Kabanata 4

7.1K 382 10
                                    

Bakit siya narito? Is he with someone? Hindi ko napansin dahil mabilis na sulyap lang naman ang ginawa ko nang lingunin ko siya kanina. Baka nga may kasama siya. Ano naman ang gagawan niya dito mag isa kung sakali? Perhaps he’s into modeling?

I doubt that. Wala sa itsura niya ang mahilig sa mga ganito. He seems like a guy who’s more into cars. O, puwede rin na narito siya kasi... mayroon siyang nililigawan na isa sa mga models?

Whatever the reason why he’s here, Angelique, is basically none of your business.

Hindi ko na inintindi pa ang bulong ng isip at itinuon na lang ang atensyon sa harapan. The show was about to start in any moment and I can’t wait to see my brother walking in the runway.

Pero kahit na anong bulong ko sa isip na huwag lingunin si Gabriel ay hindi ko pa rin napigilan. I still turned my head to his direction and looked at him. Kagaya kanina, muling nagtama ang mga mata namin.

Ngunit agad rin akong nagbawi nang makita ang pagbulong ng babaeng katabi niya sa kaniya. Saka ko lang napagtanto na may kasama nga siya. Na ang isang kagaya niya ay imposibleng magtungo mag isa dito.

“Ayan na! Start na! Excited akong makita si Miles!”

“Ako rin! Lahat talaga ng fashion show ay pinuntahan ko at wala akong pinalagpas. Sana makapagpa picture tayo sa kaniya.”

“Suplado daw ‘yan sabi nila. Baka walang chance.”

“Malay mo naman! Try natin mamaya sa back stage o kaya abangan natin sa labas.”

Lihim akong napangiti nang marinig ang usapan na ‘yon sa likod ko. Hindi na bago sa akin kapag nakakarinig ng mga papuri tungkol kay Kuya Miles. I know how girls adore him. Madalas sa bahay ay may mga dumadating na regalo at love letters mula sa mga fans niya.

Nag iba ang tugtugin, mas lalong naging agresibo. Nag umpisang lumabas ang mga babae mula sa back stage. They were wearing different denim jeans. Bra at racer back ang pang itaas nila, litaw ang halos lahat ng balat. However, they still look beautifully sophisticated.

Lumakas ang hiyawan nang huling lumabas si Kuya Miles. With his tall height and toned body, he grazed the runway with cold and ruthless expression. He was barefooted while wearing a dark denim cuffed jeans. It was semi fitted that hug his firmed thighs.

Wala siyang kangiti ngiti at diretso lang ang tingin. Mukha talagang masungit si Kuya Miles kahit saang anggulo tingnan. Kaya naman madalas isipin ng mga taong humahanga sa kaniya na suplado siya dahil totoo naman.

Pumalakpak ako nang nasa mismong harapan ko na siya. Nagbaba siya ng tingin sa akin. Malawak akong ngumiti sa kaniya. Umangat ang sulok ng labi niya.

“Omg! Did you see that? Nginisian ni Miles ‘yung babae sa harapan niya!”

“That girl? Baka namalikmata ka lang! Imposibleng ngisian ni Miles ‘yan!”

Imbes na mainis sa muling usapan sa likod ko ay natawa na lang ako at ngumiti sa kapatid ko. He turned around and walked back to the stage. Hindi ko alam kung ilang balik ang gagawin nila. Ayos lang kahit matagal. I’m enjoying the show anyway.

Wala sa sariling tumingin ako sa gawi ni Gabriel. Nakasandal ito sa upuan, busangot ang mukha habang nakatuon ang siko sa arm rest at pinaglalaruan ang labi niya.

He was also looking at me. Again.

Bakit sa tuwing titingin ako sa’yo... naaabutan kitang nakatingin rin sa akin?

Huwag mong bigyan ng malisya, Angelique.

Hindi ko binibigyan ng malisya. Nagtataka lang ako. Alam ko naman na ang mga kagaya niya ay hindi ako mapapansin. Maaaring papansinin... pero para laitin.

Sunshine On His Rainy Days (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon