Kabanata 6

7.1K 377 23
                                    

“Push, Mommy! I can feel the baby’s head!”

My adrenaline was on to the roof when I touched the head of the baby but then the mother couldn’t push him out. May ilang minuto na rin siyang umiiri ngunit hindi niya makuha ang tamang proseso.

She’s already catching her breath and her complexion went from being white to reddish. Halatang nahihirapan na siya ngunit pilit kinakaya. Mabuti na lang at stable pa rin ang blood pressure niya sa kabila ng pinagdadaanan.

“The baby is already stressed, Doc. Bumababa na ang heart rate niya.” paalala sa akin ni Jasmine.

Huminga ako nang malalim saka tumango. “We’ll do the vacuum delivery.”

“Yes, Doctora.”

“Mommy, please relax. I’ll help you deliver your baby. He will be safe. I need you to breathe calmly.”

Kaagad akong sinunod ng pasyente. Mabuti na lang at mabait naman siya. Hindi kagaya ng ibang nanay na akala mo laging galit sa tuwing manganganak. Most of the Americans don’t know how to calm down in times like this.

I slowly inserted my fingers covered by a latex gloves inside the mother’s vagina and feel the baby’s head. I located the flexion point. Tinantiya ko ang distansya ng paglalagyan ng vacuum cup.

“8 cm,” I said.

Jasmine gave me the cup and I gently inserted it and manuerverd it to the flexion point. After setting the vacuum, I used the finger tip fraction.

“You have to push in count of three, Mommy,” Jasmine commanded the mother. “One! Two! Three!”

Buong lakas na umiri ang nanay. As soon as she exerted some force, I gently pulled the baby out of the vagina through vacuum and his little cries bounced against the four corners of the delivery room.

Hawak ang sanggol sa mga paa niya habang nakatiwarik, tumingin ako sa kaniyang ina na nakatingin rin sa anak niya.

“It’s a bouncing baby boy, Mommy!” I smiled.

Natawa rin siya, ang luha ay mabilis na nagsipagbagsakan sa mga pisngi niya. Maingat na kinuha ni Jasmine ang bata sa akin at ibinalot sa isang blanket bago ipinatong ‘yon ibabaw ng dibdib ng kaniyang ina.

“Oh my God! He’s so precious.” she mumbled while staring at her little angel.

Hindi ko maiwasan ang mapangiti habang pinagmamasdan sila na para bang bago lagi para sa akin ang makakita ng ganoong senaryo. Na kung tutuusin ay ilang taon na itong parte ng buhay ko.

Noon, sa tuwing makakakita ako ng bagong silang na sanggol, walang paglagyan ng tuwa ang puso ko. Ngayong ako na mismo ang nagpapaanak sa kanila, hindi ko maiwasan ang malungkot... itanong sa isip ko kung ano kayang pakiramdam kung nabuhay siya... at nahawakan ko mismo sa mga kamay ko?

That was my last patient for that night. Umuwi na kaagad ako sa unit dahil na matinding pagod na naramdaman.

I took my nude doll shoes off and placed it on the shoe rack as soon as I got inside. Dire diretso ako paakyat sa kwarto at nang makapasok ay pagod kong inilagay ang bag sa single couch na naroon.

I lifted my hair up and tied it on a messy bun. I was standing beside the glass wall while watching the burning city lights from afar. Marahan kong kinakalas ang butones ng suot kong polo dress nang mapatingin sa litrato namin ni Kuya Miles na magkasama.

Napangiti ako, huminto sa ginagawa at kinuha ang picture frame. Marahan kong hinaplos ang litrato namin, ramdam ang matinding pangungulila sa sariling kapatid.

Sunshine On His Rainy Days (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon