Kabanata 41

6K 236 9
                                    


Kabanata 41

Hindi ko maigalaw ang mga paa. Para akong isang robot na nawalan ng baterya. Maging ang isip ko ay tila hindi na gumagana.

Para saan ang paghingi mo ng tawad sa kaniya, Gabriel?

Bakit mo siya kailangan yakapin?

Bakit tila nalulungkot ka?

Nagsisisi ka ba? Sa anong dahilan?

Humigpit ang hawak ko sa  seradura ng pinto. My hands started to shiver as my palms became cold. Nanunuyo na rin ang lalamunan ko at ang bikil ay unti-unti nang humaharang.

"I'm sorry if I made you feel that I have something for you..." sabi ni Gabriel, nananatili pa rin nakayakap kay Hannah. "Maybe I did admire you. You are beautiful. But you also have to know that I'm so much in love with Angelique all throughout those years. Lalo na ngayon, Hannah. Now that she became my wife, my love for her only grow even more."

Hindi ko inasahan ang mga sinabing 'yon ni Gabriel. What I expected was he would tell her that he has feelings for her, too. Na baka tama si Hannah na higit pa sa isang gabing pagkakamali ang nangyari noon. Na baka may nararamdaman nga talaga at hindi lang masabi.

Dahil narito ako.

"When I first saw you, she was the only one who came across my mind. My Angelique looked very much like you when she was younger. Sa bawat babaeng nakasalamuha ko noon, siya lagi ang hinahanap ko. You are the closest to her, Hannah. Hinayaan ko ang sariling mapalapit sa'yo dahil gusto kong makasama siya kahit sa pamamagitan ng ibang babae. I was deeply broken when I lost her..."

Yumuko ako, hinayaan ang sarili na humagulgol sa tahimik na paraan. I can feel so much pain slashing every word that comes out of his lips. Hindi ko akalain... na hanggang ngayon, dala niya pa rin ang sakit mula sa nakaraan namin.

"Umasa ako na babalik pa siya sa kabila ng paulit ulit kong sinasabi sa sarili ko na baka hindi na. Na baka may sarili na siyang buhay kasama ang iba. Na baka kailangan ko nang umabante dahil hindi na siya babalik pa sa akin..." I heard how his voice almost crack. "Maaaring nagkagusto ako sa'yo. Pero nagustuhan kita dahil... nakikita ko siya sa'yo. Call me asshole or whatever you want for treating you like that but my love for that woman would never be replaced by anyone. Ilang libong babae man ang maging kamukha at katulad niya, nag-iisa pa rin siya. Ilang beses ko man siya makita sa iba, alam ko sa sarili ko na pagdating ng gabi, siya pa rin ang iikot sa isip ko... siya pa rin ang magmamay-ari ng puso ko."

Bahagya akong umatras. Hindi na mahabol pa ang hininga dahil sa sakit na nararamdaman. Nasasaktan ako para kay Gabriel. Dahil hindi ko inasahan na gano'n ang saloobin niya. Akala ko, ako ang mas higit na nasaktan nang maghiwalay kami.

"I'm sorry if the way I treated you before misled you today. Nagmahal lang rin ako, Hannah. At patuloy na nagmamahal sa iisang babae," patuloy ni Gabriel. "Noon hanggang ngayon... siya pa rin. Siya lang palagi."

Narinig ko ang muling paghagulgol ni Hannah. Nasasaktan, tila hindi matanggap ang mga salitang lumalabas sa bibig ni Gabriel.

"Kung wala kang nararamdaman para sa akin, bakit mo ako kailangan yakapin ng ganito?"

I lifted my head to look at them again through the tiny hole. Nakita ko kung paanong unti-unting pinakawala ni Gabriel si Hannah mula sa pagkakayap niya. Tinitigan niya ito sa mga mata. Hannah's eyes were already swollen.

"I hugged you because I am deeply sorry. I know at some point, I did wrong to you. But I'm begging you, please leave my marriage in peace. Please don't do anything to ruin us. Huwag mong gawin sa amin... ang ginawa mo kay Samael at Chloe. Huwag mo kaming sirain. Hindi kita hahayaan pero pakiusap, hangga't may respeto pa ako sa'yo..."

Gabriel shook his head and looked down. Huminga siya nang malalim, base na rin sa pagtaas-baba ng kaniyang dibdib. Nag angat siyang muli ng mga mata kay Hannah.

"I can't afford to lose her again. If you are doing this because of our son, I promise to be a responsible father to Hanniel. Hindi ako magkukulang sa bata. Just please never try to break us. Ang makitang nasasaktan si Angelique ang pinakahuling bagay na gusto kong mangyari."

Hindi ko alam kung bakit mas lalong naging masagana ang mga luha ko. Gusto kong mahiya sa sarili ko na pinag isipan ko nang hindi maganda si Gabriel. Oo at nagkagusto siya kay Hannah, dapat akong masaktan doon.  Pero ang marinig mula sa kaniya na paulit ulit niya akong hinahanap sa ibang babae, kasama si Hannah, ay sapat na para maibsan ang sakit na 'yon.

When he asked me to always trust him during our wedding vow, that he wouldn't do anything to hurt me, hindi ko inisip na may ganitong pangyayari ang susubok sa amin. Hindi ko masiyadong binigyan ng halaga, aaminin ko.

May tiwala ako... pero hindi ko akalain na kaaagd susubukin.

Tumungo ako, pinahid ang mga luhang wala nang tigil sa pagbagsak habang habol ang hininga. Bumukas ang pintuan. Nag angat ako ng tingin, malakas ang kalabog ng puso.

Nagtama ang mga mata namin ni Gabriel. Umawang ang labi niya, pansin ang gulat doon. I swallowed for I feel like my heart would explode anytime soon.

"Angelique..." he whispered.

Halos malukot ang mukha nang muling maramdaman ang pagragasa ng emosyon sa puso ko. Tumakbo ako palapit sa kaniya at walang salita siyang niyakap.

I don't know if I could still say anything right now. I've heard words that are too much to fonder. Masiyadong naghahalo-halo ang mga salita sa puso ko at hindi ko alam kung ano ang uunahin.

Ang yakapin siya ang tanging gusto ko mangyari... at tahimik na humingi ng tawad. Nagkamali siya sa akin pero sa paraan na hindi niya sinadya. Nagkamali rin ako dahil pinag isipan ko siya ng mali base na rin sa nakaraan nila ni Hannah.

Wala akong makitang dahilan, o makapang galit sa puso ko dahil harapan niyang sinabi kay Hannah ang totoo.

Yumakap si Gabriel pabalik sa akin — mahigpit at puno ng emosyon. Isiniksik niya ang mukha sa gilid ng aking leeg.

"Umalis na siya?" nanginginig ang boses na tanong ko.

Naramdaman ko ang pagtango niya. "I'm sorry. I didn't know she would come here."

"It's okay. You don't have to apologize. Sapat na ang mga narinig ko, Luke."

My hold against his body tightened. Mas lalo niyang isiniksik ang mukha sa gilid ng aking leeg.

Natuon ang mga mata ko sa gate. Dahil sa liwanag mula sa poste ay nagawa kong mahagip ng tingin si Hannah, nakatayo sa labas habang mariing nakatitig sa amin... sa akin.

We stared at each other for a little longer.

Mag-uusap tayo, Hannah. Babae sa babae.

--

Completed on VIP Spaces and Patreon. To those who want to avail the membership, kindly message Warranj Novels on Facebook.

Facebook: Angelica Gamit - Ignacio / Warranj WP

Facebook page: Warranj Novels

Patreon: warranj

Twitter: WarranjWP

Instagram: warranjwp

Sunshine On His Rainy Days (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon