Simula

19K 402 33
                                    

“Sigurado ka ba, hija, na iyan ang gusto mo isuot doon sa birthday ng kaibigan mo?”

Nahimigan ko ng diskumpyansa ang tono ng boses ni Yaya Lena, ang taong tumayong pangalawang magulang ko na dahil abala lagi sa negosyo ang pamilya ko. Pero ayos lang. Masaya naman na kahit papaano ay nagagawa namin maging kumpleto kapag may okasyon.

“Yaya, hindi naman po ako maliligo doon. Ayaw ko nga po sanang pumunta kaya lang ay nahihiya naman po ako kay Marisse. Naka-oo na po ako.”

“Oo nga kaya lang ay baka pagtawanan ka na naman ng mga tao dahil hindi nababagay ang suot mo sa okasyon.”

Ngumuso ako at pinagmasdan ang sarili sa repleksyon ko sa malaking salamin sa aking kwarto. I am wearing a white floral skirt that reached my lower leg, a baby pink sleeveless and a pink cardigan, too.

Tama si Yaya Lena na hindi ito naaayon sa okasyon na pupuntahan ko dahil pool party ‘yon. Ano ba dapat ang isuot? Swimsuit? Maiiksing short at damit na kita ang pusod?

Ayaw ko. Hindi ako kumportable sa gano’n. I’m fine with wearing long skirts and thick blouses. I want to hide my skin as much as possible. Wala naman akong problema sa mga babaeng mahilig magsuot ng mga damit na revealing but then this is my body and showing my skin isn’t my thing.

Huminga ako nang malalim. Kung hindi lang talaga ako nakasang-ayon kay Marisse ay hindi ako dadalo sa birthday niya. Ayaw ko lang na magtampo siya dahil siya lang ang kaibigan ko sa eskwelahan namin.

Inayos ko ang suot na eyeglasses at nilingon si Yaya Lena. Naabutan ko itong nakatitig sa akin.

“Okay na po ako sa ganitong damit, yaya. Uupo lang naman po ako sandali doon at kakain. Ipapakita ko lang ang presensya ko kay Marisse tapos ay uuwi na po ako.” sabi ko at nilingon muli ang salamin para tingnan kung may dumi sa braces ko.

“O siya sige. Kung iyan ang gusto mo. Ako naman ay nag-aalala lang sa’yo dahil baka umuwi ka na namam ditong umiiyak kagaya nung isang linggo. Aba’y hindi ko na nga sinasabi sa mga magulang mo ‘yon, Dahlia.”

Ngumuso ako, naalala ang ibig sabihin ni Yaya Lena. Last week, some tourism student made fun of me in front of many people. They called me a nerd but then it’s true anyway. Nasaktan lang ako na ipinahiya nila ako sa harap ng napakaraming estudyante dahil lang sa nababaduyan sila sa ayos ko.

They even sticked a note in my back saying “Ang baduy ko” without me knowing that I had it. Kung hindi pa tinanggal ng school guard ay hindi ko pa malalaman.

Why can’t girls lift each other up instead of dragging down? Kapag ba hindi na moderno ang istilo ng pananamit ay wala nang karapatan maging kabilang sa kanila?

Despite that, I left the premises without saying anything. I just believe that silence is the best revenge for those who wants to hurt you. Ipinakita kong hindi ako naaapektuhan kahit na halos pigilan ko ang luha ko sa pagbagsak.

“Hayaan mo na po ‘yon, yaya. Sigurado naman po ako na hindi na sila uulit dahil isinumbong sila ng isang engineering student sa dean ng school namin.”

Tinalikuran ko ang salamin at hinarap siya. I smiled at her and embraced her gently. Palagi ko siyang niyayakap kapag may pagkakataon. Ang sabi niya, kahit papaano daw ay nababawasan ang pangungulila niya sa kaniyang anak sa tuwing niyayakap ko siya.

Bumaba ako ng sala. Naroon sina Daddy at Mommy sa sala, seryosong nag-uusap sa harapan ng malaki naming tv. Minsan ay nasusupresa pa ako na narito na sila nang ganitong oras. Minsan kasi ay patulog na ako pero wala pa rin.

They both looked at me as soon as I stepped on our vinyl tiled floor. Mommy smiled at me.

“You’re leaving now, Dahlia Angelique?” she asked and opened her arms for me.

Sunshine On His Rainy Days (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon