Kabanata 40

6.3K 228 16
                                    


Kabanata 40

Hanggang sa makauwi kami ng Pinas ay baon ko pa rin ang ngiti buhat sa masasayang ala-ala namin ni Gabriel sa Milan. A week of staying there isn't enough.

I was right when I told him that I would be having the separation anxiety once we leave the place. Bago tuluyang lumipad ang eroplano ay tinitigan ko pa ang airport nila.

That very moment, Gabriel wanted us to stay a little more but I refused. Alam kong sa una ko lang 'yon maramdaman. I have been into many countries but Milan left a special place in my heart.

Siguro... dahil na rin iyon ang unang bansa na napuntahan ko na kasama si Gabriel. That country became our sweet escape from the painful reality we're in. Sandali kaming nakatakas. Panandaliang naging masaya.

Pero walang permanente sa mundo. Hindi puwedeng habang buhay na masaya. Kakailanganin pa rin bumalik sa reyalidad gaano man 'yon kahirap. Gaano man kasakit. You can't just run from it all throughout your life.

"Milan suits you, hija. Mas lalo kang gumanda."

I smiled at Mommy as soon as she welcomed me with a warm hug. Sa gate pa lang ay sinalubong niya na ako. Sinabi ko kay Gabriel na dito na muna ako sa bahay magpapalipas ng araw. Para na rin maipamigay ko ang mga pasalubong para kina Kuya Miles at sa pamilya niya.

Besides, he will be very busy today and in the days ahead. Maraming trabaho ang naiwan sa kumpanya nila. Samael also needs him mostly that they are the one leading their company.

"Thank you, Mommy. It is really a good place. Tama po kayo nang sabihin niyong malulungkot ako oras na lisanin na namin ang lugar na 'yon."

Her lips stretched a smile. Hinila niya ako paupo sa couch sa tabi niya at hinaplos ang pisngi ko.

"I told you. My heart was also broken when your Dad and I left that country. It's been decades since we went there. Masarap siguro balikan."

"Magbakasyon naman po kayo ni Daddy. You two really need that since he's too engaged with work."

"I know right. Mabuti na lang at ang kapatid mo ay hands on na rin sa mga kumpanya natin at tumigil na sa pagmomodelo. May nakakatulong na ang Daddy mo."

Ayaw na rin naman kasi ni Ate Natalie na ipagpatuloy pa ni Kuya Miles ang pagmomodelo niya. Lalo pa at kahit ngayon na mag-asawa na sila, hindi pa rin humihinto ang mga fans ni Kuya sa pang-iinsulto sa kaniya. The showbiz world can't accept her for my brother which I really find rude.

"Are we going to expect a grandchild from you, honey?" Mommy snapped me out from my thoughts.

I giggled, my cheeks suddenly flushed.

"I hope so, Mom."

Kahit pa close kami ni Mommy, hindi ko pa rin kaya ikuwento sa kaniya ang mga pribadong bagay na ginagawa namin ni Gabriel kapag kaming dalawa lang. I honestly don't like sharing stories.

"We are having a problem at the main office and Samael is already losing his cool."

Tinitigan ko si Gabriel na pagod na sumandal sa swivel chair niya habang minamasahe ang mga sentido at pikit ang mga mata.

Halata ang pagod sa kaniya at kung may magagawa lang sana ako para mawala 'yon kahit papaano, hindi na ako magdadalawang isip pa.

He unlocked his eyes and glanced at me through the screen.

"Kumain ka na?" tanong niya.

Tumango ako. "It's already two in the afternoon, Luke. Don't tell me hindi ka pa kumakain ng tanghalian?"

Sunshine On His Rainy Days (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon