05 - Red Mark

6.2K 200 24
                                    

"Sakay na merlat!" utos ni Jenno nang buksan n'ya ang kotsing katabi lang namin. Sumunod na lang ako sa kanya dahil hindi na rin kaya ng mga binti kong maglakad pa. Halatang hindi ako atlethic na tao dahil sa hina ng stamina ko.

"Ouchie. My hand. Kasalanan mo 'to!" asik n'ya sa akin habang nagiinarte at yakap ang kamao na ginamit n'ya pangsapak sa kaninang lalaki.

"Ang layo-layo n'yan sa bituka."

"Che."

"Sino ba kasing nagsabi sa'yo na tulungan mo ako? Tapos ngayon mag-iinarte ka?"

"Wow ah! Wala kang utang na loob. Putragis ka! Dalawang beses na akong nag-ala darna sa pagligtas sa'yo tapos wala man lang thank you. Amp."

Bigla tuloy akong na-guilty. He's right. Hindi nga ako nagpasalamat noong iligtas n'ya ako kay Milo. But wait! Hindi pa ba sapat na pangbayad ang ginawa n'ya sa akin sa confession room?

Nilingon ko ulit si Jenno at nakitang nilalagyan n'ya ng pink na band aid ang kamao n'ya.

"What?" mataray n'yang tanong sa akin. "Wait, anyare jan chaka?" Ngumuso s'ya habang nakatingin sa akin.

"Alin ba?"

"Yang labi mo shunga!"

"Nakagat ko lang." pagdadahilan ko saka ko ibinaling sa labas ng bintana ang tingin ko pero kaagad ko ring ibinalik ang tingin ko kay Jenno nang hawakan n'ya ang baba ko.

"Masakit ba?" tanong n'ya habang tinitingnang mabuti ang labi ko. Wala sa sariling napalunok ako ng makita ang kissable lips ni bakla. Sigurado akong natural 'yon at hindi lipstick dahil nakita at nalasahan ko na ito noon.

Dahan-dahan akong tumango bilang sagot sa tanong n'ya kahit ang totoo ay hindi naman na masakit.

"Naku! Ano bang pweding panggamot d'yan?" tanong n'ya kaya ngumuso ako sa harap n'ya.

"Kiss." sagot ko. Gusto kong batukan ang sarili ko dahil sa sagot ko pero huli na. Huli na para bawiin ko pa 'yon.

"Haliparot ka!"

"Edi 'wag." Akmang iiwas na sana ako sa kanya nang higpitan n'ya ang pagkakahawak sa baba ko. "Ano ba." reklamo ko pero nanlaki ang mata ko ang idampi n'ya ang labi n'ya sa akin.

"Ayan na ah." usal n'ya bago ako bitawan. Wala pang 5 seconds 'yon ah!

"Kulang pa." maktol ko kaya muli s'yang napatitig sa akin.

"Nagsisimula ka na naman. Nakuuu! Kinikilabutan ako sa'yo." aniya nito habang yakap ang sarili.

Tinanggal ko ang pagkaka-seatbelt ko saka bahagyang lumapit sa kanya.

"Kulang pa. Masakit pa rin."

"Balik mo na seatbelt mo. Gaga ka! Uuwi na tayo dahil baka rape-in mo na naman ako." Pumilantik ang mga daliri nito nang hawakan ang manebila.

"Bwisit." mura ko bago ibalik ang pagkaka-seatbelt ko.

Tahimik lang kami sa biyahe hanggang sa maihatid n'ya ako sa may kanto namin. "Salamat." wala sa loob na usal ko bago tanggalin ang seatbelt ko. Akmang lalabas na sana ako ng tawagin ako ni Jenno.

"Hoy merlat!" Saktong paglingon ko ay ang pagtatama ng mga labi naming dalawa. Akmang hihiwalay na sana s'ya nang ikawit ko ang braso ko sa leeg n'ya. Ramdam ko ang paglalim ng halik at hininga namin. Hinatak n'ya ang bewang ko papalapit bago n'ya ako dalhin sa ibabaw n'ya.

"Hmmm."

"Ahhhhh." Nakakaakit ang ungol ng beki na 'to.

"Nakakatomboy ka merlat ah." aniya nito habang parehas naming hinahabol ang hininga naming dalawa. "Tell me the truth, only but the truth. Nakagat mo lang ba talaga 'yan?" nagdududang tanong n'ya sa akin habang maingat n'yang hinahaplos gamit ang hinalalaki n'ya ang gilid ng labi ko.

"Oo nga."

"Okay. If you say so. Alice in wonderland na chakabells. Baka ma-rape mo na naman ako." pagtataboy n'ya sa akin pero imbis na umalis sa kandungan n'ya ay nanatili lang ako doon.

"Ayoko."

"Desisyon ka teh? Sabunutan kaya kita. Alis na kasi! Hinihintay pa ako ni papaballs sa bar." pagtataboy n'ya habang hawak ang magkabila kong bewang at pilit 'yon itinutulak pero syempre hindi ako nagpatalo.

Umangat ang isa kong kilay dahil sa sinabi n'ya. "Babalik ka sa bar?" tanong ko habang masama ang tingin sa kanya.

"Naman! Nandoon 'yong boylet ko 'e."

"No! Hindi ka na babalik 'don." inis na pagtutol ko. "Wait! Hinalikan mo ba kanina ang lalaki mo bago mo ako halikan?"

"Naudlot ang kiss namin dahil dumating kayong mga kipay! Mga panira kayo ng moment. First kiss ko na sana 'yon 'e." Inirapan ako ni Jenno bago hampasin ng mahina ang bewang ko.

"First kiss?"

"Sa girl ikaw ang nauna sa boy wala pa kasi lintik ka!" maarting pahayag n'ya. Parang may kung anong tuwa sa dibdib ko ang kumiliti sa akin dahil sa sinabi ni Jenno. Pucha! Ako pala ang first kiss n'ya. Biglang akong na-excite sa hindi ko malamang dahilan.

"Talaga?"

"Anong akala mo sa akin kemedora?"

Kemedora? Minsan ay hindi ko talaga maintindihan ng mga sinasabi n'ya.

"Ano 'yon?"

"Liar bhe. Liar!"

"So ibigsabihin virgin ka pa?" usisa ko. Lihim akong natawa nang mamula ang mukha ni Jenno. "Ano nga?" tanong ko habang niyuyugyog ang malikat n'ya.

"Ouch! Imbyerna kang lintik ka. Oo! Virgin pa ako hindi katulad mong pokpok na salot."

Aray! Bakit mas masakit kapag galing sa kanya ang mga salitang 'yon? Kahit walang katotohanan ang mga bintang n'ya ay parang pana 'yon na tumama sa dibdib ko. Baon na baon!

"Whatever." Iyon na lang ang nasabi ko.

Hinawakan ko ang magkabilang pisngi ni Jenno at tinitigang mabuti ang mga mata n'ya. Bakit ang gwapo-gwapo ng bading na 'to?

Ang sarap n'ya sigurong rape-in.

Erase. Erase.

Jusko. Ang landi ko.

"H-Hoy!" usal n'ya habang masama ang tingin sa akin.

Bumaba ang tingin ko sa leeg n'ya saka ko ipinantay ang labi ko roon. Hinalikan at sipsipin ko na parang bampira ang leeg n'ya. Kumwari bampira ako. Rawr. Bweheheh.

"Ahh-busit ka!" sigaw ni Jenno na akala mo ay niri-rape. Inalis ko ang labi sa leeg n'ya nang masiguradong nalagyan ko na s'ya ng hickie.

"Much better." nakangising pahayag ko bago umalis sa hita n'ya.

"Animal ka! What did you do?" Tiningnan n'ya salamin ang leeg n'ya at nanlaki ang mga mata nito nang makita ang red mark na ginawa ko.

"Wag ka nang babalik ng bar Jenno! Sinasabi ko sa'yo, kapag nalaman kong pumunta ka pa 'ron ngayon ay malilintikan ka." pahayag ko bago bumaba ng kotse n'ya.

"Che! Desisyon kang haliparot ka! Mudrakels ba kita?" sigaw n'ya pero hindi ko na s'ya nilingon pa at dire-diretso na lang na naglakad suot ang abot tengang ngiti ko sa labi.

Nakakatuwa talagang asarin ang baklang jellyfish na 'yon.

Pagpasok ko sa bahay ay agad na nawala ang ngiti ko nang bumungad sa harap ko ang taong hindi ko akalaing makikita ko pa. Bumalik sa mga alaala ko ang mga ginawa n'ya sa akin. Nagsimulang gumapang sa katawan ko ang takot at galit dahil sa malagkit na tinging ipinipukol n'ya.

Kelan pa s'ya nalabas ng kulungan? Nagbilang ako sa isip ko. Walong taon dapat s'ya sa kulungan dahil sa ginawa n'yang pananakit kay mama na muntik na nitong ikamatay. Idagdag pa ang plinano n'yang panggagahasa sa akin.

"Freida," tawag sa akin ni mama. Iniabot n'ya kay Darius ang isang tasa ng kape bago lumapit sa akin.

"A-Anong ginagawa ng lalaking 'yan dito?"

"D-Dito na ulit s'ya titira kasama natin. Humingi na s'ya ng tawad sa akin. Nagbago na s'ya simula nang makulong s'ya Freida."

"M-Ma! Halos patayin ka n'ya! He also tried to rape me! Bakit mo pa tatanggapin ang demonyang 'yan dito! Nababaliw ka na ba?!" galit na galit kong sigaw. Ramdam ko ang panginginig ng mga kamao ko dahil sa matinding galit sa lalaking kaharap ko.

"Freida!" suway ni mama habang matalim ang tingin sa akin.

"Mama. Please, huwag mo s'yang papatirahin pa rito. Alam mo ba ang traumang ibinigay n'ya sa akin, sa ating dalawa? Sisirain n'ya lang ulit ang buhay natin." pagmamakaawa ko kay mama. Hindi ko maintindihan kong bakit mahal na mahal n'ya si Darius. Ano bang meron sa hinayupak na 'to para maging patay na patay s'ya rito?

"Nakapag-desisyon na ako, Freida. Darius will be staying with us. Wala na rin s'ya ibang malapitan pa. Nagbago na s'ya anak. Magiging mabait na s'yang ama sa'yo."

"Hindi s'ya ang tatay ko! Wala akong amang kriminal! Kahit anong gawin mo ay hindi na magbabago ang lalaking 'yan. Lumaki s'yang demonyo at mamatay din 'yang dem-"

Isang malakas na sampal ang tumama sa pisngi ko. Dahan-dahan kong nilingon si mama at sinamaan s'ya ng tingin. Bago pa man tuluyang bumagsak ang luha ko ay patakbo kong tinungo ang kwarto ko at ni-lock iyon.

Itinulak ko ang maliit kong cabinet at iniharang 'yon sa pinto upang masigurdong hindi makakapasok ang lalaking 'yon sa kwarto ko.

Kasabay ng pagbabalik n'ya ay ang pagbabalik din ng masasamang alaalang ilang taon kong ibinaon sa utak ko. Kahit kelan ay hindi ko mapapatawad ang ginawa n'yang pangbabastos sa akin. Kulang ang walong taon n'ya sa kulungan dahil sa trauma na halos sumira sa buhay ko. Ngayon na kaya ko nang lumaban at ipagtanggol ang sarili ko ay hindi ako magdadalawang isip na patayin s'ya kapag sinubukan n'ya ulit na galawin ako.

Ang tanga-tanga ni mama para tanggapin pa s'ya. Kahit paulit-ulit n'yang sabihin na tatay ko ang lalaking 'yon ay alam ko sa sarili kong nagsisinungaling lang 'sya. Matagal nang patay si papa. Kahit limang taon palang ako nang mawala s'ya ay tandang-tanda ko pa rin ang mukha at amoy n'ya.

He's my guardian angel. Sigurado akong kahit nasa langit na s'ya ay nakabantay pa rin s'ya sa akin. S'ya ang dahilan kung bakit hindi natuloy ang balak na pangagahasa sa akin ng lalaking 'yon, because my dad is protecting me.

Napahagulgol ako dahil sa pagka-miss sa kanya. Malabo na ang mga alaala ko kay papa pero ramdam ko pa rin ang saya sa tuwing naiisip ko s'ya.

***
Happy Valentines Guys! ❤️❤️❤️

My Playmate Beki | Pechay Series #1Where stories live. Discover now