Kabanata 43

6.4K 249 14
                                    


Kabanata 43

Pain squeezed my head as soon as I felt my consciousness come back to life. Marahan kong idinilat ang mga mata, sapu-sapo ang ulo. My vision is still blurry but I can see that I'm in a place surrounded by white walls.

"Angelique? Oh my god, honey!"

I slowly turned my head to the right side when I heard that familiar voice of my mother. She is standing beside me... or to the bed where I am lying.

"M-Mommy..." my voice was gruffy from sleep.

Gaano katagal akong natulog? At saka, nasa hospital ako. Ano'ng nangyari? Paano ako napunta dito?

Sa pagkakatanda ko, nagpunta ako sa bahay nina Hannah para kausapin siya. We did talk. I even found her hurting Hanniel. At pagkatapos noon... nalaman kong mahal niya si Gabriel.

Nag-usap kami. Pero sa huli, kinuha niya ang flower vase na nasa tabi niya at inihampas sa ulo ko.

Hanggang doon lang ang naalala ko.

"Dahlia, hija, how are you feeling?"

Tiningnan ko ulit si Mommy. Worry etched on her eyes while caressing my cheek.

"What happened, Mommy?"

"You got hit in the head, anak! Mabuti na lang at hindi maraming dugo ang nawala sa'yo!" histerikal ang boses niya, rinig ang matinding galit sa kabila ng malambot na ekpresyon ng kaniyang mukha. "Hindi ko alam ang magagawa sa babaeng 'yon kung may mas malalang nangyari sa'yo!"

Sinubukan kong ilinga ang mga mata. Dalawa lang kaming naroon. Sa mga sagot niya, alam ko na alam niya na kung ano ang nangyari sa akin.

"How did you find out, Mommy? Si Gabriel po, alam niya na ba?

"He is actually the one who brought you here."

"Paano niya po nalaman?"

Hindi niya na nagawa pang sagutin ang tanong ko nang marahas na bumukas ang pintuan. Kuya Miles' face filled with rage greeted us. Sa likod niya ay si Daddy at Ate Natalie.

"What the fuck happened to you?" my brother's voice thundered across the walls.

"Miles, calm down." awat sa kaniya ni Ate Natalie.

Hindi siya nito nagawang pigilan. Nagtuloy tuloy ang paghakbang niya palapit sa akin. I swallowed when I saw the storm in his eyes like he's ready to ruin everything that will go against his way.

Huminto siya sa gilid ng kama. His hawk like eyes scanned me. Huminto ang mga mata niya sa ulo ko. His jaw clenched, eyes became sharper and intense.

"Who did this to you?"

My lips trembled as my eyes welled up with tears. "K-Kuya..."

Itinuon niya ang mga kamay sa bakal sa gilid ng kama ko at tumungo. Mariin siyang pumikit. The veins on his knuckles were already showing for he is gripping the bedrail too tight.

"Buong buhay ko, Angelique, prinotektahan kita. Ayaw na ayaw kong masasaktan ka. It's still the case until now. Whoever did this to you won't get away with this..." he was obviously gritting his teeth while saying those words. He raised his head and looked at me through his bloodshot eyes. "Kaya sabihin mo... sino ang gumawa sa'yo niyan?"

Nag-iwas ako ng tingin at tahimik na lumuha. I anchored my eyes on the white wall in front of me. There was a Mama Mary portrait hanging in there.

I had to bite my lips to suppress myself from crying. Pero kahit anong pigil ko, ramdam ko pa rin ang kagustuhang  sumabog ng dibdib ko.

Sunshine On His Rainy Days (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon