Kabanata 25

6.9K 311 7
                                    


Kabanata 25

Madaling araw pa lang ay nagising na ako. Hindi ko nagawang makatulog nang maayos dahil naging abala ang isip ko kay Gabriel.

Totoong inihatid niya ako kagabi sa bahay kahit pa magkaiba kami ng kotse. Sa huli, bumaba ako at binuksan niya ang bintana ng sasakyan niya. Kumaway ako na sinagot niya lang ng tipid na ngiti at isang busina.

Tinatanong ko pa rin ang sarili ko kung ano ang ibig sabihin ng naging pag uusap naming dalawa kagabi. Ang katotohanan mula sa kaniya na hanggang ngayon ay may nararamdaman pa rin siya sa akin ay hindi ko pa magawang ipasok sa isip ko.

It feels truly surreal. Ilang taon kong ikinulong ang sarili ko sa imahinasyon na baka mahal pa rin ako ni Gabriel kahit pa matagal na kaming tapos. But then I thought that he's not the kind of man who would stuck himself in the past.

Oo at minahal niya ako. Naghiwalay kami at nakaabante siya. Gano'n kasimple. Kaya naman nang sabihin niya na may nararamdaman pa rin siya sa akin ay para akong inilutang sa alapaap.

Pero sa kabila no'n ay hindi ko magawang mag-alala para sa sitwasyon naming dalawa. Paano ang anak niya? Paano ang ina nito? Sinabi ni Gabriel na wala siyang nararamdaman para dito. Posible ba ang gano'n? Na may mangyayari sa inyo kahit hind mo siya mahal?

Just the thought of Gabriel having a feeling with her already gives me bitterness. Sana wala. Sana may nangyari lang pero walang nararamdaman.

Hindi ba at iyon naman ang sinabi ni Gabriel? Na wala siyang nararamdaman para doon sa babae. Kung mayroon man, hindi na kami aabot pa sa naging pag uusap namin kagabi.

Tahimik na nakadungaw sa bintana ng kwarto habang pinapanood si Mommy sa pagdidilig, napalingon ako sa direksyon ng kama nang marinig ang pagtunog ng cell phone ko.

Nilapitan ko ito at kinuha. It's a call from unknown number. Bahagyang nakakunot ang noo, sinagot ko ang tawag at itinapat ito sa may tainga ko.

"Hello?"

Ilang segundo ang lumipas bago nagsalita ang nasa kabilang linya.

"Hi."

My heart did a flip when I instantly recognized the voice. Napatuwid ako mula sa pagkakatayo saka humigpit ang hawak sa cell phone.

"G-Gabriel?"

"Did I wake you up?"

"Hindi! Kanina pa ako gising. N-Napatawag ka?"

Naalala kong kinuha niya ang numero ko kagabi bago kami umalis sa UP Sunken Park. Nawala na rin sa isip ko dahil sa dami ng inaalala.

"Maaga rin akong nagising. I was wondering if... I can ask you to go out with me for breakfast?"

May tunog ng pag aalinlangan sa boses niya na ikinatahimik ko ng ilang sandali.

"Are you sure? You sound hesitant." I let out a fake laugh.

I heard him sigh across the line. Silence reigned over us for the next couple of seconds. Bigla ko tuloy pinagsisihan na sinabi ko pa ang bagay na 'yon.

Pero wala naman masama sa sinabi ko, hindi ba? I just voiced out what I have in mind. Iyon naman talaga ang napansin ko.

"I am. Nag-aalinlangan ako yayain ka dahil baka hindi ka pumayag."

Tumungo ako at tipid na ngumiti. I looked at my fingers resting over my leg.

"Wala namang dahilan para hindi ako pumayag. Sabihin mo na lang sa akin kung saan at kung anong oras para makapag ayos na ako."

"Really?" He sounds happy.

"Yes. Wala pa naman akong gagawin kaya puwede tayong mag almusal sa labas."

Sunshine On His Rainy Days (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon