Kabanata 30

6.8K 314 26
                                    

I let the rough texture of his engraved name kiss my palm while staring at it. Dried leaves were being dragged over there as the morning wind blows.

"I met your brother, Atticus. He looks just like you. Nakakatuwa dahil para rin kitang nakikita sa kaniya..."

Bumigat ang dibdib ko nang maalala ang disgusto ni Hanniel para sa akin. Kung paanong ayaw niya akong nakikisali kay Gabriel at Hannah. I can't blame him. Hindi ako magagalit sa kaniya. Bata lang siya na naghahangad ng isang kumpletong pamilya. Nga lang ay hindi ko mapigilang isipin na ako ang magiging dahilan para hindi 'yon mangyari. Ako ang panira. Ako ang kontrabida.

Nakukunsensya ako.

Pero ano ba ang magagawa ko kung mahal ko si Gabriel at hindi ko siya basta-basta na lang puwedeng isuko? I have been dreaming of us to go back to each other again since then and continue the love we had before.

Kaya nga ginagawa ko ang lahat para lang magustuhan ako ni Hanniel. Kahit hindi na bilang isang pangalawang ina. Kahit bilang babae sa buhay ng ama niya na lang.

He may call me selfish but I won't give up his father no matter what. Unless it's Gabriel who will ask me to.

"Kaya lang hindi niya ako gusto, anak. Naiintindihan ko naman dahil naroon ang Mommy niya. Maybe he will eventually like me when he can fully understand things."

Sa ngayon, lulunukin ko muna ang bawat pag ayaw niya sa akin. Iintindihin ko siya hangga't kayo. Importante siya sa buhay ni Gabriel kaya gano'n rin siya sa akin.

"I'm sorry if I can't bring your father here right away. Naghihintay pa ako ng tamang oras, Atticus. Pero pangako ko sa'yo, malapit na."

Ilang minuto pa akong nagtagal sa sementeryo at binantayan ang anak. Nang magdesisyon akong umalis na ay saktong tumunog ang cell phone ko mula sa aking bag. I rummaged my personal things and took it. Gabriel's name was flashing through the screen.

My heart thumped knowing that he's calling and I am here at the cemetery. Sa kabila ng kabang nararamdaman ay sinagot ko ang tawag.

"Luke?" I greeted.

"Hi. Where are you?"

I bit my lower lip and looked sideways. Nag-aalala akong baka nasa paligid siya at hinuhuli lang ako. Kotse ko lang ang nakikita ko kaya naman bahagya akong nakahinga nang maluwag.

"I went to a coffee shop. Maaga akong umalis dahil maaga rin ako nagising."

"Hmm. My baby didn't invite me, huh?" he chuckled.

"I'm sorry. You told me last night that you will have an early meeting today."

Sumakay na ako sa kotse. Hindi ko muna binuhay ang makina at naupo lang sa driver's seat. I looked at Atticus' spot through the tinted window.

"I was just kidding. I am actually here at the office now," he informed. "Just want to see you before the meeting starts. Can we do video call?"

"Yes, sure."

I heard beeping tones across the line. Itinapat ko ang cell phone sa mukha at tinanggap ang paanyaya ni Gabriel na mag video call kami.

Bumungad ang gwapo niyang mukha sa screen. He was sitting on the swivel chair, looking ridiculously handsome in his three piece suit. Behind him was the tall buildings of Manila.

"Ang ganda mo palagi..."

Natawa ako. "Bolero."

The corner of his lips rose. If there was a world leader board of smirkers, he'd be champion.

Sunshine On His Rainy Days (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon