16 - Guy Hunt

5.4K 190 8
                                    

Inihatid ni Amari si Yuna pagtapos namin sa hospital samantalang naiwan ako kasama ni Jenno.

"Hoy merlat! Hindi mo ba talaga ako papansinin?" maarting tanong ni Jenno nang iparada n'ya ang sasakyan sa parking lot ng shool.

Ghadd! I missed his voice.

"Wait." pagpigil n'ya sa akin ng bababa na sana ako ng kotse n'ya.

"We've talked about this Jenno." buntonghiningang pahayag ko.

Ramdam ko ang pagbigat ng dibdib ko dahil sa mga sinabi ko. Bakit ko ba talaga s'ya pinagtatabuyan? Aminin ko man o sa hindi ay mahal ko na ata ang lintik na baklang 'to. Ito ang unang beses na na-attached ako sa isang lalaki, I mean sa isang beki at dahil 'yon sa katotohanang mahal ko na s'ya but he only wanted to stay friend with me. Friends lang! Bwisit s'ya! Mas gugustuhin ko pang lumayo sa kanya kesa pahirapan ang puso ko.

"Fine! Get out of my car. Manlalaki na lang ako dahil inagaw mo si Grey sa akin. Tell me, may nangyari na ba sa inyo ni Grey? Pumusta ako kina Beatrice na nakipag-sex ka na sa kanya kagabi."

Hindi ko mapigilang makaramdam nang inis dahil sa sinabi ni Jenno. Humarap ako sa kanya saka s'ya sinamaan ng tingin.

"F*ck you!" sigaw ko bago tuluyang lumabas ng kotse n'ya.

H*yop s'ya! Bumabalik ang pagkairita ko sa kanya. Kung kelan alam na n'yang virgin ako ay saka n'ya naman ako pagpupustahan sa isang bagay na hindi ko gagawin.

Kahit tanungin n'ya pa si Grey ay wala namang nangyari sa aming dalawa. Mabait si Grey, yes pero hindi dumaan sa isip ko na makipagtalik sa kanya dahil alam ko sa sarili kong hindi s'ya ang taong gusto ko.


"Grey, ano na nga pala ulit ang sasabihin mo?" tanong ko.

"Ahm. I just wanna thank you for joining our team tsaka after ng competition p-pwede ba kitang mayayang lumabas ulit?" tanong n'ya.

"Sure. Walang problema 'yon but please don't expect to much from me. Friendly dinner lang ito at ang mga susunod pa."

"F-Freida,"

"Hindi ako manhid para hindi 'yon malaman noh. You're a good guy Grey at sa tingin ko'y hindi ako ang babae para sa'yo. I'm sorry." pahayag ko.

"Freida," muling tawag n'ya sa akin. "Hindi pa ako nagtatapat busted na kaagad ako."

Natawa ako dahil sa bigla n'yang pagsimangot na parang bata.

"Let's be friends. Iyon lang talaga ang mao-offer ko sa'yo."

Alam kong masakit na marinig ang linyang iyon dahil kahit ako mismo ay na-offer-ran ng ganoong set-up ng baklang halos kunin na ang viriginity ko.

Bumuntonghininga s'ya saka tinitigan nang matagal ang ramen na kaharap n'ya. "Just give me a chance." Bakas sa boses n'ya ang pagmamakaawa.

"Sorry talaga." Iyon na lang ang nasagot ko.

"May special someone ka na ba?"

"S-Special someone?"

Wala pa naman akong boyfriend but theirs someone that makes my heart flutter like crazy. Si Jenno, ang baklang jellfish.

"Meron na nga." malungkot na saad n'ya bago muling bumuga ng hangin. "I like you Freida."

"Thank you."

"Atleast nasabi ko 'yon sa'yo ng personal." He smiled.

***

Should I change my plan? Instead na iwasan ko si Jenno ay bakit hindi ko na lang s'ya akitin ulit?

No! He's a gay. Kapag nakahanap s'ya ng lalaking mamahalin n'ya ay mas lalong durog ang puso ko for sure.

Should I tell him that I love him?

Not yet! Paano kung ma-basted ako edi double kill?

Haist!

Tama bang bumalik na lang kami sa dati?

Iba na ang sitwasyon, I'm his first kiss, muntik nang may mangyari sa amin at higit sa lahat ay mahal ko na s'ya kaya imposible nang bumalik pa sa dati ang lahat.

What to do?

Pumaikot ako para balikan si Jenno pero nagulat ako nang makita s'yang nakasunod pala sa akin. Automatic na nataasan ko s'ya nang kilay kaya naman 'yon din ang ginawa n'ya sabay flip ng kanyang invisible long hair.

"What?" pagtataray n'ya.

"Akala ko ba manlalaki ka?"

"Oo nga. Marami akong nakitang mga dayong gwapo rito sa school kaya sila ang papatusin ko." sagot n'ya habang maarting gumagalaw ang balikat n'ya.

"I'm coming with you. Gusto ko rin manlalaki." pahayag ko na ikinakunot ng noo n'ya.

"Diba may Grey ka na? Aba hindi ka pa rin ba satisfied sa kanya? Balak mo pa talagang makipag-agawan sa akin."

"He's just my friend. Hanggang 'don lang 'yon." mataray kong sagot saka ko tinanggal ang pagkaka-ponytail nang mahaba kong buhok. Mas maganda ako kapag nakalugay. "Bakit? Natatakot ka bang mas pagkaguluhan nila ako kesa sa'yo?" ngising tanong ko dahilan para kumibot ang mukha n'ya na para bang napipikon. Kaagad n'yang inayos ang sarili n'ya saka maarting naglakad papalapit sa akin.

"In your dreams!" saad n'ya bago hilahin ang buhok ko nang mabilisan.

Kainis!

Napasipa ako sa hangin dahil sa panggigigil sa kanya. Sinubukan ko lang naman kung pipigilan n'ya akong humarot sa iba pero hindi! Well, nagsisimula pa lang naman akomg paselosin s'ya.

"Freida!" tawag sa akin ni Grey. Tumatakbo s'ya papunta sa direksyon ko habang may hawak na trophy. Oh my ghadd! Hindi kaya?

"We won!" sigaw n'ya.

"Talaga?"

"Oo nga! Ito ang patunay." sagot n'ya nang tuluyang makalapit sa akin.

"Congrats!" tuwang-tuwang bati ko saka s'ya mahigpit na yinakap.

Siguradong matutuwa si Yuna kapag nalaman n'yang hindi n'ya na kailangang mag-welga. Akalain mo 'yon. Kahit hindi namin natapos ang buong routine ay nanalo pa rin kami. Humiwalay ako sa pagkakayakap kay Grey nang maistatwa s'ya bigla sa harap ko. Halata ang pamumula ng magkabila n'yang pisngi at mukhang alam ko na kung bakit.

"C-Congrats sa atin." utal na pahayag n'ya kaya tumango na lang ako bago hanapin ng mga mata ko Jenno.

"Mamaya na lang ulit Grey." paalam ko bago habulin si Jenno na naglalakad palayo sa amin.

"Nanalo kami." masayang pahayag ko nang makatabi s'ya sa paglalakad.

"Don't talk to me. Nabubwisit pa rin ako sa'yo! Sa akin lang dapat ang smile ni Grey pero inahas mo s'ya!"

"Whatever!"

Ang hirap ipaintindi sa baklang 'to na hindi ko nga inagaw sa kanya si Grey. Magkaibigan nga lang kasi kami!

"Momshie!" narinig naming sigaw ng bakla kaya nabaling pareho ang tingin namin ni Jenno sa direksyon nito.

Si Beatrice kasama si Jonah.

Gusto ko sanang masolo si Jenno pero mukhang sira na ang plano ko.

"Hi ate Freida." bati sa akin ni Jonah kaya tipid akong ngumiti sa kanya.

