Kabanata 22

6.6K 278 15
                                    


Kabanata 22

Maaga akong nagising kinabukasan dahil may usapan kami ni Chloe na magkikita. Ang sabi niya ay ipapasyal niya ako sa ibang atraksyon dito sa San Vicente. Bago 'yon ay maliligo muna kami sa long beach dahil 'yon ang unang napagkasunduan.

"How are you there, anak? Are you enjoying your stay?" it's Mommy through our FaceTime.

Naglakad ako patungong veranda. Ipinakita ko sa kaniya ang dagat at ang papasikat na araw.

"The place is a paradise, Mommy. Kailangan n'yo po ito puntahan ni Daddy para makapag relax naman po kayo."

She chuckled. "I'll take note of that. Kapag pumunta kami diyan, gusto kong kasama ang buong pamilya natin. Ang Kuya Miles at Ate Natalie mo ay nasa France ngayon para magbakasyon."

Ibinalik ko sa akin ang tutok ng camera at ngumiti.

"That's nice. Kasama po nila si Nigel?" tukoy ko sa unang anak ni Ate Natalie sa ibang lalaki.

"Oo. Sabi ko nga iwan na lang dito para may mapaglibangan ako. You know that boy is very sweet."

Ngumiti ako. Mahilig talaga si Mommy sa mga bata. Kaya naman nang mawala si Atticus ay matindi rin ang naging epekto sa kaniya. Hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa nabubuntis ulit si Ate Natalie. Siya pa lang ang pag asa ni Mommy pagdating sa panibagong apo. Ako ay literal na malabo.

"May mga pasalubong po ako sa kaniya. Natanggap n'yo na po ba ang mga bagahe ko?"

"Yes, hija. They are already in your room."

Tumango ako. "Please open the pink luggage, Mommy. There are toys and chocolates for Nigel."

Natapos rin kaagad ang tawag ni Mommy. Nag ayos na ako at naghanda para sa pag alis. Isang plain white square collar loose mini white dress and suot ko. Tinernuhan ko ito ng puting strappy sandals at hinayaang nakalugay ang hanggang balikat kong buhok.

I wore a nude beach hat and slid my clear tote bag on my shoulder. Malapit lang ang rest house sa bahay ni Chloe kaya nilakad ko na lang. Kagabi ay niyaya niya akong doon na lang matulog dahil wala siyang kasama. Embry was with Samael in Manila.

Kapag naiisip ko na hiwalay na sila ay hindi ko maiwasan ang masaktan. Lalo pa sa kaalaman na may anak si Samael sa ibang babae. Oo at walang kasalanan ang bata sa mga pagkakamali ng magulang. Pero ang kaisa isang tanong lang doon ay bakit niya nagawa ang bagay na 'yon kay Chloe?

I still don't know Samael's side so I won't judge him. Ano pa man ang nagawa niya, wala akong karapatan na husgahan siya.

Ngumiti ako nang makita ang asul na ulap at magandang sikat ng araw. Matagal na rin simula nang makaligo ako ng dagat. Ilang taon na rin ang na rin ang nakalipas dahil masiyadong abala sa trabaho at wala ng oras para magliwaliw.

I was already nearing Chloe's house when I saw her standing in the main door while talking to someone whose back was facing me. Saktong pagtingin niya sa akin ay kumaway ako.

"Chloe! Let's go?" I said through an excited tone.

Tumingin sa gawi ko ang lalaking kausap niya. The smile on my lips instantly vanished the moment I saw Gabriel's face.

His mouth slightly dropped open upon seeing me. Sa ekpresyon ng mukha niya ay para bang hindi niya rin inaasahan na makikita niya ako. Maging ako ay gano'n rin naman. Who would have thought that after we saw each other several months ago, here we are again.

Nagsalita si Chloe dahilan para matuon doon ang atensyon ni Gabriel. Muli niya akong nilingon na para bang naniniguro siya kung ako ba talaga ang nakita niya.

Sunshine On His Rainy Days (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon