Kabanata 14

6.2K 232 21
                                    

Hindi ko inaasahan na makikita ko si Gabriel ngayon. Lalo at dito pa sa eskwelahan namin.

Oo at madalas niya akong inihahatid pauwi sa bahay pero sa pagkakaalam ko, mayroon siyang kailangan tapusin sa isang major subject niya. I didn’t ask much about it. Ayaw kong isipin niya na masiyado akong mausisyoso.

“I can’t believe it. So the rumors are true, huh? Ginayuma ka ng babaeng ‘yan kaya parang nababaliw ka na sa kaniya-”

“What is it to you then? The last time I checked, you are not my girlfriend. We are not even close so what’s with the fuss?”

Hindi ko nais na pakinggan ang usapan ni Gabriel at Saskia lalo pa at ako mismo ang tema nila. I honestly don’t know why they’re making Gabriel being with me all the time a big deal.

Mali na ba talaga sa paningin nila ang magkagusto sa akin ang isang katulad niya dahil lang sa ganito ako? Dahil hindi nila ako kapantay at malayo sa tipo ng babaeng magugustuhan ni Gabriel?

“Look at her, Gabriel! She is not even the kind of girl you want-”

“What do you know about the things I like when it comes to a girl, Saskia?”

Tumungo ako, mabigat ang bawat paghinga. Gusto ko nang tumayo at tumakbo paalis dito ngunit tila nakapako na ang mga paa ko sa sahig.

Habang si Gabriel, nasa likuran ko at ilang sentimetro lang ang agwat sa akin. I can feel his strong and dark presence even though he’s not holding me.

“Oh my gosh! You can’t be serious! She’s not even on my level!”

“For sure. She’s not on your level because she’s way on top of all of you,” putol muli ni Gabriel kay Saskia.

At aaminin ko na sa kabila ng lahat ng ito, nakakaramdam ako ng tuwa sa puso ko dahil mayroong nagtatanggol sa akin. Sa unang pagkakataon at dami ng beses na may nang aalipusta sa akin, ang sarap sa pakiramdam na tila ba nakahanap ako ng kakampi sa katauhan ni Gabriel.

“Don’t you ever think of laying your fingers on her. You don’t wanna mess with me.”

As soon as he said those words, he suddenly held my hand that made me look at him. He was squatting behind me and when our eyes met, a strong urge of crying out pushed me.

Pero pinilit kong huwag umiyak sa harapan nila. Ayaw kong mas lalong magmukhang mahina at kaawa awa kahit pa ganoon na ang tingin ng lahat sa akin.

“Let’s go.”

Wala sa sarili akong tumango. Nauna siyang tumayo bago iniabot ang kamay sa akin. Kagaya noong una niyang tangkain na tulungan ako mula sa pagkakabagsak ko sa swimming pool, bumaba ang tingin ko sa kamay niya.

It’s just the same situation. Someone humiliated and embarrassed me. Gabriel is still trying to help me by lending me his hand. The only difference is this time, I accepted it.

He helped me stand up. Inisang tingin ko pa sina Saskia at ang mga kaibigan niya. They were all glaring at me as Gabriel intertwined his fingers with mine and pulled me with him.

Tinalikuran na namin sina Saskia. Bumaba naman ang tingin ko sa mga kamay namin ni Gabriel na magkahawak. Hindi ko mapigilan ang hindi makaramdam ng kiliti sa puso ko. It’s like my hand was made for him to hold. They look... fit and perfect for each other.

Dumiretso kami sa kotse niya pagkarating sa parking lot. He opened the door on the passenger side and helped me get in.

I watched him jog towards the other side. Nang makapasok siya ay nag iwas na ako ng tingin at tumungo na lang sa mga kamay ko.

Sunshine On His Rainy Days (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon