Kabanata 10

6.7K 314 9
                                    

What he said only made me feel uncomfortable. Hindi ko inasahan na nagkaroon ng halaga at kahulugan sa kaniya ang araw na inalok ko siyang sumilong dahil sa malakas na ulan. I only did that because he has done good to me.

Dahil sa hiya, imbes na sagutin siya ay mas pinili ko na lang ang manahimik at panoorin ang pag uunahan ng mga butil ng ulan sa bintana ng sasakyan niya.

Umayos ako ng upo at umastang hindi mabilis ang tibok ng puso ko at kalmado kahit na ang totoo ay halos nagwawala na ito. Maging ang salamin ko sa mga mata ay inayos ko rin kahit na wala namang dapat ayusin.

It was then his dry chuckle bounced acrosss the roof of his car.

"You're tensed. I'm sorry."

Mabilis ko siyang nilingon. Sa daan siya nakatingin kaya naman hindi kaagad nagtama ang mga mata namin. I still had the chance to breathe out.

"You were saying?" tanong ko kahit na narinig at naintindihan ko naman ang sinabi niya.

I just don't want him to think that I really am. Masiyado ba akong halata? Wala naman akong ginagawa, ah.

He finally gave me a glance that I instantly regreted staring at him. Sana ay nag iwas na kaagad ako ng tingin at hindi na siya hinintay pang lingunin ako. Tuloy ay mas lalo akong kinabahan.

"I said you are tensed and I'm sorry."

Sunod-sunod ang iling ko. "Naku, hindi! I just really don't know what to answer."

I anchored my eyes beside me and heaved a sigh.

Hindi normal na may nagsasalita ng ganito sa akin lalo pa at mula sa isang estrangherong lalaki. Lumaki akong hindi nakikipag usap sa ibang tao lalo pa at mga lalaki lalo na at kung hindi naman importante.

I don't know how to socialize. I have no idea how to bond with other people. Kahit sa mga taong malapit nga sa akin ay hindi ako maalam sa tamang pakikisama. I am always labeled as the 'kill joy' in the family.

Kaya naman ang makarinig ng mga ganitong klase ng salita mula kay Gabriel ay literal na niyanig ang sistema ko. At kahit pa anong pilit ko sa sarili ko na kumalma ay hindi ko magawa.

"I'm just this expressive. I always say what I want..." he added but I stayed looking at the view outside. "I hope I won't annoy you."

Sa tingin ko naman ay hindi ako maiinis sa'yo o sa mga sinasabi mo. Hindi lang talaga ako sanay. At hindi naman ako dapat na masanay.

Malakas pa rin ang buhos ng ulan nang makarating kami sa tapat ng bahay. Nga lang, hindi ko inaasahan na maaabutan ko ang kotse nina Mommy na kahihinto lang rin at bukas pa ang head light.

Siguradong tanaw na rin nila ang kotse ni Gabriel. Sa ilang beses niya akong inihahatid, ni minsan ay hindi nalaman ng mga magulang ko ang tungkol doon. Hindi ko rin naman sinasabi dahil ayaw kong bigyan na lang ng kahulugan o malisya ang isang bagay na malabo namang mangyari.

Nilingon ko si Gabriel, unti-unti nang nagiging aligaga.

"Baba na ako. Thank you ulit sa paghatid mo sa akin. Ingat ka pauwi."

Hindi ko na siya hinintay pang sumagot. I was about to open the door beside me when I suddenly felt a gentle hold on my elbow. Nilingon ko si Gabriel at naabutan itong nakatitig sa akin.

"Umuulan, Angelique." salubong ang makakapal na kilay na aniya.

Tumango ako. "Nakikita ko."

His brows formed in a line even more. "At susuungin mo?"

Tumango akong muli. Umiling siya saka isang buntonghininga ang pinakawalan. Walang salita niyang bumitaw mula sa pagkakahawak sa aking siko at dumukwang sa backseat. I saw him get a black umbrella and opened the door beside him. Bago ko pa maibuka ang mga labi ko para magsalita ay binuksan niya na ang payong at bumaba ng driver's seat.

Sunshine On His Rainy Days (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon