09 - Alone Together pt. 2

6.1K 192 8
                                    

FREIDA

"Hoy! Kumain ka na merlat! Kanina mo pa pinaglalaruan ang fudams ah." sita sa akin ni Jenno. Patapos na s'ya sa pagkain samantalang ako ay wala pa sa kalahati ang nagagalaw ko sa plato.

Wala lang talaga ako sa mood. After kong makita si mama na pumasok sa motel kasama ng ibang lalaki ay nawalan na ako ng gana sa buhay pero isa lang 'yon sa pinakadahilan. Maliban sa kanya ay naguguluhan din ako sa set-up namin ni Jenno. Hindi lang ito ang unang beses na may muntik nang may mangyari sa amin.

He's gay pero natatakot ako na katulad din s'ya ng ibang straight na mga lalaki na kapag nakuha ang gusto nila sa isang babae ay iiwan na lang nila ito sa ere. Matagal kong prinotektahan ang dangal at puri ko pero isang bakla lang ang nagpapatiklop sa akin na s'yang ipinagtataka ko.

Lalaki ba s'ya na nagpapanggap lang na bakla? Two-faced b*tch ang pucha! 

"Tusukin ko kaya ng tinidor 'yang eyeballs mo. Bakit ang sama mo makatingin?" mataray n'yang tanong.

"Tell me. Lalaki ka na ba?" walang paligoy-ligoy kong tanong na ikinakunot ng noo n'ya.

"Gaga! Pinanganak akong babae on the inside. Nothing will change at isa pa, member ako ng 'The Amazons'. Feel ko nga na ako na ang next wonder woman eh."

Napabuga ako ng hangin ng marinig ang sinabi ni Jenno. Bakla s'ya at sa tingin ko ay wala nang magbabago 'ron. Siguro ay confuse lang s'ya dahil ako ang first kiss n'ya at kapag nakahanap na s'ya ng lalaki na para sa kanya ay baka 'don na rin matapos 'tong pinaggagawa namin.

"Anong iniisip mo?" seryosong tanong ni bakla kaya naman napaangat ako ng tingin sa kanya.

"Lapit ka muna." utos ko.

"Bakit?"

"Basta." He leaned closer kaya 'yon din ang ginawa ko para sakupin ang malaking space na naghihiwalay sa aming dalawa. Nang ilang pulgada na lang lapit ng mga mukha namin ay dinilaan ko ang gilid ng labi n'ya dahil sa nagkalat na sauce rito. Bilog na bilog ang mata ni bakla bago 'yon mapalitan nang pandidiri.

"Yuckkk!" maarting sigaw n'ya. Itinulak n'ya ang mukha ko kaya napaupo ulit ako sa stool.

"Ang arte pero kapag labi ko sarap na sarap ka naman." pang-aasar ko dahilan para samaan n'ya ako ng tingin.

"Che! Nagsisisi na nga ako 'e. Remember this tipaklong na b*tch. This day will be the last day of chukchukan nating dalawa. My femininity is confused right now dahil sa pang-aakit mo sa akin."

Talaga lang ah. Sana ay 'wag n'yang kainin ang sinabi n'ya.

"Hindi naman kita inaakit ah. Ikaw 'tong unang nag-initiate ng kiss kanina." depensa ko dahilang para matigilan s'ya.

Tumikhim s'ya saka taas noong tumingin ulit sa akin. "After mong kumain ay iuuwi na kita!"

"Paano kapag hindi ko inubos 'tong pagkain ko?"

"I-Iuuwi pa rin kita. Nangako ako sa tatay mong ihahatid kita pabalik sa inyo."

Tatay? He's not even my real dad at kahit kelan ay hindi ko s'ya tinuring na ama.

"Ayoko nang kumain." aniko. Mas lalo akong nawalan ng gana dahil sa naalala ko na namang nasa pamamahay ko pa ang demonyong 'yon at kapag nalaman n'ya ang ginawa ni mama ay sigurado akong baka maulit na naman ang nangyari 8 years ago.

"So, gora na tayo."

"Ayoko. Gusto kong matulog dito." giit ko.

"Shunga ka! Gusto mo bang jumbagin ako ng erpat mo?"

"Hindi ko s'ya tatay, okay?"

Bakas ang pagtataka sa mukha ni Jenno pero wala na akong balak i-explain lahat ng detalye sa kanya. Tama nang mahalata n'yang ayaw ko sa lalaking 'yon.

My Playmate Beki | Pechay Series #1Where stories live. Discover now