02 - Confession Room

7K 242 102
                                    

"May talent ka rin pala bukod sa pagsipa ng bola Milo. Paturo naman kung paano gumamit ng photoshop." pagak ang tawang pahayag ko na nagpakunot ng noo nito.

"Kung ayaw mo pa ring maniwala ay may video rin ako. Do you want to watch it? Gawin na rin nating ang ginagawa ng nanay mo para hindi tayo maingit. What do you think?"

Akmang aagawin ko na sana ang cellphone n'ya nang ilayo n'ya 'yon sa akin pero sinipa ko nang malakas ang tuhod n'ya dahilan para mapaluhod s'ya. Kinuha ko ang pagkakataon 'yon para kunin ang cellphone pero nagulat ako ng hilahin n'ya ang blouse ko at punitin ang pagkakabutones nito.

Parang nag-slow motion ang pagtalsik ng mga butones ko dahil sa ginawa n'ya. Nakita ko ang paglawak ng ngisi n'ya nang tumambad sa kanya ang boobs ko. Kahit may suot akong bra ay pakiramdam ko'y nakahubad na rin ako sa harap n'ya.

"Nice tits." nakangising pahayag n'ya kaya naman kaagad ko 'yong tinakpan bago sipain ang mukha n'ya.

"Sa tingin mo ba ay papalampasin ko ang ginawa mong 'to?!" sigaw ko.

"H*yop ka! Tingnan na lang natin kung sino sa ating dalawa ang mapapahiya kapag nakalabas ang nangyari 'to. No one will believe you Freiya. Alam nang lahat na isa kang kaladkaring babae katulad ng nanay mong pokpok."

Tumakbo ako papalayo sa kanya at tinungo ang isa pang pinto ng chapel. I unlock the door but before I could open it Milo's words stopped me.

"Ipagkakalat ko 'tong sex video ng nanay mo sa buong school at sigurado akong mapapatalsik ka rito bago mo pa mahawakan ang diploma mo pero maaari pang magbago ang isip ko Freiya basta sundin mo lang ang gusto ko."

Gusto kong makapagtapos at makahanap ng maayos na trabaho pero kapag kumalat ang sex video ng nanay ko ay imposible ko na 'yong makamit. I'm helpless. Mukhang hindi ko na mapapanindigan ang sinabi kong pagprotekta sa dignidad ko. Kapag ginawa ko 'to ay wala na rin akong pinagkaiba sa nanay ko.

Umagos ang mga luha ko kasabay nang dahan-dahan kong paglingon sa direksyon ni Milo pero bago pa man ako mapaharap sa kanya ay bigla na lang bumukas ang pintong kaharap ko at iniluwa nun ang taong hindi ko inaasahang makita sa mga oras na 'to.

Si Jenno.

Nakita ko ang pagsasalubong nang makakapal n'yang kilay bago bumama ang tingin n'ya sa dibdib ko.

"M-Mali ang iniisip mo!" Depensa ko dahil sa tingin n'ya palang na ipinupukol sa akin ay sigurado na akong may naglalaro nang masama sa isip n'ya. Napaatras ako nang maglakad s'ya papasok.

"Jenno!" tawag sa kanya ni Milo. "That girl is crazy. Hilahin ba naman ako rito't maghubad sa harap ko. What a whore! Hindi na nahiya kay Lord." dugtong nito na ikinagulat ko.

Akmang magmamartsa na sana ako para sugurin si Milo nang mahigpit na hawakan ni Jenno ang braso ko.

"Bitawan mo ako! Papatayin ko ang tarantadong 'yan!" sigaw ko kay Jenno saka ko marahas na pinunasan ang luha ko.

"Umalis ka na Milo! Baka mahampas kita ng cross ni papa Jesus dahil sa gigil ko sa'yong g*go ka! Hindi ko pa nakakalimutan ang ginawa mo sa kapatid ko!"

Akala ko ay makikipagtalo pa si Milo kay Jenno pero himalang sumunod naman ito sa sinabi ni bakla. Nginisihan n'ya muna ako bago tuluyang lumabas ng chapel.

"Oh ba't galit?" mataray na tanong ni Jenno.

"I know what your thinking Jenno! Naniniwala ka sa sinabi n'ya!" asik ko habang wala pa ring tigil ang pag-agos ng luha ko. Ayokong umiyak sa harap n'ya pero hindi ko mapigilan ang samot-saring emosyong sumasakop ngayon sa akin.

Nagagalit ako kay Milo pero natatakot din ako sa banta n'ya kanina. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Paano kung i-send n'ya kung kani-kanino ang s*x video ni mama?

My Playmate Beki | Pechay Series #1Where stories live. Discover now