24 - Public Announcement

5.1K 203 25
                                    

"Freida," tawag sa akin ni Pinky kaya napalingon ako sa kanya. "Close kayo ni Jenno diba? Lagi ko na kasi kayong nakikitang magkasama."

"Hmm. Bakit?"

"P-Pwede mo ba akong matulungang makausap s'ya? May sasabihin sana ako sa kanya. Please?"

"S-Sure." tipid na sagot ko.

Sabay kaming lumabas ni Pinky sa cafeteria para puntahan sina Jenno. Napag-usapan naming sabay-sabay kaming maglu-lunch kaya naman isinama ko na rin si Pinky.

Ano kayang sasabihin n'ya kay Jenno?

Halatang kabado si Pinky at hindi mapakali kaya naman curious ako sa dahilan n'yang kitain ang boyfriend ko.

Kinikilig pa rin ako sa tuwing iniisip kong boyfriend ko na si Jenno. Siguradong magugulat si Yuna kapag sinabi ko ang balitang 'yon sa kanya. S'ya itong matagal nang nagliligaw kay Amari pero wala pa rin result na nakukuha. Samantalang ako, Ehe, may jowabells na.

"Bes!" tawag sa akin ni Yuna. Kasama n'ya ngayon si Jenno at Beatrice.
"Hi Pinky!" bati n'ya sa kasama ko.

"Jenno, can I talk to you for a sec. 'Yong tayong dalawa lang sana." nahihiyang saad ni Pinky habang hindi makatitig nang diretso kay Jenno.

"Sure."

Sinundan ko nang tingin ang dalawa nang maglakad sila papalayo sa amin. Ewan ko pero hindi ko mapigilan ang sarili kong magselos. Pinky like Jenno. Sure ako roon.

"Tara na." saad ni Yuna nang kumapit s'ya sa braso ko at hilahin ako. "Sa kabilang cafeteria tayo kumain. Sawa na ako sa pagkain nila d'yan sa isa."

"Nasaan na ang Amari mo?" tanong ko nang mapansing nawawala ang isang bakla. Humalakhak naman na parang mangkukulam si Beatrice kaya nabaling ang tingin namin ni Yuna sa kanya.

"Nakakainis ka Bea!" saad ni Yuna. Bago n'ya pa man masipa si Bea ay nakatalon na ito palayo sa kanya.

"Brutal beh. Bawal na bang tumawa ngayon?"

"Nang-aasar ka 'e." maktol ni Yuna.

"Hindi ako relate mga walanghiya kayo."

"Ganito kasi bakla. Isinama si Amari ng jowa n'ya sa probinsya para maka-meet and greet ang parent ng jowabells nito. Diba ang sweet. Proud jowa si France. Kenekeleg ake!" Nangingisay na pahayag ni Baetrice. "Kaya itong kaibigan mo ngayon ay bitter ilang araw na."

Sumimangot si Yuna saka yumakap sa bewang ko kaya naman tinapik-tapik ko na lang ang balikat n'ya para aluhin s'ya. Hindi pa naman s'ya umiiyak pero malapit na.

Nang makarating kami sa isa pang cafeteria ay kaagad kong tinext si Jenno. Ang tagal naman ata nilang mag-usap ni Pinky. Halos sampung minuto na. Opo, inoorasan ko po sila.

Napuno na nang tawanan ang mesa namin ni na Yuna dahil sa kadaldalan ni Beatrice. Ang dami-dami n'ya kasing kwento. Hindi naman nakakatawa ang iba pero matatawa ka na lang sa kung paano n'ya i-deliver 'yon.

"Guys! You won't believe what I just saw!" excited na sigaw ni Jonah na halatang kilig na kilig. "Lalaki na ata ang kuya kooo!" dugtong n'ya kaya naman kinabahan ako. Alam na ba n'yang mag-jowa na kami ng kuya n'ya?

"Ano ba 'yon jumer? Ang sakit mo sa tenga." reklamo ni Beatrice.

"I saw kuya kissing a girl kanina. 'Yong ka-trabaho mo 'yon ate Freida sa cafeteria."

Parang biglang sumama ang timpla ng tiyan ko nang marining ang sinabi ni Jonah. Wala pa kaming 24 hours na mag-jowa pero nagawa na n'yang mangaliwa. Ang lintik na 'yon!

"Si Pinky? Omgee!" hindi makapaniwalang saad ni Yuna.

"Hala! Lesbian na si momshie?!" Hysterical na sigaw ni Beatrice.

My Playmate Beki | Pechay Series #1Where stories live. Discover now