Kabanata 13

6K 211 13
                                    

Halos sabay na gumarahe ang kotse namin ni Rayver pagkarating sa basement ng ospital. Busangot ang mukha niya nang makababa mula sa driver’s seat.

Natawa ako. “Sabi ko naman kasi sa’yo huwag ka masiyadong maglalasing. Mabuti na lang at wala kang operasyon ngayon. Wala nga ba?”

“Wala. Puro check up lang ako today. Mas gusto ko umuwi at matulog ngayon, Angelique.”

Hating gabi na kami nakauwi mula sa birthday ni Ayen. Kung hindi ko pa siya inawat ay hindi pa siya titigil sa kakainom. Iisang kotse lang ang dala namin at dahil lasing siya, sa bahay ko na lang rin siya pinatulog.

Huminga ako nang malalim saka isinara ang pinto ng kotse ko. He was leaning against his red car while massaging the side of his head.

“Let’s have coffee. My treat! Dinalahan rin kita ng gamot sa hang over kaya mamaya lang ay magiging maayos na ang pakiramdam mo.”

Nag angat siya ng tingin sa akin at lumabi. “What am I gonna do without you, friendship? Hulog ka talaga ng langit sa akin.”

I shook my head and smiled. Nagsimula na akong maglakad na kaagad naman niyang sinabayan. Sa entrada pa lang ay marami ng bumabati sa amin na mga nurse at ilang doktor rin. Mabuti na lang at dito ang duty ni Rayver ngayon. Minsan kasi ay nasa kabilang siyudad siya naka duty.

“Ang baba talaga ng tolerance ko pagdating sa alak,” ungot niya habang papasok kami ng elevator. “Kung may boylet lang sana ay baka hindi ako nalasing.”

Natawa ako bago pinindot ang 15th floor kung saan naroon parehas ang kwarto namin sa pagki-clinic.

“May lalaki ka man na kasama o wala, malalasing ka pa rin. Feeling ko nga mas maaga kang malalasing kung may kasama ka kagabi. At baka mag isa pa akong umuwi.”

He giggled like he already knew whatever I was talking about. Muli akong ngumiti nang natatawa at hindi na sumagot pa.

“Ba’t hindi ka na kasi mag jowa? I mean, ang daming nagkakagusto sa’yo. May business man, may mga doktor rin at mga bachelors talaga!”

Bumuntonghininga ako. “Wala pa sa isip ko ‘yan, Rayver.”

Humagalpak siya ng tawa. “Teen ager lang, bes? You will turn thirty next month! Mawawala ka na sa calendar. Don’t tell me you are still expecting to be with Gabriel?”

Wala sa sarili ko siyang tiningnan. “Kahit naman umasa ako, imposible naman, hindi ba? Who knows he already has a family.”

“Don’t jump into conclusions! Why don’t you make the first move and communicate with him after of so many years?”

Umiling ako at nag iwas ng tingin. Itinuon ko ito sa harapan habang pinapakiramdaman ang pamilyar na pait sa puso ko.

“I won’t do that. Iniwan ko siya, Rayver, para sa pangarap ko. Alam ko na matindi ang galit niya sa akin. I always wish the best for him... for his life. Even though I will never be part of it anymore.”

Isang marahas na buntonghininga ang pinakawalan niya. Sinulyapan ko siya at tipid na ngumiti para ipakitang ayos lang ako. I should be alright. It’s been almost a decade since we parted ways and there’s no reason for me to act like we happened just yesterday.

Pero sino ba ang niloloko ko? Hindi ba at kaya nga wala pa rin akong lakas ng loob makipagrelasyon ay dahil mahal ko pa rin siya?

“First love never really dies, huh?” natatawang sabi ni Rayver.

Maging ako ay natawa rin sa tinuran niya pero mas pinili na lang ang manahimik. Sa tuwing mapapag usapan namin si Gabriel, awtomatikong bumabalik sa isipan ko ang lahat ng ala-ala namin. Mga ala-ala na walang sawa kong babaunin kahit pa hanggang sa tumanda ako.

Sunshine On His Rainy Days (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon