Kabanata 8

7.3K 350 13
                                    

Gusto kong umatras pabalik sa loob ng ospital nang makita si Gabriel sa mismong parking lot. He was leaning against his black sedan while arms crossed against his chest. Mula sa cell phone niya ay hindi sinasadyang nag angat siya ng tingin sa akin. His eyes met mine.

Hindi ko alam kung seryoso siya sa sinabi niyang gusto niya akong maging kaibigan dahil gusto niya akong protektahan. I might look weak and helpless but seriously, I don’t need anyone’s help. Hindi naman ako iyakin kapag kinakawawa. Kaya ko ang sarili ko pero aaminin kong masarap sa pakiramdam kapag mayroong tao na gusto kang protektahan.

It felt different when Gabriel told those words right in front of my face. Pakiramdam ko ay isa akong prinsesa na gustong iligtas ng kaniyang prinsipe laban sa masasama. I know it’s nowhere near to reality because until now, I’m still doubting about his real intentions towards me. Pero mayroon parte sa akin ang gustong maniwala na ng tuluyan sa bulong ng isip na mabuting tao siya.

“Narito ka,” bungad ko nang huminto ako sa harapan niya. “May hinihintay ka?”

Tumaas ang sulok ng kaniyang labi na mas lalong nagpagwapo sa kaniya. Ang mga mata niyang madidilim at tila ba laging may bagyong paparating ay matamang nakatitig sa akin. His thick and brushy brows, aristocrat nose and  cupid bow shaped lips were screaming for perfection.

He’s indeed perfect. Too good to be friends with a nerdy girl like me.

“Meron,” sagot niya. “Ikaw.”

Pigilan ko man ay malakas na kumalabog ang puso ko sa naging sagot niya. Marahan akong nagpakawala ng tahimik na buntonghininga at pasimpleng tumingin sa paligid. Wala masiyadong tao at puro sasakyan lang ang natatanaw ko. Hindi ko kailangan makaramdam ng matinding pag aalinlangan na maraming tao ang makakakita sa amin.

Muli ko siyang tiningnan. “Bakit?”

“Bakit kita hinihintay?”

Tumango ako. He only smiled at me and my heart almost flipped with the way his lips stretched.

“I just want to try my luck. Snacks with me?”

Tama ba ang narinig ko? Inaaya niya akong magmeryenda?

“Anywhere you want. We can be in a fancy place or just somewhere simple. It’s up to you.”

Nangiti ako. “Lugar kung saan tayo kakain kaagad ang iniisip mo, hindi mo pa nga alam kung sasama ako sa’yo.”

He blinked his eyes a few times. The smile on his lips slowly faded. Tumungo siya, dinala ang kamay sa batok at marahan itong hinaplos na tila ba biglang nahiya. Mula sa pagkakatungo ay nag angat siya ng tingin sa akin habang kagat ang ibabang parte ng kaniyang labi.

“Sorry,” he mumbled, a small smile of embarrassment was etched on his lips.

Hindi ko alam kung bakit medyo napalakas ang tawa ko sa naging reaksyon niyang ‘yon. Huli na para maisip ko dahil sa klase ng titig na ipinupukol niya sa akin, partikular sa mga labi ko.

Biglang nakaramdam ng hiya dahil sa lantarang braces ko kapag tumatawa, mabilis kong itinikom ang mga labi ko. Gabriel must have noticed that I suddenly felt awkward for he arched his brow up and anchored his eyes on mine.

“Laugh often. Mas lalo kang gumaganda kapag... natural ang tawa mo.”

Alam kong mali ang kiligin pero hindi ko maiwasan. His words were something. Pakiramdam ko ay palagi akong hinehele at kinikiliti ng mga salita niya.

“Sa p-park malapit dito na lang tayo kumain... kung g-gusto mo lang naman.”

His teeth bit a tiny part of his lips and smiled. “Anywhere you want, Angelique.”

Sunshine On His Rainy Days (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon