Kabanata 1

9.9K 363 44
                                    

Kabanata 1

Rain

I was blinded by the head light from a car approaching my direction. Gamit ang likod ng aking palad, pinunasan ko ang basang pisngi hanggang sa tuluyan nang huminto ang itim na SUV. 

The window suddenly rolled down. Napaayos ako ng tayo nang makita ang mukha ng kapatid ko. Nagsalubong ang mga kilay niya nang hagurin ako ng tingin at magtagal sa dulo ng palda ko kung saan pumapatak pa ang  tubig mula sa swimming pool.

His eyes became more dark and perilous when he looked at me. Bumaba siya mula sa driver’s seat, lukot na lukot ang mukha.

“What happened to you, Dahlia Angelique?” his voice was deep and angry.

Umiling ako. “I’m fine, kuya. N-Nagkatuwaan lang po sa party kaya-”

“You wouldn’t cry if you’re just having fun. Who did that to you?”

Hindi kaagad ako nakasagot. Asta siya lalagpasan na ako nang mahigpit ko siyang hawakan sa braso at pigilan. Galit niya akong nilingon.

“Please, kuya. Just let them. Umuwi na po tayo dahil nilalamig na ako.”

Nagtagal ang tingin niya sa akin. Tumungo ako at ibinagsak na lang sa lupa ang atensyon. Sa tuwing nakikita na ganito ang ekpresyon ni Kuya Miles, hindi ko maiwasan ang makaramdam ng takot. For me, he has the most expressive eyes I have seen in my whole life. Kapag galit, galit rin ang mga mata niya. Kapag masaya, nakangiti rin ang mga ito.

Only that he seldom smiles. Masiyado siyang seryoso sa buhay at bihira kung ngumiti. Despite his cold attitude, he is very kind and caring towards me. But he is becoming really evil whenever he finds out that someone’s trying to step on me. Masiyadong maiksi ang pasensya niya na kahit sina Mommy ay hindi siya magawang pigilan kapag mainit ang ulo niya.

But then... I can say that he only listens to me. Pero minsan ay hindi rin lalo na kapag gusto niyang bigyan ng leksyon ang mga taong dumadarag sa akin.

Nag angat ako ng tingin sa kaniya at naabutan siyang masama ang tingin sa akin. He breathed a frustrated sigh and placed his hand on my shoulder. Marahan niya akong kinabig patungo sa kotse niya at pinagbuksan ako ng pintuan sa passenger seat.

I went inside. My body instantly shivered as soon as the cold breeze of the car’s air conditioner blasted on my skin. Kaagad kong pinatay ‘yon.

Kumalabog ang pinto pagkapasok ni kuya.

“Why did you attend to that party, Angelique? At ano’ng mayroon diyan na kailangan mo pang pumunta? Why did our parents even let you come here!” sunod-sunod na tanong niya, bahagyang nakasigaw.

Muli akong tumungo, ramdam ang kirot sa puso ko sa dinanas na kahihiyan kanina sa harap ng maraming tao.

“It’s my friend’s birthday, kuya. She invited me that’s why I’m here.” sagot ko, nakatungo pa rin at hindi siya pinag aangatan ng tingin.

“A friend? Ni hindi ka man lang inihatid dito sa labas?”

She didn’t even help me when I fell in the pool area, kuya. But that’s fine. Maybe she’s just too drunk to even understand what happened earlier.

“Huwag ko lang malaman, Angelique, na napagdiskitahan ka kaya ganiyan ang ayos mo.”

May pagbabanta ang tono ng boses niya dahilan para matahimik ako. Nahagip ng mga mata ko ang gate kung saan may isang lalaki ang lumabas roon. Nasa kotse ang atensyon niya at nasisiguro ko na siya ‘yong lalaki na gusto akong tulungan umahon sa swimming pool kanina. He was also the guy who kept on giving me intimidating and awkward stares.

Sunshine On His Rainy Days (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon