Kabanata 23

6.7K 289 25
                                    


Tuluyan na akong hindi nakagalaw sa kinatatayuan ko kahit pa gustong gusto ko na ang umatras palayo sa kaniya. Gulong gulo ang utak ko para sa mga nakikita at naririnig.

Who is this little boy in Gabriel's life? Why is he calling him Daddy? Ano'ng ibig sabihin? Na ama niya si Gabriel? May p-pamilya na siya? Hindi ba ang sabi ni Samael ay wala pang babaeng pinakakasalan ang pinsan niya?

Paanong nangyari?

He really was the boy I saw twice in Boston. If I remember it correctly, he was with Rayver and I when we rode in the elevator. At kung tama ang pagkakatanda ko, may kasama siyang babae na tinawag niyang Mommy. Does it mean that the girl he's with is Gabriel's w-wife?

Ang maisip pa lang na may sarili na siyang pamilya ay tila ba libo libong punyal ang bumaon sa puso ko. Noon pa man, inihanda ko na ang sarili ko sa posibilidad na ito pero ngayong harap harapan ko ng nalaman ay ramdam ko ang panghihina ng mga buto ko sa tuhod. Para akong nauupos na kandila.

"Daddy, she's the pretty doctor I met when we're in Boston! She's very kind, too!"

Bumaba ang mga mata ko sa bata na nakangiti habang nakatingin sa akin. Kaya pala pamiyar ang mga mata niya, kasi iisa lang sila ng mga mata ni Gabriel. Iisa lang ang mga mata nilang tatlo ni Atticus.

"Hi, doctor!" the boy snapped me out of spacing out.

Pinilit kong ngumiti sa kaniya at kumaway. "H-Hello!"

Muli kong tiningnan si Gabriel. He was staring deeply at me, bones on his jaw moving as if he was clenching his teeth hard.

I tried to smile at him, too. But then it was useless for his expression remained stoic.

"What are you doing here?" he asked.

Wala akong makitang emosyon sa mga mata niya. Gusto kong isipin na galit siya dahil sa tono ng boses niya pero wala namang dahilan para magalit siya sa akin sa mga oras na ito.

"I'm with s-someone..."

Yumakap ang batang lalaki sa binti niya. Nagbaba akong muli ng tingin dito. He was looking innocently at Gabriel.

"Do you know him, Daddy?"

Gabriel's adam's apple moved up and down and glanced down him. Everytime he calls him daddy, I can't help myself but to imagine Atticus holding him that way.

Siguro, kung nasa ganitong edad niya rin si Atticus at nagawa ko siyang ipakilala kay Gabriel, siguradong magiging magkalapit rin silang mag ama lalo na at magkamukha sila. If only our son's still alive, he would have been ten years old right now.

"Yes. Daddy knows her..." Gabriel answered and anchored his eyes on mine. "Too well."

Kahit nakakaramdam ng kirot sa dibdib ko ay muli akong ngumiti sa kanila.

"Your c-child?" I asked.

Hindi ko na dapat pa itinanong 'yon dahil malinaw naman na ang sagot. I just want to hear it from him. Masokista na nga ata ako. Gusto ko palaging sinasaktan ang sarili ko.

A couple of seconds had passed and he was just staring at me as if he didn't hear anything from me. Kaya naman nang tumango siya, tumungo ako at pumikit nang mariin.

Tears were already threatening to burst out of my eyes. Pigil na pigil ang paghinga ko. Maging ang kagustuhan kong umiyak sa harapan niya ay pilit kong iniignora.

Sa halip ay pasimple akong humugot ng hangin at nag angat ng tingin sa kaniya.

"I see. I'll go a-ahead."

Tumalikod na ako.

"Angelique..."

It made me stop. I turned my head to his direction and saw him looking softly at me.

Sunshine On His Rainy Days (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon