahina kong ikinatawa.

Paano ako makaka-move on kung ganito naman s'ya ka-clingy sa akin? Kahit ang pagsusungit n'ya pati na rin ang mga gay gesture n'ya ay dagdag points para mas lalo pang lumalim ang nararamdaman ko sa kanya. Minsan tuloy ay iniisip kong may gusto na rin s'ya sa akin kahit alam kong imposible.

"Damit 'to ni Jonah at hindi akin."

"No. Kahit ipikit ko ang mga mata ko ay alam kong sa'yo ang mabangong amoy na 'yon." giit n'ya.

Nang humiwalay s'ya sa akin ay pinaupo n'ya ako sa kandungan n'ya. Nakapwesto s'ya sa pagitan ng hita ko habang hawak ang magkabila kong bewang. Tumatama ang mainit at mabango n'yang hininga sa leeg ko habang pinagmamasdan ang mukha ko. Kahit anong gawin kong pananakot sa sarili ko ay hinayaan ko lang sa huli si Jenno na pasunurin ang katawan ko.

Scandal 'to kapag may nakakita sa aming estudyante or faculty.

"Baka makita tayo ng nurse."

"She went out. Baka hindi na 'yon bumalik." sagot ni Jenno habang nilalaro ang dulo ng buhok ko na tumatama sa dibdib ko.

"Paano kung may pumasok na estudyante?"

"Let's just pray na wala." bulong n'ya dahilan para mapalunok ako.

Maingat kong hinaplos ang mukha n'ya dahil sa mga sugat n'ya. Kahit may mga galos at pasa s'ya ay hindi 'yon naging dahilan para mabawasan ang ka-gwapuhan n'ya. Bumaba ang mga daliri ko sa labi n'ya na bahagya ko ring ikinagulat. Aalisin ko na sana ang kamay ko nang hawakan n'ya ito at halikan.

Ba't ang sexy n'ya sa part na 'yon?

"I'm sorry." usal n'ya habang masuyo pa ring hinahalikan ang kamay ko.

"For what?"

"For everything. Sa pambu-bully ko sa'yo. For being a gay jerk."

"Hindi naman ako galit at hindi rin ako nagtanim nang sama ng loob sa'yo."

Sa kabila ng mga naging alitan namin ni Jenno in the past years ay wala akong dahilan para kamunghian s'ya to the point na gusto ko na s'yang ipakulam. Walang ganun. Oo nga't nagsalita s'ya nang masasakit na salita sa akin at nagawa n'ya akong saktan pero wala 'e, naiinis ako at nagagalit pero mabilis 'yong nawawala. Siguro ay mapagpatawad lang talaga ako sa mga taong may mabababaw na kasalanan sa akin.

"Mas lalo tuloy akong nagi-guilty." saad n'ya. "What can I do to make it up to you?"

Napakagat ako ng labi dahil sa naging tanong n'ya. Isa lang naman ang gusto kong mangyari at 'yon ang masuklian n'ya ang nararamdaman ko para sa kanya pero masyado naman 'yong demanding. Ayokong sabihin 'yon at mapilitan s'ya sa hindi n'ya naman kayang panindigan. It's to much.

My Playmate Beki | Pechay Series #1Where stories live. Discover now