Kabanata 28

6.3K 268 21
                                    



"Are you asking me to give you up again, Angelique?"

Hindi ako nakaapuhap ng isasagot sa naging tanong ni Gabriel na 'yon. Ang totoo ay hindi. Ang tagal kong ipinangarap na sana ay bumalik kami sa dati kahit pa sa pinakamaliit na tsansa. Kahit pa ilang taon na lumipas sa aming dalawa at maaaring may iba na siya... umasa pa rin ako na baka puwede pa kami.

Hindi ko nagawang bumitaw sa pagmamahal ko para sa kaniya kasi ramdam kong mayroon pa akong panghahawakan. Now that I'm back and we met again... now that he told me that he still has feelings for me... that he wants to go back to what we were before... then I have no reason to make him give up on this situation... on us.

"Having a son with someone else won't make me let go of you again. Minsan na kitang pinakawalan para sa pangarap mo. Now that you're back and you have already chased your dream... and the mere fact that I'm still in love with you... I don't think there will be reasons to give up again."

Nilingon ko si Gabriel. Seryoso at tila nagmamakaawa ang ekpresyon ng mukha niya. Tila ba gusto niyang ipaintindi sa akin na hindi kailanman niya ako bibitawan ano man pagsubok ang dumating sa amin.

"I'm not asking you to give up. Hindi ko rin gusto bitawan ka, Gabriel. I am just worried about your child. What if he doesn't get to like me?"

"He's not oblige to like you, Angelique. Magustuhan ka man niya o hindi, labas 'yon sa magiging relasyon natin. I love my son but I am in love with you, too. Maybe we can sort things out in time. Hannah and I will have an agreement about our child."

I sighed and nodded. "Does she know?"

"About what?"

"About me."

His brows knitted in a frown. "Does she have to know about you? She's out of my personal life."

Kung gano'n ay wala nga talaga siyang nararamdaman kay Hannah. What happened between them was just pure lust? Posible nga pala talaga na nangyayari ang gano'n sa dalawang tao kahit na wala silang nararamdaman na pagmamahal para sa isa't isa.

I won't take that kind of reality. It will always be love over lust for me.

"You know what, hija, Gabriel is also human. He isn't perfect and tend to do mistakes and wrong decisions..."

Ang mga salitang 'yon ni Mommy ang pumukaw sa pagbabalik tanaw ko sa naging pag uusap namin ni Gabriel ilang araw na ang nakalipas.

Mula sa mga naggagalawang bulaklak sa patio dahil sa marahang ihip ng hangin ay nilingon ko si Mommy. She was looking ahead of us while sipping from her favorite white mug.

I finally told her the situation I'm currently in. About Gabriel having a son with someone else. Inaasahan ko na magagalit siya at magiging histerikal. Nakalimutan ko na hindi siya gano'ng klase. She always deal with difficult situations with class and elegance.

"Not because he impregnated another woman doesn't mean he is already in love with her. A man will always be a man, anak. Knowing him, he is the sincerest whenever he tells us how much he loves you."

"I am not doubting his love for me, Mommy. Gabriel might be playful but he never lie. Madali ko siyang nahahalata kapag nagsisinungaling siya. Iniisip ko lang po ang anak niya. Sabihin niya man po na labas ang bata sa relasyon naming dalawa, gusto ko pa rin po makuha ang loob niya dahil alam kong magiging mabigat para sa akin kung aayawan niya ako."

"There is a huge possibility that he won't like you for his father. Lalo na at nariyan ang tunay na ina. A child will always dream for a complete family, hija. Si Gabriel at ang babae, sila ang pamilya ng bata..."

Sunshine On His Rainy Days (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon