Kabanata 20

6.6K 281 8
                                    

Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ngayong nasa harapan ko na siya. I have been wanting this to happen - to see him again and look into his eyes because after all the heartaches I had to deal before, I am still in love with him.

Pero bakit pakiramdam ko ay hindi pa ako handa sa pagkikita namin? O baka mas tamang sabihin na hindi ko inaasahan na kaagad kaming magkikita at sa ganitong pagkakataon pa. I don’t even think that I am ready to tell him about the truth.

That once upon a time, we have Atticus.

I was the first one who avoided his eyes. Tumungo ako at pilit na kinalma ang sarili. Huminga ako nang malalim at nag angat ng tingin para tingnan si Samael. He was also looking at me. Nagkakatitigan kami na para bang sinasabi niya sa akin na sabihin ko na ang totoo pero isang iling lang ang ginawa ko.

“M-Mauuna na ako, Samael.”

Isang tango lang ang isinagot niya. Iniwasan ko tumingin sa gawi ni Gabriel at naglakad patungong entrada. Dahil naroon siya mismo ay kakailanganin ko pa siyang daanan at sa sitwasyon namin, mahirap na ‘yon para sa akin.

Muli akong tumango nang papalapit na ako sa kaniya. My heart ached when his manly perfume suddenly attacked my nose. It’s amazing to think that simple things like this can already bring you back to those good old times.

“What’s your perfume?” I asked one time we’re at the cinema to watch the new release from Marvel’s.

“Dior, I think. Why? Don’t you like the smell?”

Mula sa pagkakahilig sa balikat niya at tiningnan ko siya.

“Are you kidding me?” I smiled. “I actually love the smell, Luke. Wear it everytime we’re together. Gusto ko palaging maamoy sa’yo iyan habang tayo pa.”

His face suddenly held a frown as he glanced at me. Lalo tuloy naging matalin ang mga mata niya. Pero aaminin ko na mas lalo siyang nagiging gwapo sa paningin ko kapag nakasimangot siya.

“Habang tayo pa? Do you have plans on leaving me, Angelique? Perhaps, breaking up with me?”

Natawa ako. “Wala, ah! Naisip ko lang dahil siyempre mga bata pa tayo at hindi pa sigurado sa isa’t isa-”

“Bata? Bata pa tayo sa edad na ito?” Natawa siya, may halong pang aasar. “I wonder what age you consider as old.”

Ngumuso ako. Alam ko namang nasa tamang edad na kami para sa isang relasyon na pang matagalan pero nag aalala pa rin ako na baka makakilala pa siya ng iba. Iyong mas higit sa akin. Masakit man pero kung sakaling mangyari ‘yon, wala naman akong magagawa.

“No matter what age, Angelique, I will always be sure about you. Always.”

Mariin akong pumikit, gustong mainis sa sarili na sa dami ng pagkakataon na puwede kong maalala ang senaryo na ‘yon sa pagitan namin ni Gabriel noon, ngayon pa talagang malapit siya sa akin.

Pasimple akong sumulyap sa kaniya. I found him staring at the ground, defined jaw clenching tight. Mabilis akong nagbawi ng tingin at dumiretso na ng lakad patungo sa kotse ko.

Sinubukan kong abutin ng tingin ang distansya ng kinaroroonan ni Atticus. Gusto ko pa sanang bumalik doon at bantayan pa siya kahit na sandali pero dahil narito si Gabriel ay mukhang imposible ‘yon.

Alam kong nangako ako sa kaniya na ipapakilala ko siya sa ama niya pero hindi ito ang tamang pagkakataon para doon.

Ito ang unang beses na nagkita kami ni Gabriel matapos ang kulang sampung taon. We are not even in good terms. Naghiwalay kaming masama ang loob niya sa akin. Pero kung nakaabante na siya, malamang ay napatawad niya na ako kahit pa... wala naman talaga akong ginawang mali sa kaniya.

Sunshine On His Rainy Days (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon