42 - Cast Me a Spell

3.7K 121 28
                                    

This chapter is RATED SPG ‼️
⚠️⚠️⚠️

***

She weeped every night. Sa mga lumipas na araw na magkasama kami ni pechay sa iisang bahay ay iyon ang lagi kong napapansin sa kanya. Walang gabi na hindi ko s'ya naririnig na umiiyak sa tuwing lumalapit ako sa kwarto n'ya. I never dared to confront or console her about her problems lalo na kapag nakikita ko s'ya kinaumagahan na masaya at parang walang iniindang sakit o problema. Was she wearing a mask?

"Here," abot n'ya sa akin ng mga gamot.

"Thanks."

"Wag kang matutulog nang basa ang buhok mo. Blow dry your hair before going to bed." pahayag n'ya. "Call me when you need anything."

Ayan na naman s'ya sa no. 1 paalala n'ya.

Nang lumabas s'ya nang kwarto ay pumasok na rin ako sa banyo para maligo. Nagbabad ako sa bathtub ng ilang oras. Katulad ng lagi kong ginagawa kapag kailangan kong mag-isip ay pigil hininga ang ginagawa ko sa ilalim ng tubig.

Halos isang buwan na rin simula nang magtrabaho sa akin si pechay. Hindi naman pala s'ya ganun kahirap pakisamahan. Oo na, judger na ako. After all this years of being her harter and bully, I saw the good side and b*tch side of her lalo na kapag bumibisita si Rio. Ewan ko ba sa dalawang 'yon at parang aso't pusa. Ako ang mediator nila. Kapag hindi ako pumagitna sa kanila ay baka maging crime scene ang bahay ko. 

Nang may pumasok na tubig sa ilong ko ay doon na ako nakapagdesisyon na umahon. Sandali akong napatitig sa tuwalyang nakaharang sa salamin na halos isang buwan na rin nandoon. Tinakpan ko ang salamin sa banyo para hindi ko makita ang itsura ko. Sa tuwing nakikita ko ang repleksyon ko ay hindi ko mapigilang kaawaan ang sarili ko. I want to scream and hurt myself for being so reckless. Kung naging maingat ako ay hindi sana hahantong sa ganito. Hindi lang braso ko ang nawala sa akin kundi ang pangarap kong makapagtapos at maging summa.

Lumabas ako ng banyo at nagbihis. Ipipikit ko na sana ang mga mata ko para matulog nang maalala ko ang sinabi ni pechay.

I need to blowdry my hair pero tinatamad ako.

Kinuha ko sa drawer ang blow dryer ko at naglakad palabas ng room. Kumatok muna ako sa kwarto ni pechay bago 'yon buksan kahit walang go signal n'ya pero kaagad ko ring pinagsisihan ang ginawa ko nang makita s'yang naktapis lang ng tuwalya habang pinupunasan ang basa n'yang buhok.

"Sorry," bulong ko.

"O-Okay lang. May kailangan ka ba?"

"Patulong," saad ko nang iangat ang hawak kong blow dryer.

"Sure. Halika rito."

Napalunok ako. Para akong hihila nang nakakaakit n'yang bango. I mentally shook my head and cursed. Calm down bading! Merlat 'yang at hindi otoko. Tahong ang meron yan at hindi nota.

Naupo ako sa gilid ng kama ni pechay habang nakaluhod naman s'ya sa likuran ko. Sinimulan n'yang guluhin ang basa kong buhok gamit ang kamay n'ya habang pinapatuyo ito.

"For the first time. Ngayon ka lang nagpatulong sa akin." Bakas ang tuwa sa boses n'ya. She's right, ngayon lang ako humingi ng tulong sa kanya.

Ma-pride ako 'e.

"Ngayon lang 'to noh." pagsusungit ko na ikinatawa n'ya.

Wala sa sariling napangiti ako dahil sa malumanay n'yang tawa. Ang ganda kasi pakingggan pero sana lang ay hindi na s'ya umiyak mamaya.

"Ako na ang laging magpapatuyo ng buhok mo."

"Desisyon ka. Ngayon nga lang 'to kasi tinatamad ako."

"Ang pangit mo talagang ka-bonding."

My Playmate Beki | Pechay Series #1Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt