03 - Bothered by his Kiss

6.5K 230 48
                                    

"You raped me!" sigaw n'ya.

"Raped you?" pagak akong napatawa dahil sa bintang n'ya. "Tell me, sino sa ating dalawa ang halos mawalan ng saplot ngayon?" tanong ko saka ko pinag-cross ang mga braso sa dibdib ko.

Napaangat ang gilid ng labi ko nang makita ang pagbaba ng tingin n'ya sa dibdib ko kasabay nang pataas-baba ng adams apple n'ya.

"Ewww. Itago mo nga 'yang joga boobey mo. Why did I touch that?" puno nang pandidiring tanong n'ya.

Inayos ko ang pagkakasuot ng bra ko pati na rin ang sira kong damit at cardigan. Iyon din ang tanong ko sa sarili ko. Why did I let him touch me?! Kung hindi pa dumating si Fr. Rafael ay baka saan na napunta ang init naming dalawa. Hanggang ngayon ay ramdam ko pa rin ang mainit n'yang halik at haplos sa katawan ko pero kaagad ko 'yong winakli sa isip ko.

"Hoy kung plano mong sugurin ang jutay na 'yon ay 'wag mo nang ituloy. Kaya pala naging sila rin ni Jonah dahil blinackmail n'ya rin ang kapatid ko. Akala ko kaya s'ya umiiyak kahapon dahil niloko s'ya nang jongoloids na 'yon pero ayon pala tears of joy lang daw. Na-confirm ko lang kanina."

Hindi ako nagsalita at tinitigan lang s'ya ng masama.

Bumuntonghininga si bakla saka pumamewang sa harap ko.

"Okay fine! I'm sorry for being such a pretty b*tch to you kanina. Nakita kasi kita noong isang araw na kasama si Milo kaya inakala ko na ikaw ang ipinalit n'ya sa kapatid ko. Akala ko lang pala 'yon." pahayag n'ya saka n'ya ako inirapan.

Bakit parang s'ya pa ang galit? Nagso-sorry ba talaga s'ya o naghahanap ng away?

"Hoy petchay! Say something. Don't just stare at me. Nakuu! Baka pinagnanasaan mo na naman ako ah. Eweee."

"Huh. Ang kapal mo rin talaga. D'yan ka na nga!" asik ko saka ako naglakad papalabas ng chapel at iniwan s'ya sa loob.

3 days. Tatlong araw na ang lumipas simula ng may muntik nang mangyari sa amin ni Jenno. Bumalik s'ya sa pagiging no. 1 bully ko sa school dahil alam ko namang inggit s'ya sa beauty ko. 'Yong kasing lalaki ni ina-eye raping n'ya simula pa ng sophomore kami ay nagkagusto sa akin kaya naman uminit na naman ang dugo ng baklang jellyfish.

Ewan ko ba pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ako pinapatahimik nang halik ng baklang 'yon. Minsan ay wala sa sariling inuontog ko ang noo ko sa pader para alisin ang kahalayang tumatakbo sa utak ko. Kasalanan 'to ni Jenno!

Paglabas ko nang room ay nakita kong nakaabang sa labas si Milo. Sa tatlong araw na lumipas ay wala pa naman s'yang ikinakalat na video o picture tungkol sa nanay ko na s'yang ipinagtataka ko.

Katulad ng lagi n'yang ginagawa nitong mga nakaraang araw ay iniangat n'ya ang hawak n'yang cellphone at ipinakita 'yon sa akin pero hindi ko s'ya pinansin. I walked passed him without gazing at his nasty face. Kung totoo ngang may s*ex video s'yang hawak 'edi sana matagal n'ya na 'yong ipinagkalat. Kung hindi ko siguro sinunod ang sinabi ni Jenno na 'wag nang habulin pa si Milo dahil sa pangba-blackmail nito ay baka tuluyan na n'yang nakuha ang gusto n'ya sa akin. Ang katawan ko.

"Tabi jan chaka!"

Muntik na akong madapa ng banggain ni Jenno ang balikat ko at lagpasan ako. Rumampa s'ya sa corridor kasunod ang mga anak n'yang pato nang hindi ako nililingon.

G*go talaga kahit kelan!

"Ehe." usal ni Beatrice bago n'ya ako bigyan ng flying kiss.

Gusto kong ibato sa kanya ang hawak kong libro pero naalala kong hiniram ko lang pala 'to sa library. Wala na nga akong pambiling libro pang bayad pa kaya ng masisira ko?

My Playmate Beki | Pechay Series #1Where stories live. Discover now