Kabanata 15

6.3K 276 13
                                    

Namimilog ang mga mata ni Yaya Lena habang titig na titig sa akin na para bang hindi siya makapaniwala. Kung ibang tao lang siya ay siguradong nakaramdam na ako ng hiya at pagkailang.

“Aba at ano’ng nakain mo, Angelique? Hindi ba at ayaw mo sa ideya na ‘yan?”

Nagkamot ako sa aking sentido at tumungo sa mga kamay na magkahawak. Huminga ako nang malalim saka muling nag angat ng tingin sa kaniya. She was standing in front of me. Habang ako ay nakaupo sa gilid ng kama at seryoso lang siyang pinagmamasdan.

“I know, Yaya. Naisip ko lang na wala naman sigurong masama kung susubukan ko-”

“Aba’y wala naman talaga! Alam mo, hija, hindi ibig sabihin na mag aayos ka ay malandi ka na kagaya ng palagi mong iniisip. Mag aayos ka kasi dalaga ka na. Kasi pinapahalagahan mo ang sarili mo.”

Ngumiti ako, naiintindihan ang ibig niyang iparating.

“Pero nararamdaman kong may ibang dahilan kung bakit gusto mo bigla ang mag ayos.” dagdag niya pa.

Natawa ako. Maging siya ay gano’n rin. Alam kong mayroon nang naglalaro sa isip niya at wala pa man, aaminin kong tama siya.

“Dahil ba ito doon sa lalaking naghatid sa’yo dito sa bahay nung kamakailan? Gabriel ba ‘yon?”

Nahihiya man ay tumango ako at iniayos ang salamin sa aking mga mata.

“Nagsabi po kasi siya na liligawan niya ako, Yaya Lena.”

Her lips gaped open. Halata sa mga mata niya ang tuwa na para bang wala pa man ay sang ayon na siya dito.

“At pumayag ka?!”

I bit my lower lip and looked down my feet. Pigil na pigil ang ngiti, pinag angatan ko siyang muli ng tingin saka tumango.

She squealed and even placed her hands on her cheeks as if she’s watching her favorite teledrama.

“Dalaga na talaga ang alaga ko! Akala ko ay tomboy ka na dahil hindi mo hilig ang mag ayos at parang wala kang interes sa mga lalaki.”

Ngumuso ako. “Yaya naman. Mas gusto ko lang po talaga i-prioritize ang pag aaral ko pero hindi po ibig sabihin ay tomboy ako.”

Humagikhik siya at mataman akong pinagmasdan. I smiled at her and let my mind wander about Gabriel.

Nang sabihin niya sa akin na gusto niya ako... na gusto niya akong ligawan ay aaminin kong hindi kaagad ako nakaapuhap ng isasagot sa kaniya. I wasn’t ready for that confession. I wasn’t even ready for that truth. Ni minsan ay hindi ko hinangad na magustuhan ng isang katulad niya dahil alam kong malayo ako sa mga babaeng tipo niya pagdating sa pisikal na panglabas.

But despite my uncertainties, I knew in myself that I will let him court me. Dahil gusto ko rin siya. Dahil masaya ako kapag kasama ko siya.

I was fascinated by his kindness... by how caring and gentleman he is when it comes to me. Bago para sa akin ang lahat ng emosyon na nararamdaman ko at aaminin ko na gusto kong bigyan ng pagkakataon ang sarili ko na mas kilalanin pa siya.

“I want to go to your house and meet your parents again, Angelique. I want to ask for their permission first about courting you. Hindi ko sila puwedeng lagpasan.” those were the words he said that left a mark in my mind.

Hindi ko sukat akalain na maiisip niya pa ang humarap sa mga magulang ko para ipagpaalam ang bagay na ‘yon. Isa sa mga patunay na seryoso siya sa akin.

Sa kaba na nararamdaman ay sinabi ko na kaagad kina Mommy ang tungkol sa pagpunta ni Gabriel. They asked me the reason of that visit and I just told them he needs to tell them something.

Sunshine On His Rainy Days (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon