Kabanata 45

6.9K 274 14
                                    



PLEASE REFRAIN FROM POSTING ANY UNNECESSARY COMMENTS SO THAT UPDATES WILL BE POSTED REGULARLY.

Kabanata 45

I stand in the main door, watching the car as the door opens. A little smile breaks out of my lips when I see his tiny feet stepping out of the passenger side.

I sigh.

I hope this is the new beginning for us. Maiintindihan ko kung hindi kaagad magiging palagay ang loob niya sa akin. Natural lang 'yon dahil hindi naman siya sanay na ako ang kasama niya. However, I won't stop showing him that I can also be a mother to him while his real mother... is still healing.

Kumalabog ang pintuan ng kotse. Hawak ang kulay asul na bag pack niya, tumingala siya sa kalakhan ng bahay. Halatang pinagmamasdan ito. Seryoso ang mukha niya, hindi naman mukhang iiyak.

Umikot si Gabriel sa gawi niya at iniabot ang kamay niya dito. Hanniel takes his hand as they start walking inside the backyard.

Nagtama ang mga mata namin ni Gabriel. He smiles at me. I smile back. Bumaba ang tingin ko kay Hanniel. He is already looking at me.

My heart races. My pulse starts to become aggressive. Hindi ko alam kung bakit kailangan ko makaramdam ng ganitong kaba dahil sa katotohanang dito na muna siya bahay mananatili. Siguro ay nag-aalala lang ako na hindi niya pa rin ako magugustuhan.

Pero sabi nga nila, huwag kang susuko para sa isang bagay na gusto mo makamit. Right at this moment, I only want a fair treatment from Hanniel. Hindi ako narito para palitan ang Mommy niya sa buhay niya. I am here to guide him, take care of him and love him will all that I have.

"Hi." Gabriel greets me and places a soft kiss on my cheek. "Kumain ka na?"

Tumango ako. "Nagising na rin ako pag-alis mo kanina."

Nagbaba ako ng tingin kay Hanniel na ngayon ay nakatingala sa akin. Ngumiti ako sa kaniya. I squat in front of him, my face leveling his.

"Good morning. Welcome to your new home."

Inaasahan ko nang hindi siya ngingiti pabalik sa akin. Kaya naman nang umunat ang mga labi niya para sa isang matamis na ngiti ay literal na nag-init ang sulok ng mga mata ko.

I have been waiting for this to happen. I have been wishing for this day to arrive. Na ngingiti siya sa akin sa kabila ng katotohanan na ako ang dahilan kung bakit hindi sila puwedeng magkaroon ng kumpletong pamilya ng mommy at daddy niya.

His smile means a lot to me.

"Good morning, Tita Angelique. Thank you for welcoming me."

I raise my eyes to look at Gabriel. He is smiling at me like he knows what I am feeling right now. Nagbaba siya ng tingin kay Hanniel at marahang ginulo ang buhok nito.

I look back to Hanniel. I bring my hand to his cheek and gently caress it. I waited for him to flinch but it did not happen.

Finally.

"Of course. You are always welcome here, Hanniel. I heard that you love pancakes so I cooked alot for you. You want to eat breakfast now?"

He nods. "Yes, please."

Iniabot ko ang kamay sa kaniya. Tiningnan niya 'yon, ilang sandaling nagtagal. Inakala kong mabibitin lang sa ere ang kamay ko nang sa wakas ay abutin niya 'yon.

He raises his eyes to meet mine. A ghost of smile roll over his lips.

Matunog akong ngumiti, ang puso ay halos umapaw na sa saya. Tumayo ako hanggang sa mag-lebel na ang mga mata namin ni Gabriel.

Sunshine On His Rainy Days (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon