32 - Bathroom

4.6K 147 8
                                    

FREIDA

"Anong plano n'yo sa sembreak?" tanong sa akin ni Yuna habang sinisipsip ang orange juice na hawak n'ya.

"Hindi ko pa alam. Ikaw?"

"Gusto kong sirain ang relasyon ni Amari at France. Joke." Pagak s'yang tumawa bago ngumiwi. Para s'yang tanga. Minsan ay naaawa na ako kay Yuna. Parang any time kasi ay mababaliw na s'ya dahil sa pagiging broken hearted n'ya.

"Joke are half meant. Susuportahan na lang kita."

"Salamat. Bestfriend nga talaga kita." walang kabuhay-buhay na saad n'ya. "Inaalok ako ni ate PJ na makipag-blind date. Tatanggapin ko ba?"

"Ikaw bahala pero bakit hindi mo i-try? Malay mo hindi pala si Amari ang para sa'yo. Malay mo 'yong lalaking makaka-blind mo na pala."

Bumungtonghininga si Yuna bago n'ya sabunutan ang sarili habang napapapadyak sa inis. Hindi pa nakontento ang gaga, gumulong-gulong pa s'ya sa damuhan na kinauupuan namin.

At nabaliw na nga!

"How did you do it, Freida? Paano naging kayo ni bayaw? Tell me your secret so I could use it against Amari!" aniya nito. Nakasimangot at nagbabadya nang umiyak.

Bayaw? Simula nang maging kami ni Jenno ay bayaw na ang tawag n'ya sa bading na 'yon.

"Sinubukan ko lang naman inisin s'ya nun so I kissed him. Gusto ko lang naman gumanti pero nag-backfire 'yon. Akala ko ay sasabunutan n'ya ako but he kissed me back." Ito ang unang beses na naikwento ko kay Yuna ang encounter kong iyon kay Jenno. Bumagsak ang panga n'ya at halatang gulat na gulat dahil sa kagagahan ko noon pero atleast, nagbunga naman ang ginawa ko sa chapel. Si Lord ang saksi!

"Knowing Amari, baka iuntog n'ya lang ako sa pader kapag ninakawan ko s'ya nang halik." nakangusong pahayag ni Yuna.

Ibinalik ko sa notebook ang atensyon ko para mag-review sa huling exam ko ngayong araw na 'to. Tapos na si Yuna sa lahat exam n'ya samantalang may evening class pa ako maya-maya lang.

"Hindi ka pa ba uuwi?" tanong ko kay Yuna. Nakahiga s'ya sa damuhan at nakatingala sa kalangitan. Papalubog na ang araw kaya naman presko ang hanging umiihip sa mga oras ito.

"Uuwi ako kapag pumasok ka na." sagot n'ya habang hindi pa rin inaalis ang tingin sa langit.

Nabaling ang tingin ko sa gilid nang maramdamang may nakamasid sa amin. Napapansin kong nitong mga nakaraang araw ay madalas nang ganun ang pakiramdam ko. Para bang may nakamasid sa bawat galaw ko. Hindi naman ako mahilig sa kape kaya imposible na paranoid lang ako.

Guni-guni ko lang siguro 'yon. -bulong ko nang wala namang makitang kahina-hinalang tao.

Sinilip ko ang cellphone ko na nakalapag sa damuhan nang mag-vibrate ito.

Text message galing kay Jenno.

'I can't fetch you pechay. Take a cab, 'wag ka nang maglakad pauwi. I love you. See you later.'

Siguro ay kukuha s'ya ng mga damit sa bahay n'ya.

'Okay, ingat sa pagda-drive. I love you.' - I replied.

"I'm happy for you Freida." pahayag ni Yuna kaya nabaling ang tingin ko sa kanya. "Sa ilang taon nating pagkakaibigan ay ngayon lang kita nakitang gan'yan kasaya. Wishing you and Jenno the best. Sabihin mo lang sa akin kung saktan ka n'ya dahil hindi ako magdadal'wang isip na hampasin s'ya gamit ang heels ko."

"Opo mama." natatawang tugon ko kay Yuna.

I'm happy. Wala na akong hihilinging iba sa mga oras na 'to dahil sapat na si Jenno para mapasaya ako ng bongga. I wanted to keep him for the rest of my life.

My Playmate Beki | Pechay Series #1Where stories live. Discover now