Kabanata 12

6.2K 301 20
                                    

Hindi ko maarte pagdating sa pisikal na itsura ko. Kahit pa naging tampulan ako ng panunukso ng mga tao sa university ay wala ‘yong naging epekto sa akin. Pero sa unang pagkakataon, gusto kong mag ayos ng mukha. Kaya lang... wala na akong oras para doon dahil mahuhuli na ako sa klase.

Bukas na lang siguro.

“I have some minor subjects to attend to. Sa university po ako magpapahatid ngayon.” sabi ko kay Mang Arturo nang makababa ako sa sala.

Wala na sina Mommy at Daddy. Kanina sa kwarto ay nagpaalam sila sa akin na may meeting na kailangan daluhan at gagabihin ng uwi.

“Sige, Ma’am Angelique. Nakahanda na po ang sasakyan-”

“Ako na po ang maghahatid sa kapatid ko, Mang Arturo.”

Sabay kaming napatingin sa may hagdanan nang marinig ang boses na ‘yon. A smile blossomed in my lips when I saw Kuya Miles climbing down the stairs.

“Kuya!”

Pumihit ako patungo sa gawi niya at sinalubong siya ng yakap. He chuckled and wrapped his arms around my back.

“Miss me?” he asked.

“Of course, Kuya. You have been away for weeks. Kailan ka pa nakauwi?”

Tiningala ko siya at nginitian. Ilang linggo na siyang abala sa projects niya sa iba’t ibang lugar. Ang sabi ni Mommy ay sa laptop na lang rin nakakapag trabaho itong si Kuya Miles pagdating sa family business namin. We did FaceTime and the last time we had a conversation, he was in Batangas.

“Kaninang madaling araw lang. Are you already late for school?”

Tumungo at tiningnan ang wrist watch. “Yes, kuya. Bakit?”

“I was thinking of eating breakfast with you outside. Next time na lang. Let’s go?”

“Bawi ako after duty, kuya. My treat!”

Humalakhak siya at inakbayan ako. Sabay naming tinunton ang main door at kinawayan si Mang Arturo na nakatingin sa amin.

Pagkasakay ng kotse ay kaagad binuhay ni Kuya Miles ang makina. Nilingon ko siya at pansin ang sigla sa mga mata niya. My brother is really handsome in a ruthless way. Kahit na nakangiti ay pansin ang bagsik at dilim sa mga mata niya. His dark features, I guess, is the main reason why he is the top model here in the Philippines. Maging sa abroad ay nagsisimula na rin siyang gumawa ng pangalan.

“May girlfriend ka na ba, kuya?”

Mula sa daan ay salubong ang mga kilay niya akong nilingon. A deep chuckle escaped his throat like the question I just threw out was funny.

“Girlfriend?” ulit niya habang natatawa. “Where did you get that idea, Angelique?”

Ibinalik niya ang atensyon sa daan. Maging ako ay gano’n rin ang ginawa. Nagkibit balikat ako.

“You just look different today. Parang may something. Wala pa rin ba? Ayaw mo pa rin magseryoso, kuya?”

Hindi siya kaagad sumagot kaya naman sinqulyapan ko siyang muli. He was biting his lower lip, a ghost of smile was there.

“I don’t have a girlfriend,” he said. “But I do like someone.”

“Oh! Co-model? Perhaps, a business colleague?”

Muli siyang natawa saka umiling. Inabot niya ang ibabaw ng ulo ko at walang tinginan ‘yong ginulo.

“I’ll tell you one of these days. ‘Bout you? Heard you had a visitor last night.”

Sunshine On His Rainy Days (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon