40 - Rivalry

3.3K 130 7
                                    

"Good morning." nakangiting bati sa akin ni merlat habang may hawak pang sandok. Amoy ko mula sa kusina ang fried rice na niluluto n'ya.

"M-Morning," usal ko bago iiwas ang tingin sa kanya. Mukhang okay na s'ya. Para bang wala nangyari kagabi ng makita ko s'ya sa kwarto n'yang umiiyak. "May mga gamot at painkillers d'yan sa cabinet." pahabol ko. I assumed na masama lang ang pakiramdam n'ya kaya s'ya umiiyak kagabi. Sinabi ko na lang kung saan nakalagay ang mga gamot incase na kailanganin n'ya.

Bago pa man ako makarating sa sala ay bigla na lang humarang sa harap ko si pechay at sinipat ang noo ko. Umatras ako para lumayo sa kanya pero hinawakan n'ya ang braso ko.

"T-Teka," pagpigil n'ya sa akin. "M-Masama ba ang pakiramdam mo?" Bakas sa mukha n'ya ang pag-aalala na para bang ano mang oras ay iiyak na s'ya. Nanlambot ang puso ko nang makita ang ekspresyon n'ya. Maya-maya pa ay nakita ko ang pagtulo ng isang butil ng luha sa mata n'ya bago s'ya humakbang palayo sa akin.

Kaagad n'yang pinunasan ang mga mata n'ya saka naglakad papuntang kusina. May kinuha s'ya sa cabinet bago bumalik sa kinatatayuan ko. Hawak n'ya ngayon ang thermometer. Ilalagay n'ya na sana 'yon sa bibig ko nang hawakan ko kaagad ang pulso n'ya at pigilan s'ya.

"I-check lang natin ang temperature mo." pakiusap n'ya.
Napalunok ako nang makita ang mukha n'yang alalang-alala sa akin. Wala sa sariling hinawakan ko ang pisngi n'ya at hinaplos 'yon gamit ang hinlalaki ko. 

"J-Jenno," tawag n'ya sa akin na nagpabalik sa katinuan ko.

"I'm fine. Wala akong sakit. 'Wag kang OA." paninigurado ko sa kanya. Tinapik ko nang mahina ang pisngi n'ya bago tuluyang lumayo sa kanya. Ramdam ko ang karerang nagaganap sa dibdib ko.

Jusme! Eww! Why am I touching her? Kalma lang gurl! 'Wag kang papahalata na affected ka sa kanya!

"Sure ka ba? 'E bakit kailangan mo ng painkiller?" tanong ni pechay habang nakasunod sa akin si pechay hanggang sa makaupo ako sa couch. Umusog ako para layuan s'ya pero s'ya naman itong lapit nang lapit sa akin.

Tantanan mo ako pechayyyy! Baka hindi ko mapigilan ang sarili ko at may magawa akong labag sa pagiging baklush ko.

Dingdong...dingdong...dingdong

"Ako na," aniya nito bago patakbong pinuntahan ang pinto dahil sa pagtunog ng doorbell.

Nakahinga ako nang maluwag ng umalis si Freida sa tabi ko. Sa tuwing magkalapit kami feeling ko ay inagawan n'ya ako parati ng oxygen. Sinubukan kong pakalmahin ang sarili ko habang wala pa s'ya dahil kung hindi ay baka sumabog ang puso ko sa bilis ng heartbeat ko kapag nangulit pa s'ya.

"Ayy kabayo ka!" sigaw ko nang marinig ang malakas na pagbagsak ng pinto sa likuran ko. Mabilis akong napalingon sa gawi n'ya at chineck kong nakakabit pa ba sa hamba ang pinto namin.

Thank God naka-intact pa.

Kumunot ang noo ko nang makita ang nakabusangot ekspresyon ni pechay. Hindi ko alam kung constipated o natatae s'ya sa itsura n'ya ngayon.

"Sino 'yon?"

"May naligaw lang na bumbay." inis na sagot n'ya bago muling kaagatin ang kanyang ibabang labi.

Bumbay? Kelan pa pinayagan nang subdivision na may pumasok na bumbay dito?

Dingdong...dingdong...dingdong

Tumayo ako para ako na mismo ang mag-check kung sino ang bisita sa labas pero kaagad na iniharang ni merlat ang katawan n'ya sa pinto para hindi ko 'yon mabuksan. Anong problema ng babaing 'to?

"Tabi nga d'yan."

"Bumbay nga lang kasi 'yon."

"Titingnan ko tsaka tatanungin ko rin kung anong kailangan."

Umiling s'ya kaya napabuntonghininga ako sa tigas ng ulo n'ya.

"Freida, isa."

Mas dumiin ang pagkakakagat n'ya sa labi n'ya kaya naman muli akong napabuga ng hangin. Last time I saw her biting her lower lips ay dumugo iyon.

Ako lang dapat kakaga- Nooo!

"Pechay ano ba!" asik ko.

"Magsama kayo!" sigaw n'ya bago tumakbo paakyat ang kwarto n'ya.

Anyare 'don?

Nang buksan ko ang pinto ay nakita ko si Rio sa labas ng gate. Nakasimangot s'ya nung una pero ng makita ako ay bigla namang lumawak ang ngiti n'ya sa labi. Iniangat n'ya ang hawak n'yang kahon na sa tingin ko ay naglalaman ng cake. Sinenyasan ko s'yang pumasok kaya tumango naman s'ya.

Hindi naman mukang bumbay si Rio ah.

"Hi," bati n'ya sa akin.

"Hi, napadalaw ka?"

"Nanliligaw ako diba?"

"Oww." usal ko. Pinilit ko ang sarili kong kiligin pero hindi ko ma-feel. Iniisip ko kasi si pechay kung ba't bigla na lang sa akin nagalit.

"For you. Hindi ko alam ang gusto mong flavor kaya chocolate na lang ang binili ko." paliwnag n'ya ng iabot n'ya sa akin ang cake.

"Thank you."

"Your welcome." nakangiting sagot n'ya. "Nakita ko kanina si Freida. K-Kayo na ba ulit?"

"Huh?"

"I mean, kayo lang ba ang nandito?"

"Sa kasamang palad ay dito na s'ya nakatira kasama ko. I also hated the idea."

Yup! I hated the idea of living with my enemy.

"Really?"

"Bakit parang duda ka?"

"Hahaha! Hindi naman. Nasaan na pala s'ya?"

"She's upstair. Nag-agahan ka na ba? Nagluto si pechay. Let's eat."

"Sure."

Inihanda ni Rio ng mga plato at umakyat naman ako para yayain si merlat na matampuhin. Pagpasok ko nang kwarto n'ya ay wala s'ya sa loob pero rinig ko ang paglagasgas ng tubig sa banyo. She must be taking a bath.

"Ayaw n'ya bang sumabay sa pagkain?" tanong ni Rio ng makitang hindi ko kasama sa pagbaba si Freida.

"Naliligo."

"Okay. Milk or coffee?"

"Coffee.'

"Got it."

Kung saan-saan napapad ang kwentuhan namin ni Rio habang naga-almusal. He told me where we met and the fun things we've done while we are together. Sa pagkakaalam ko ay si Grey ang last crush ko pero mukhang nalipat ang atensyon ko sa kanya. Kung ikukumpara s'ya kay Grey ay same level sila ng pagiging gwapo, mabait at gentleman but all in all, from my evaluation, mas lamang pa rin ang pagiging magandang lalaki ko sa kanila.

Yes! Walang makakapantay sa peslak ko.

"Ako na ang maghuhugas." presenta ni Rio. "Ako na rin n'yan." dugtong n'ya nang makita akong nililigpit ang mga pinagkainan namin.

How sweet pero hindi pa rin ako kinikilig.

"Sure." sagot ko.

Kinuha n'ya sa kamay ko ang mga platong pinaggamitan namin pero tinamaan ng siko n'ya ang tasa na nakapatong sa tabi n'ya kaya ayon basag.

"Oh sh*t. I'm sorry."

"Jenno," tawag ni merlat kaya parehong nabaling ang tingin namin ni Rio sa kanya na nagkukumahog makababa sa hagdan.

Nanlaki ang mata ko nang makitang maluwag na t-shirt lang ang suot n'ya at panty. May towel pa s'ya sa buhok na halatang kakatapos lang maligo.

"Wait lang pechay! 'Wag ka munang bababa. May mga bubog oh." suway ko sa kanya. Naka-paa lang din kasi s'ya. Bago pa man s'ya makababa sa pinakahuling baytang ay hinarangan ko na s'ya. Sinigurado ko rin na hindi makikita ni Rio ang katawan n'ya dahil baka paglawayan n'ya ang babaing 'to. Imbes na sa akin lang si Rio maglaway ay baka maagawan pa ako ni bruhildang merlat.

"Anong nangyari? Ayos ka lang ba?" sunod-sunod n'yang tanong sa akin.

Langhap ko ang mabangong amoy n'ya na talaga namang nagpawindang sa katinuan ko. Anong bodywash, sabon at lotion kaya ang gamit n'ya? Makapagpalit nga rin.

"I'm fine. Nasagi lang ni Rio 'yong tasa."

Nabaling ang tingin ni pechay kay Rio at sinamaan nang tingin ang lalaki. Bakit ba ang init-init ng dugo n'ya kay Rio?

"Sorry madam. Ito na po liligpitin ko na." natatawang pahayag ni Rio habang winawalis ang sahig.

"You better,"

Lihim akong napangiti dahil sa kasungitan ni pechay. Ang cute kasi ni pechay magalit. 'Yong malilit na butas ng ilong n'ya lumalaki tapos automatic na lumilitaw ang natural blush on n'ya sa pisngi.

"Umakyat ka nga muna sa kwarto mo. Bakit ka ba lumalabas ng kwarto ng naka-panty lang?"

"Akala ko kasi kung ano nang nangyari sa'yo 'e." Ipinatong n'ya ang magkabila n'yang kamay sa balikat ko at hinaplos 'yon na s'ya namang nagbigay ng bulta-bultaheng kuryente sa katawan ko.

Bakit ako kinikillig?!

Noooo!

Sinasabi ng utak ko na itulak s'ya palayo sa akin pero kabaliktaran naman nun ang ginagawa ko. Namalayan ko na lang na nakahawak na ang kamay ko sa bewang n'ya. Kung hindi pa lumapit sa akin si Rio ay baka hindi ko pa s'ya nabitawan.

"Done."

"Chupi na pechay. Magbihis ka muna sa taas." pagtataboy ko kay Freida. Hindi s'ya nagmatigas at sumunod din kaagad sa sinabi ko.

Nang mahugasan ni Rio ang mga pinagkainan namin ay nagpaalam din kaagad s'ya na aalis. Tumawag kasi sa kanya ang HR nang pinag-apply-an n'yang company.

"Nasaan na ang manliligaw mo?" mapait na tanong ni pechay.

"Umalis na." tipid kong sagot sa kanya habang abala sa fashion magazine na tinitingnan ko. "Wala ka bang company na in-apply-an?" tanong ko habang hindi pa rin inaalis ang mga mata ko sa hawak ko.

"Wala. Tsaka may trabaho naman ako. Libre accommodation pa." sagot n'ya. Sineryoso n'ya talaga ang pagiging alalay ko.

Nagbigay ba ng mga benefits sa kanya si mama kaya ayaw n'yang umalis sa pagbabantay sa akin? Aba, mukhang bigatin nanay ko.

Naramdaman ko ang paglundo ng sofa sa tabi ko kaya nalipat na sa kanya ang tingin ko. May hawak s'yang bowl ng cereal at abala sa pagkain. Oo nga pala. Nasimot namin ni Rio ang kaninang mga niluto n'ya. Ang sarap kasi ng fried rice n'ya plus pa 'yong tosino at itlog na ulam namin.

"Mabubusog ka na n'yan?" tanong ko.

"Oo. Gusto mo?"

Wala sa sariling napatango ako bilang sagot sa kanya. Sinubuan n'ya ako kaya naman kinain ko na lang ang nasa kutsarang hawak n'ya. Gusto kong iuntog ang ulo ko sa center table pero huli na para pagsisihan ko pa iyon.

"Inubusan ka ba nang pagkain ni Rio?" tanong n'ya habang nakakunot ang noo.

"H-Hindi naman. Nagutom lang ulit ako." pagdadahilan ko. Gusto kong matawa dahil sa itsura n'ya. Para kasing hindi s'ya naniniwala sa akin.

"Be honest with me. Hindi ko naman lulumpuhin ang manliligaw mo 'e." paninigurado n'ya pero kabaliktaran naman nito ang tono ng pananalita n'yang parang handa nang pumatay ng tao.

"Gaga! Hindi nga kasi. Ang kulit. Pahingi pa." Hinawakan ko ng kamay n'yang may hawak na kutsara saka sinubuan ang sarili ko. Parang mas masarap ang kain ko ngayon kesa kanina.

My Playmate Beki | Pechay Series #1Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin