36 - Who

3.2K 134 23
                                    

Nanginginig ang mga kamay ko na kinuha ang mga litratong nakapatong sa lamesa. Mga stolen picture ko ito na isinend nang stalker ko kay Jenno. Bumagsak ang luha ko nang makita ang pinaka-latest na picture ko. Iyon din ang araw na naaksidente si Jenno. Inabot sa akin ni detective Arthor ang isang papel.

"Iyan ang mensahe ng stalker mo bago tuluyan maaksidente si Jenno." pahayag nito kaya naman kaagad ko 'yong binasa.

'Did you make her cry? P*tangina mo Salazar! I want to kill you right know! Paubos na ang pasensya ko sa'yo. Kung kailangan kong sapilitang kunin sa'yo si Freida ay gagawin ko. Kung kailangan kitang patayin ay hindi ako magdadal'wang isip na gawin 'yon sa'yo. Watch out Salazar. She'll spread her legs to me next time.'

Binalot nang matinding galit at poot ang dibdib ko nang mabasa ang sinabi ng stalker ko. May kinalaman man s'ya o wala sa nangyari kay Jenno ay sisiguraduhin kong mabubulok s'ya sa loob ng sildang ihahanda ko para sa kanya.

Nang tingnan ko ulit ang papel na hawak ko ay nakita kong nagusot ko na pala ito dahil sa higpit nang pagkakahawak ko.

"Wala pa rin bang lead sa kung sino ang taong 'to?"

"We're still working on it. Nagbigay ng mga pangalan si Jenno nang posibling stalker mo pero wala kaming napansin o nahanap na kahina-hinala sa kanila. Baka may hinala ka kung sino."

Sina Larry, Ben, Milo, at Darius - sila ang unang inimbistigahan ng team ni detective Arthor pero wala silang nakuhang ibedensyang magdidiin sa mga ito. Sa ngayon ay sila lang din ang naiisip kong posibling maging stalker ko. Wala na akong maisip na iba.

"Heto, tawagan mo ako kung kontakin ka ng stalker mo dahil sigurong naghahanda na s'yang harapin ka ngayong wala na ang itinuturing n'yang tinik sa lalamunan n'ya. Be careful Freida. Hindi natin alam ang maaaring gawin sa'yo nang lalaking 'yon kaya mag-iingat ka." babala ni detective.

I nodded before leaving his office.

"Anong iniisip mo?" untag sa akin ni Rio na nasa tabi ko pala. "Don't do anything reckless Freida. Itinago sa'yo ni Jenno ang kasong 'to dahil ayaw ka n'yang mapahamak kaya 'wag mong sasayangin ang sakripisyo n'ya."

"I know." tipid kong sagot sa kanya. "Do you like Jenno?" tanong ko dahilan para bumaba ang tingin n'ya sa akin.

Bakit pa ako nagtanong? Obvious naman.

"Oo."

"Wala akong control sa nararamdaman mo. Keep liking him if you want. Alam ko namang ako lang ang mahal n'ya." Confident kong sagot sa kanya.

Ngayong alam ko nang tito ni Rio ang detective na may hawak ng kaso ay buo ang tiwala kong aksidente lang silang nagkita ni Jenno na kuha sa mga litrato ni Milo. Kung ano man ang dahilan ng paghahawak nila ng kamay, sigurado akong hindi 'yon ginusto ng boyfriend ko. May mga lalaking persistent at alam kong ganung lalaki si Rio.

May peace of mind na ako sa mga pictures na 'yon.

"Okay, if you say so pero oras na may makita akong butas o pagkakataon para makuha ang puso ni Jenno, hindi ako mag-aalinlangang sunggaban 'yon. I like your confident though, Freida."

So his my rival.

Inirapan ko s'ya na ikinatawa n'ya lang.

"Babalik ka pa ba sa hospital?" tanong ni Rio.

Tiningnan ko ang oras at nakitang kailangan ko na palang pumunta sa part-time ko. "Hindi na. May trabaho pa ako. Salamat Rio." paalam ko sa kanya. Hindi na ako sumabay sa kanya dahil malapit na rito ang restaurant na pinagtatrabahuhan ko.

Lutang ang isip ko sa limang oras kong pagtatrabaho. Napapaisip ako kung sinong demonyo ang nanonood sa mga galaw ko. Hindi ko alam kung kakilala ko s'ya o isang estrangehero na may sariling fanbase ko pero kung sino man s'ya, lintik s'ya!

My Playmate Beki | Pechay Series #1Where stories live. Discover now