Kabanata 35

6K 230 14
                                    


Kabanata 35

Pinanood ko si Mommy habang pinagmamasdan niya si Gabriel. Pity run through her eyes. Maging si Daddy ay pansin ang awa para sa lalaking mahal ko.

"I'm sorry if I failed you. Please believe me that it's never my intention to hurt your daughter. Never it will be."

Tumungo ako, pinagsalikop ang mga kamay sa ibabaw ng aking hita.

"You never failed us, Gabriel. Naiintindihan namin ang saloobin mo no'n kung bakit kayo humantong sa naging paghihiwalay n'yo ni Angelique. It was also her choice not to tell you about her pregnancy. Inirespeto lang namin 'yon." sabi ni Mommy.

"May mga pagkakataon na iniisip ko kung tama bang pinalayo kita sa anak ko, Gabriel," si Daddy na ikinaangat ko ng tingin sa kaniya. "Maaaring tama dahil kung ipagpapatuloy n'yo ang relasyon noon sa kabila ng katotohanang labag ito sa kalooban mo, baka mauwi rin sa hiwalayan ang relasyon ninyong dalawa..."

Umiling si Daddy, tila dismayado. Ni minsan ay hindi ko siya kinompronta kahit pa matagal ko nang alam ang tungkol sa pagpapalayo niya kay Gabriel noon. Hindi ko kinuwestyon ang pagdedesisyon niya para sa akin dahil alam kong ginawa niya ang alam niyang makabubuti para sa akin.

"But I can't still help but to feel disappointed in myself whenever I remember what kind of pain Angelique went through when she lost Atticus,"

Hinubad ni Daddy ang salamin niya at pinahiran ang gilid ng mga mata gamit ang hinlalaki dahil sa luhang sumisilip. He put his eyeglasses back and look into Gabriel's eyes.

"Kung sana hindi ko hiniling sa'yo na layuan muna si Angelique noon, kung sana ay tinanggap ulit kita para sa kaniya, sana ay nagawa mo siyang aluin nung mga panahong alam namin na ikaw lang ang makakapagpatahan sa kaniya..." Nagpakawala si Daddy nang malalim na buntonghinga. "Sana ay nagawa mong mahawakan si Atticus kahit na sandali lang."

"You don't have to feel regretful with your decision, Papa. What you did was just right. Angelique fulfilled her dream and that's something you should be proud of," Gabriel smiles and anchore his eyes on mine. He grabs my hand and hold it. "Even without me by her side, she still managed to face and overcome the trials. I'm proud of her."

Ipinatong ko ang isang kamay sa magkahawak na naming mga kamay at ngumiti sa kaniya.

Sinabi niya sa akin na gusto niyang makausap ang mga magulang ko. I was thinking at first why he wanted to talk to them. Saka ko na lang nalaman ang sagot nang makaharap na namin ang mga ito.

Mas lalo kong napatunayan na mahal niya ako nang higit pa sa mga salita niya. Hindi lahat ng lalaki ay kayang humarap sa mga magulang ng isang babae para lang humingi ng patawad para sa isang pangyayari na wala naman siya kasalanan.

Paulit ulit siyang humihingi ng tawad sa akin. Sa kawalan ng presensya niya sa buhay ko nung mga sandaling mag-isa akong humaharap sa mga sakit na dulot ng pagkawala ni Atticus. Pero palagi ko rin sinasabi sa kaniya na wala siyang kasalanan.

I hope he gets to understand that soon. Ayaw kong sinisisi niya ang sarili niya para sa isang bagay na wala naman talaga siyang kinalaman. Blaming himself won't bring our son back.

"Do you feel better?" I ask while we're in the bed.

Nagyaya si Mommy na dito na kami mananghalian. Pumayag kami dahil wala namang trabaho si Gabriel ngayon.

I am caressing his soft black hair. His head is resting on my lap. Habang ako ay nakasandal ang likod ng ulo sa headrest ng kama.

"Yes. Now that I had the chance to talk to your parents and told them I how truly feel, it's somehow relieving."

Sunshine On His Rainy Days (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon