34 - Madly in Love

3.8K 137 5
                                    

JENNO

"Hi mom. Good to see you. Bakit nga pala napaluwas ka?" tanong ko kay mama nang sunduin s'ya sa terminal. I kissed her forehead and took her suitcase.

"I missed my babies. Nasaan si Jonah?" tanong n'ya nang mapansing hindi ko kasama ang shopatembang ko.

"I don't know. Kagabi n'ya pa hindi sinasagot ang call ko. Baka busy sa bago n'yang kaharutan." Napahawak ako sa braso nang hampasin ako ni mama gamit ang bag n'ya.

"Call her again. I want to see her. Kukurutin ko s'ya sa singit kapag hindi s'ya nagpakita sa akin ngayon." pagbabanta ni mama.

"Oo na. Brutal talaga kahit kelan." She just laughed at me. Kinuha ko ang phone ko and texted my sister. Ngayon na lang ulit kami magkakasama kaya pinagbantaan ko si Jonah sa text ko.

'Hinahanap ka ni mommy. 'Yong dildo mo, nakatiwangwang sa kwarto mo. Lagot ka! Bwahahaha!'

Halos apat na buwan ko ring hindi nakita si mama kaya na-miss ko s'ya nang bongga.

"Tell me why you're here Ma. Bakit biglaan naman ang pagbisita mo rito? Don't tell me nakapagnilaynilay ka na sa probinsya at gusto mo na nang panibagong fafa. Taray ah!" Pagbibiro ko dahilan para hampasin n'ya na naman ako.

"Hindi g*ga! Bawal na ba akong bumisita sa inyo?"

"Hindi naman. Nga pala I want you to meet my special someone."

"May boyfriend ka na?" nakangiwing tanong n'ya sa akin na ikinatawa ko. Hindi kasi maipinta ang mukha n'ya. Halatang diring-diri sa iniisip n'ya.

"Maybe? Isasama ko s'ya bukas."

"Baby, use protection. Ayokong mabalitaan isang araw na may HIV ka na at nag-aagaw buhay. Hindi kakayanin ni mama."

"Mommy naman!"

"I'm just stating the possibility. Use condom Jenno King. Gusto ko nang apo at hindi sama ng loob."

"Whatever mom."

Pagdating namin sa bahay ay naging abala ako sa pagluluto ng pagkain ni mama. Paminsan-minsan akong sumisilip sa phone ko para tingnan kong may text si pechay.  Hindi ko pa s'ya nakikita simula maghiwalay kami sa school kaya naman miss na miss ko na s'ya.

I wanted to call her but it's already 11pm in the evening. Baka natutulog na s'ya.

"Jusko! Nasusunog na!" sigaw ni mama kaya taranta akong napatingin sa tilapia na priniprito ko.

"Ma naman!" maktol ko nang makitang ligtas naman ang tilapia mula sa sunog na sinasabi nito.

"Gotcha 'nak. Hahahaha. Kanina ka pa kasi hindi mapakali d'yan sa cellphone mo. May hinihintay ka bang text o tawag mula sa special someone mo?" tanong n'ya.

"Baka tulog na s'ya. She's an early bird."

"S-She?" Hindi makapaniwalang usal ni mama. Gulat s'ya. Bago ko pa man masabi na babae ang special someone ko ay bigla na lang bumukas ang pinto at iniluwa nun ang sisteret ko na mukhang nakalaklak na naman ng energizer.

"Mommy!"

"Bunso!"

They hugged each other while jumping like a 5 years old kid. Kapag sila ang magkasama ay para silang bata na mag-bestfriend sa isang preschool.

"I missed you mommy."

"I missed you too baby."

"Wait lang mommy, iihi lang ako. 'Yong pantog ko sasabog na." paalam ni Jonah saka dali-daling umakyat sa taas.

My Playmate Beki | Pechay Series #1Where stories live. Discover now