Kabanata 44

6.9K 247 19
                                    


PLEASE REFRAIN FROM POSTING ANY UNNECESSARY COMMENTS SO THAT UPDATES WILL BE POSTED REGULARLY.

Kabanata 44

Iniwan muna kami nila Mommy sa kwarto. Gabriel was sitting beside the bed while staring at me. He had been eyeing me since he came in. It's as if he doesn't want to take his eyes off me for I might vanish.

"How did you find out?" I asked.

He glanced at our intertwined hands and sighed.

"Hanniel called me." He raised his head.

Pansin ang matinding pagod at lungkot sa mga mata niya, ngunit hindi nawawala ang matinding galit. Nagagawa niya pang kontrolin ang emosyon niya dahil nasa tabi niya ako.

"H-How? Did he see us?"

"I haven't talk to him yet. He used his mother's phone to call me. He asked me to go there because Hannah hurt you. Walang kasiguraduhan pero pumunta pa rin ako lalo na at hindi rin kita matawagan. It's just fortunate that I was nearby the townhouse. Seeing you pooling with your own blood scared me, Angelique."

Pinilit kong isinasaip ang kwento ni Gabriel. Sa pagkakatanda ko ay pinalabas ni Hannah si Hanniel bago kami mag-usap.

Did he eavesdrop?

"Where is Hannah? Naabutan mo ba siya noong nadatnan mo ako?"

Tumango siya. "She was sitting beside you while crying. She's actually holding your head where your cut is as if she's stopping the blood from gushing out."

Hindi ako nakasagot. Bakit gano'n ang reaksyon ni Hannah? Hindi ba dapat, kung may plano siyang masama sa akin, kung intensyon niyang patayin ako, sana ay iniwan niya na ako sa gano'ng sitwasyon.

Bakit nanatili pa siya doon? Bakit siya umiiyak gayong sinadya niya ang ginawa niya sa akin? At kung tama si Gabriel... bakit niya pa pipigilan ang pag-agos ng dugo mula sa ulo ko? Bakit parang nag-aalala pa siya?

"She's with my parents right now. She just doesn't stop from crying. I'll deal with her later. I want to make sure first that you are fine."

Maingat niyang hinaplos ang ulo ko kung saan naroon ang puting bandage. Mabigat ang pinakawalan niyang buntonghininga bago ibinalik ang mga mata sa akin.

"I'll send her to jail..."

Nahigit ko ang hininga matapos niya sabihin ang bagay na 'yon nang walang pag-aalinlangan. Diretso siyang nakatingin sa mga mata ko, tinatanya ang reaksyon ko.

Kung ipapakulong niya si Hannah... paano si Hanniel?

"Paano ang bata?"

"Si Mama muna ang bahala sa kaniya. I need to separate him from his mother for awhile. Hannah is abusing him."

Alam niya na rin.

Nagbaba ako ng tingin nang maalala ang mga pasa ni Hanniel sa katawan. Hindi ko mapigilan ang mahabag para sa kaniya. Sa murang edad ay nakakaranas na siya ng pananakit mula sa sariling ina niya pa.

"Hindi ko rin inasahan na magagawa niya ang bagay na 'yon sa mismong anak niya. Wala ako sa tamang lugar para pagsabihan siya pero bilang isang ina na nawalan ng anak, gusto kong magalit sa kaniya."

Pero gusto ko pa rin siyang intindihin.

"Hindi niya na ulit pa masasaktan ang bata, Angelique."

"Is Hanniel alright?" I asked worriedly.

Tumango siya. "He's with Samael and Chloe-"

Tumunog ang cell phone niya dahilan para maputol ang pagsasalita niya. Kinuha niya ito sa loob ng bulsa niya at salubong ang kilay na tiningnan ang screen.

Sunshine On His Rainy Days (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon