Kabanata 5

7.3K 371 19
                                    

Why was he sending me a friend request right just after we saw each other at the basement? I’m not really that active in social medias. Oo at may mga account ako pero bihira kung magbukas ako.

I just noticed that social medias sometimes bring negativity to you. It can ruin your inner peace. Doon ay makakabasa at makakakita ng mga balita na hindi ka naman interesado o hindi kaya ay sisira sa araw mo. It can even affect your mood so I just find spending most of my time there useless. Mas gugustuhin ko pang magbass ng libro at pag aralan ang tungkol sa reproductive system ng mga babae.

“What is this request for?”

“You were saying, Angelique?”

Mabilis akong naalerto sa naging tanong na ‘yon ni Kuya Miles. Hindi ko man lang namalayan na naisatinig ko pala ang sinabi kong ‘yon. It’s supposed to be just on my mind.

Nilingon ko ang kapatid at tipid na ngumiti. “Nothing, Kuya! I am just h-hungry.”

“Malapit na tayo sa resto.”

Hindi ko muna tinanggap ang friend request na ‘yon. Gusto ko munang pag isipan mabuti kung tatanggapin ko ba o hindi. Baka mamaya ay may kung ano siyang binabalak kaya niya ‘to ginagawa.

Binabalak, Angelique? Kagaya ng ano naman?

Naisip ko lang na baka isa talaga siya sa mga gusto mang bully sa akin. Ang hirap isipin na naiiba siya gayong ang mga kaibigan niya ay kunektado rin sa mga taong wala nang ginawa kung hindi ang ipahiya ako sa marami.

Minabuti kong patayin na ang cell phone at sa bahay na lang intindihin ang bagay na ‘yon. Baka makahalata si Kuya Miles at isipin na may mali sa akin. Knowing him, he got strong senses. Mapag obserba rin siya kaya hindi na ako magugulat na mabilis niya akong mahahalata.

“I remember that guy now. He’s the cousin of Hell Suarez. I think I have already seen him in a club.”

Halos mabilaukan ako sa pag inom ng blue lemon juice nang biglang sabihin ‘yon ni Kuya Miles sa gitna ng pagkain namin.

“Bakit b-bigla mong nabanggit ‘yan, Kuya?”

Umiling siya. “Naalala ko lang. I am just also wondering why he was looking at me that way earlier.”

“Ah. Baka kasi namumukhaan ka rin niya dahil ang sabi mo ay nakita mo na siya sa isang party.”

He shrugged his shoulders and had a bite of pizza. Hindi na rin siya sumagot pa na tila baliwala na lang sa kaniya ang kung ano mang pinag uusapan namin tungkol kay Gabriel.

Inihatid lang ako ni Kuya Miles sa bahay at umalis na rin. Ang sabi niya ay may kailangan pa siyang puntahan. I asked him where and he said he was going to Batangas.

Ano’ng gagawin niya doon ng ganitong oras? Maybe he has some project to do there.

Pagkatapos mag linis ng katawan ay nahiga na ako sa kama. I opened my phone and was excited to see if the Gabriel’s friend request request is still there. At nang makitang naroon pa ay gano’n na lang pagbilis ng tibok ng puso ko.

I stared at his name. They’re beautiful. Lalo na ang pangalan niyang Gabriel, tila hinango sa isang arkanghel.

I clicked his profile picture. He was leaning Aagainst a black luxury car, legs crossed manlikely and eyes cold as ice. He was serious while looking at the one who captured that picture.

“Palagi kang seryoso. Pero nang unang beses kitang makita na ngumiti, mas lalo kang naging gwapo sa paningin ko.”

Kumurap kurap ako nang mapagtanto ang mga salitang lumabas sa bibig ko. Umiling ako at mahinang tinampal ang mga labi.

Private and profile ni Gabriel kaya hindi na rin ako nag aksaya pang tingnan ito. I just stared at his name for a little while before I decided to click the accept button.

There you go, Angelique. You are already friends with him. But only in Facebook for sure.

Wala pang isang minuto simula nung i-accept ko ang friend request niya nang may lumitaw na message sa screen ko. It came from messenger and my eyeballs almost popped out of its socket when I saw who it was!

Luke Gabriel:

Took you time to accept my request, huh?

“Oh my gosh...” I muttered inwardly while staring at his message.

Lumunok ako, hindi pa magawang makapagtipa ng isasagot sa kaniya o kung dapat ba akong sumagot.

Sa huli, tila nagkaroon ng sariling buhay ang mga daliri ko at nagtipa ng isasagot sa kaniya.

Ako:

Hello. Ngayon ko lang nakita ang friend request mo.

Did I sound too snobbish? Kesa naman maging totoo ako at sabihin na hindi ko muna tinanggap ang request niya dahil pinag iisipan ko pa.

Muling lumitaw ang chat niya. Ramdam ko ang pagkataranta dahil doon.

Luke Gabriel:

Doesn’t seem like it. But thank you, Angelique. 🙂

Uh, why is he thanking me? Is it a big deal for him that I accepted it?

Ako:

You’re welcome, Gabriel.

Tinitigan ko ang pangalan niya. Mga pangalan na hindi na nabura pa sa isip at puso ko kahit na isang dekada na ang nakalipas. Kahit saan ako magpunta, ano man ang gawin ko, palagi kong naaalala ang bawat simula namin. Palaging nagsasayaw sa isip ko ang magagandang ala-ala na pinagsaluhan namin.

I guess it’s really that hard to forget the person who first made you feel loved and special. He’s one of the few people who showed me that I deserve every happiness in this world.

I brought my fingers on the screen of my phone and gently caressed his name.

I hope someday, I would see your name sending me a friend request again. Sana dumating ‘yung araw na hindi na lang kita pagmamasdan sa mga litrato. Kahit pa alam kong imposible mangyari ang mga bagay na ‘yon dahil sa mga sandaling ito, kinamumuhian mo ako.

“Doc Angelique?”

Napukaw ng boses na ‘yon ang atensyon ko. I saw Jasmine beside the door of my office. She’s one a the Filipino nurses that I met here in Boston.

Ngumiti ako sa kaniya.

“Is everything all set?”

She nodded. “Yes, Doc. The patient is already in the delivery room.”

“I’ll be there in a minute. Thanks, Janice.”

Pagkalabas niya ay huminga ako nang malalim at tinitigan muli ang cell phone ko. Huminga ako nang malalim at pinatay na ito bago tumayo. I took my white lab coat and wore it on my body before storming out of my office.

Sunshine On His Rainy Days (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon