08 - Alone Together pt. 1

6.1K 209 15
                                    

Bumaba ako ng kotse at sinalubong si Freida. Nang makita n'ya ako ay kaagad n'ya akong inambahan ng yakap habang humahagulgol ng iyak.

"Hoy poka, anyare sa'yo?" bulong na tanong ko sa kanya. Yinakap ko na rin s'ya ng maramdaman ang panginginig ng buo n'yang katawan.

"T-Take me w-with you. Ayoko rito. P-Please." hagulgol n'ya habang nakabaon sa dibdib ko ang mukha n'ya.

Inalalayan ko s'ya papasok sa passenger seat at kinabitan na rin ng seatbelt. Nang tingnan ko s'ya ay masama ang tingin n'ya sa kaninang lalaki na naglalakad na ngayon papunta sa amin.

"I'll talk to him." saad ko bago isara ang pintong katabi n'ya.

"Good evening iho." nakangiting bati sa akin ng lalaki. "Gabi na ah. May pupuntahan pa ba kayo ng anak ko?"

"Yes po. Ayos lang po ba na isama ko muna si Freida sa amin. She was actually my girlfriend and my mom wanted to meet her." pagdadahilan ko gamit ang lalaking-laki kong boses. Jusme! Ano ba naman itong pinasok ko? Girlfriend daw? I wanna puke. Glitters and rainbow.

"Boyfriend ka ni Freida? Hindi ko alam na may boyfriend na pala s'ya."

Tumalas ang tingin ko sa matanda dahil sa saglit n'yang pagtingin kay Freida. Hindi ko alam pero may something fishy sa tanders na 'to.

"Opo." sagot ko na lang.

"Maihahatid mo ba s'ya rito mamaya?"

"Hmm. Y-Yes." Hindi siguradong sagot ko. Depende kasi 'yon kay chaka. Paano kung ayaw n'ya naman palang umuwi?

"Salamat kung ganun." aniya nito bago tuluyang maglakad papalayo.

Pagpasok ko sa kotse ay nakita kong matalim pa rin ang tingin ni merlat sa papa n'ya.

"Hoy pechay," tawag ko sa kanya. "Did he hurt you or something?"


Bumaling s'ya sa akin pero kaagad din s'yang umiwas. Walang bakas ng kahit anong emosyon ang mukha nito. Imbis na chikahin pa s'ya at kulitin ay pinaandar ko na lang kotse palayo sa lugar. Panaka-naka ang paglingon ko kay Freida habang nasa biyahe.

P*ta! Kating-kati na ang dila ko na tanungin s'ya. Ayoko namang sabihin n'yang 'mind your own business' kaya itinikom ko na muna ang bibig ko.

Nag-drive thru ako sa nadaan naming fastfood dahil alam kong wala namang pagkain sa bahay.

"Wala ka bang ibang gustong kainin chaka?" tanong ko sa kanya pero umiling lang s'ya bago muling ibalik sa labas ng bintana ang tingin n'ya.

Nakakapanibago naman ang babaing 'to. Itinigil ko muna sa labas ng bahay ang kotse bago isandal sa backseat ang likuran ko. I waited for her to say or ask something. Sa lalim nang iniisip n'ya ay mukhang hindi n'ya pa napapansing tumigil na kami.

We stayed quiet for almost 15 minutes. Pinapakiramdam ko lang s'ya sa tabi ko hanggang sa marinig ko ang mahina n'yang paghikbi. Nagpasya akong bumaba ng kotse at buksan ang passenger seat.

"Hoy merlat,"

Hinilamos n'ya ang mukha n'ya saka umiwas ng tingin sa akin pero kaagad ko ring hinuli ang pisngi n'ya para mapaharap s'ya sa akin.

"A-Ano ba!" reklamo ni pechay saka n'ya winakli ang kamay ko.

"Ang chaka mo." pangaasar ko sa kanya saka inipit ang magkabila n'yang pisngi. "Just tell me what's wrong. Don't worry hindi ko naman ipapamalita sa school ang problema mo. Hindi naman ako ganun kademonyo noh." I added while wiping her tears. Hinuli n'ya ang kamay ko saka n'ya 'yon ibinaba pero hindi n'ya inalis ang pagkakahawak dito.

Pinaglaruan n'ya ang mga daliri ko habang nakapatong 'yon sa hita n'ya. Gamit ang isa kong kamay ay binuksan ko ang compartment sa kotse at kinuha ang nakatago kung tissue roon. Bumunot ako ng tissue saka ko pinunasan ang ilong n'ya.

My Playmate Beki | Pechay Series #1जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें