07 - Worried na Bading

5.9K 188 2
                                    

JENNO

"He grabbed my arms like this kuya and dragged me pero nakita kami ni ate Freida." kwento ng kapatid kong si Jonah with matching action pa. "Milo told her nasty things na ikinagalit ni ate so she slapped him but jotay slapped her back and hard kaya ayon nasugatan ang labi ni ate Freida." she added while also slapping my jonakis Beatrice.

"Aray! jujumbagin na kita!" inis na pahayag ni Beatrice habang itinutulak-tulak ang ulo ng shopatembang ko.

"Sabi na nga ba!" saad ni Yuna habang nakalingkis na parang ahas kay Amari. "Kakalbuhin ko talaga ang lalaking 'yon. Babae pinapatulan!"

Nandito kami ngayon sa canteen para sana tahimik na kumain nang bigla namang dumating 'tong kapatid ko at chumika nang nangyari sa kanila kahapon ni higaderang Freida. Kemedora talaga ang babaing 'yon! Sabi n'ya nakagat n'ya lang daw 'yong labi n'ya ayon pala nasapak s'ya ni pontio pilatong jotay.

"Anyway, may pasok pa ako kaya babye na." paalam ni Jonah. "Nga pala kuya, padala ng mga panty ko na naiwan sa bahay. Wala na akong magamit sa dorm 'e tsaka baka gamitin mo pa. Like eww." pahabol n'ya na ikinangiwi ko.

"Peste ka!" sigaw ko na ikinatawa lang ng shopatembang ko.

Simula nang may muntik nang mangyari sa amin ni Freida sa chapel ay sunod-sunod na rin ang touch by touch and tukaan naming dalawa. Well, dalawang beses pa lang naman pero WTF? Isa akong mermaid simula ng bata ako kaya how come na hinahayaan ko s'yang pagsamantalahan ang kissable lips ko?

Do I like her? Big Nooooo!

Am I attracted to her? Hmmmm?

Ever since na makilala ko ang babaing 'yon ay ako na ata ang no. 1 hater n'ya. Hindi naman sa inggit ako sa beauty n'ya pero kasi nakakabwisit ang atensyong inaagaw n'ya mula sa akin. Ako lang dapat ang Georgina Wilson sa school na 'to pero 'yong talipandas na babaing 'yon ay inagaw ang spotlight ko pati na rin ang bigtime long crushie ko na si Grey.

Gusto kong sabihin sa sarili ko na deserve ng babaing 'yon ang sapak ni Milo pero bakit gusto kong ingudngod sa semento ang lalaking 'yon for hurting her?

"Momshie, where are you going?" tanong ni Beatrice sa akin.

"Sight seeing lang ng daks sa cr. Charr!" biro ko bago rumampa papuntang cr. Pagpasok ko ay nagulat ako ng humarang sa harap ko si pokpok salot. Anong ginagawa ng merlat na 'to dito?


"Hoy! Sa kabila ang banyo n'yo." sita n'ya sa akin na nagpataas ng isa kong kilay. Mukhang wala s'yang kaide-ideya na s'ya itong nasa maling CR. "Lumabas ka na bago pa may pumasok rito." pagtataboy n'ya pa.

Lasing ba itong merlat na 'to?

"Bruhilda ka! Ikaw 'tong nasa maling banyo!"

"Huh?' usal n'ya bago n'ya inilibot ng tingin ang loob. Nakita ko ang pamumula ng mukha n'ya dahil siguro sa kahihiyang inabot n'ya. "Sh*t." mura n'ya na nagpaikot ng mga mata ko.

Mabilis kong hinila papasok ng cubicle si poka ng marinig ang mabibigat na mga yabag na papasok sa banyo. Kapag nakita nila 'tong si Freida sa loob ay baka mas lalo lang s'yang mapahiya or worst case senario ay halayin s'ya nito. Oo nga't nasa catholic shool kami pero lalaki pa ring ang mga 'yan noh and alam na alam kong no. 1 fantasy nilang lahat ang pechay na 'to.

Dumapo ang kamay ni Freida sa pinkalou ko na band aid at akmang tatanggalin n'ya na sana 'yon nang ilayo ko ang sarili ko sa kanya pero bwisit s'ya dahil nagawa n'ya pa ring matanggal 'yon. Kapag sinabunutan ko s'ya ay baka makagawa lang kaming dalawa ng ingay. She smiled sheeply while looking at my hickie na kagagawan n'ya. She must be so proud right now. Pitikin ko kayang kipay n'ya. Nakakainis s'ya!

Hindi pa tumigil si merlat dahil bigla n'yang ipinulupot ang braso n'ya sa bewang ko at hinapit ako papalapit sa kanya. Jusko lord! Nagsisimula na naman s'ya sa kahalayan n'ya.

"G*go ka pre. Buti hindi ka ni-report ni Ms. Ganda." Narining kong pahayag ng lalaki sa labas.

"Speaking of her, hindi ko pa s'ya nakikita ngayong araw." Si pontio pilato'ng jotay.

I'm 100 percent sure na si Freida ang pinag-uuspan nila.

"Bakit? Anong plano mo?" tanong ng isa n'ya pang barkada.

"Hmm. I want to play a little game with her."

Play? Biglang nagpantig ang tenga ko dahil sa sinabi nito. Nagsimulang mabuo sa isip ko ang maduduming plano ni Milo kay Freida na nagbigay takot sa akin.

"Anong gagawin mo? Ipo-photoshop mo na naman ang nanay n'ya na may ibang katalik na lalaki?"

"Sinong nagsabing photoshop 'yon? G*go! Totoo 'yon! Hindi ko lang talaga na video-han dahil namali ako ng pindot." depensa ni Milo.

Bumaba ang tingin ko kay poka at nakita ang paninigas n'ya sa harap ko. So iyon pala ang pinang-blackmail n'ya kay Freida noong nasa chapel silang dalawa. Kung noong ay photoshop ng kapatid ko ang pinang-blackmail n'ya para maging jowa n'ya si Jonah ay baka 'yon din ang gawin nito kay Freida. The nerve of this guy playing girls around on his hands. Lastikuhin ko betlog n'ya 'e.

Naramdaman ko ang pagluwag ng braso ni Freida sa bewang ko pero kaagad ko s'yang pinigilan at ibinalik muli ang kamay n'ya sa akin. Hinuli ko ang magkabila n'yang pisngi bago s'ya bigyan ng halik sa noo. Pinasadahan rin ng daliri ko ang sugat n'ya sa labi. I wanted to kissed her lips but my feakin' mind is telling me not to.

Sinasabi kasi ng utak ko na - 'Bakla ka! Pokpok s'ya! Pakialam mo sa kanya! Hate mo s'ya diba?' Like that! Hmm.

"Si Milo ba?" tanong ko sa kanya nang marinig ang pag-alis ng grupo ni jotay. Kahit alam kong ang lalaking 'yon ang nanakit sa kanya ay gusto kong sagutin ako ng Freida ng totoo.

"A-Ang alin?" utal na tanong n'ya na halatang nagkukunwaring walang alam. Mabilis s'yang humiwalay sa akin saka lumabas ng banyo.

***
"Momshie! Lutang ka na naman." untag ni Amari nang kalabitin n'ya ako. Nasa loob kami ng room at hinihintay ang pagdating ng prof namin. Naputol ang pag-iisip ko at bumaling sa mga baklush kong mga beshy.

"Iniisip ko lang ang plano kong pag-kidnap kay Christian Grey ko." palusot ko kahit ang totoo ay nagtatalo ngayon ang isip ko kung papabayaan si Freida.

This is frustrating. Sumasakit ang ulo ko dahil sa kanya. Noon naman ay wala akong pakialam kung ma-gangbang s'ya d'yan sa tabi dahil pokpok naman talaga s'ya pero bakit ngayon ay concern na aketch sa kanya. Kinikilabutan ako. P*ta!

"Ohhh. I like that. Share-share tayo beh ah." malanding hagikgik ni Beatrice.

Tentenenen! I have decided! I'll be her hater and not a liker nor a lover. I might be physically attracted to her dahil s'ya ang first kiss ko pero kapag nakatikim na ako ng fafa ay for sure ay mada-divert din sa iba ang atensyon ko.

"Mga jonaks! Let's fafa hunting later sa club. Minalas ako kahapon kaya let's redo it today." alok ko sa dalawa.

"Sorry momshie pero may family dinner kami mamaya." pahayag ni Amari. Lumingon ako kay Beatrice at hinintay ang sagot n'ya. Halata sa mukha ni bakla na nagdadal'wang isip pa s'ya sa alok.

"Pass din ako momshie. May ibang lakad aketch."

"Mga traydor kayo! Hmp."

"And I know that you'll never fell sorry for the way I hurt yeah!" pagdadrama ni Amari habang may nangingilid pang luha sa gilid ng mata n'ya.

"You'd talk to her when we were together. Love you at your worst but that never matter!" dugtong naman ni Beatrice habang naglulupasay na sa sahig.

Mga lintik na 'to. Lyrics pala 'yon ng 'Traitor' ni Olivia Rodrigo.

Matapos ang klase sa huling subject namin ngayon araw na 'to ay kaagad din akong iniwan ng mga baklaan. Ano ba 'yan! Gusto kong lumandi pero ang boring kasi kung wala akong kasamang kaibigan pero try ko pa rin. Walang makakapigil sa aking umawra ngayon.

Kaagad akong nag-drive papuntang club para manlalaki pero isang eksena ang umagaw sa atensyon ko nung malapit na ako destinasyon ko. Naningkit ang mga mata ko nang makita ang pamilyar na babae na itinulak ng matanbang babae sa motel.

Freida?

I maneuver my car to the nearest parking lot. Mabilis akong bumaba ng mai-park ito saka liningon ang kaninang kinaroroonan ni Freida but she's gone. Nagpalinga-linga ako sa paligid para hanapin s'ya pero para s'yang bula na bigla na lang nag-disappear-aper. Ang bilis naman maglakad ng merlat na 'yon.

Hindi kaya pumasok ulit s'ya ng motel?

Pumunta ako sa motel at tinanong si ateng jubambam kung nasaan na 'yong itinulak n'yang babae.

"Ahm. Umalis na s'ya baby boy." malambing n'yang sagot na nagpangiwi sa mukha ko. Is she trying to flirt with me? Kadirdir ang jubambam na 'to. Inirapan ko s'ya bago kuminding papalabas sa mabaho n'yang motel.

Imbis na pumasok ng club ay nauwi sa paghahanap kay pechay ang oras ko. Hindi na dapat ako nangingialam pa sa buhay n'ya pero I'm so curious kasi. Malay mo may malaman akong kababalaghan tungkol sa ginawa n'ya sa motel kanina na pwede kong magamit para siraan s'ya kay Grey.

Akin lang si Grey!

Hagardo versosa na ako. It's been 15 minutes or more pero hindi ko pa rin nahahanap si merlat.

Bumalik ako sa parking lot para puntahan na lang s'ya sa bahay nila. Sisilip lang ako kung nakauwi na ba s'ya since gabi na rin kasi. Eww. Why does I sound so concern?

After driving for 5 minutes ay isang liko na lang ako papunta sa kanila pero kaagad ko ring binagalan ang pagmamaneho nang makita ko si Freida na naglalakad nang mag-isa. Halatang lutang ang ate gurl n'yo.

What's her problem ba kasi.

"Freida!" tawag sa kanya ng isang lalaki habang kumakaway. Maamo ang mukha ng lalaki habang nakangiti sa kanya kaya naman inisip kong tatay 'yon ni chaka pero kumunot ang noo ko nang magsimulang umatras si Freida.

Nakita ko ang matinding takot sa mukha n'ya nang lumingon s'ya sa direksyon ko saka kumaripas ng takbo.

Why is she so scared?

My Playmate Beki | Pechay Series #1Where stories live. Discover now