"Momshieee! You will not believe what happen!" kinikilig na pahayag ni Beatrice. Sa sobrang gaslaw n'ya ay gugustuhin mong itali s'ya. "Inimbitahan kami ng mga chapopong na mga taga-Engineering dept. na mag-bar. Sama kayo daliiiii!" tili n'ya.

"Tanga! Ako lang naman invited nadamay ka lang." pagtatama ni Jonah kay Beatrice.

"Gaga! Sabi ni Rowel sumama raw ako at mag-invite pa ng iba. Duhhh bruha!"

"Tara kuya, ate Freida. Bar tayo mamayang gabi."

"Sure!" mabilis kong sagot na ikinangiwi ni Jenno." Tamang-tama naghahanap din kami ni Jenno nang lalandiing fafa."

"Yehey! Nga pala, nasaan sina ate Yuna at Amari?"

"Umuwi na."

"Sayang naman pero sabihan n'yo na lang din. Mamaya pa naman kaya baka makahabol silang dalawa. The more the merrier." Hinawakan ni Jonah sa braso si Beatrce saka n'ya hinila ang bakla.

"Ahhhh- Impakta ka! Saan na naman ba tayo pupunta?" narinig kong sigaw ni Beatrice na napasunod na lang dahil sa paghila sa kanya ni Jonah.

Naiwan na naman kami ni Jenno na magkasama kaya lihim akong napangiti at kinilig. Luh! Landi.

"Jenno, wai-"

"Akala ko ba back to normal na tayo pechay? Bakit sunod ka pa rin sa akin nang sunod?" pagtataray n'ya habang nakapamewang sa harap ko.

"Kasi nga diba sasama ako sa'yo manlalaki but since magba-bar naman tayo mamaya...ba-bye na muna." sabi ko bago s'ya lampasan pero napadaing ako sa sakit nang lumapat ang kamay n'ya sa tiyan ko at hilahin n'ya ako pabalik. Naramdaman ko ang pagtama ng likuran ko sa katawan n'ya bago bumagsak sa harap ko ang nag-aapoy na drone.

Kung hindi n'ya siguro ako nahila ay baka tumama ng drone sa ulo ko.

"Sh*t! Sorry po. Ayos lang ba kayo?" tarantang tanong sa amin ng lalaking may hawak ng controller ng drone. Tipid akong ngumiti sa kanyang bilang tugon saka ko tinanggal ang kamay ni Jenno sa tiyan ko bago dire-diretsong naglakad papalayo sa kanila.

"Chaka." tawag sa akin ni Jenno.

Pumunta ako sa pinakamalapit na banyo at pilit na ininda ang pasa ko sa tiyan na mukhang madadagdagan na naman ng panibagong kulay. Saktong pag-angat ko ng damit ay s'ya ring pagpasok ni Jenno sa banyo.

Teka, nasa maling banyo na naman ba ako?

Kaagad kong ibinaba ang damit ko at inilibot ang tingin sa loob. Nasa tamang banyo naman ako ah.

"Hoy Jenno," sita ko sa kanya. Akmang itutulak ko na sana s'ya palabas dahil sa takot na baka may pumasok na iba nang bigla n'ya na lang hawakan ang kamay ko.

"Let me see."

"Ang alin ba?" inis na tanong ko habang sinusubukang bawiin ang kamay ko sa kanya.

"Yang tiyan mo merlat!"

"A-Ayoko nga! Baka manyakan mo lang ako."

"Wow ah! Titingnan ko lang. Isa!" May pagbabantang sabi nito.

"A-Anong gagawin mo kung ayaw ko?" pagmamatigas ko.

"Dalawa!"

Nanlaki ang mata ko nang gamitin n'ya ang baritono n'yang boses. Parang biglang nanghina ang mga binti nang marinig 'yon. Hindi ko alam kong nananakot s'ya o nang-aakit pero feel ko 'yong dalawa.

My Playmate Beki | Pechay Series #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon