Kabanata 9

6.4K 334 8
                                    

“Ang daming pagkain, Ayen! Tapos iilan lang naman kaming bisita mo. Wala bang ibang boys from other hospitals?”

Tahimik akong natawa sa tanong na ‘yon ni Rayver pagkapasok namin sa bahay ng may birthday. Ang sabi niya ay wala naman siyang gaanong bisita kung hindi kami lang rin mga residente sa hospital na pinagtatrabahuhan namin.

Mukhang totoo nga dahil ang mga nakaupo sa receiving area ay kapwa kasamahan rin. May ilang lalaki lang ako na hindi kakilala at pawang mga lalaki. Mga nobyo siguro nung ilang kaibigan na babae.

“Wala! Huwag ka na maghanap! Pumasok na kayo dahil ang lakas ng ulan sa labas.”

Kumaway ako sa ilang kasamahan. Some of them were pure Americans. Ang ilan ay kapwa mga Filipino rin.

“Hi, Angelique. It’s good to see you again. We’re in the same hospital but we seldom see each other.”

It’s Georgina, an Anesthesiologist. Laking New York siya pero sa Boston na naglagi. Beside her was her boyfriend Tom who is a business man. Isang beses ko pa lang ito nakilala noong may event ang hospital at isinama siya ni Georgina.

“I know. I’m glad we can catch up a little longer now.”

“For sure...” Isang ngiti ang isinagot niya sa akin.

Naupo kami ni Rayver sa couch kung saan nakapwesto ang lahat at pinagmasdan ang mga pagkain na naroon. Tiningala ko si Ayen na nakayuko habang inaayos ang pagkain sa malaking center table. She looked at me and smiled. Iniabot ko ang regalo ko sa kaniya dahilan para mapatigil siya sa ginagawa.

“Nag abala pa talaga at mukhang mamahalin na naman,” aniya habang nakangiti at sinisilip ang laman ng paper bag. “Thank you, Dahlia.”

She’s the only one who calls me Dahlia. Mas gusto niya daw ‘yon kesa sa Angelique. Hindi ako sanay na gano’n ang tawag sa akin pero ayos lang naman.

“I’m sure you will love it, Ayen.”

“Of course! Wala ka namang ibinigay na hindi ko nagustuhan.”

“I also have a gift for you! Vibrator!” Rayver shouted.

Umulan ng tawanan mula sa mga kasamahan namin. Maging si Ayen ay humagalpak rin ng tawa.

“I have enough of vibrators! I want a real dick now!”

Nailing na lang ako sa mga salitaan nila. Kapag sa ibang bansa talaga ay normal na ang ganoong klase ng usapan. Ilang taon na ako dito at medyo nasanay na rin na nakakarinig ng gano’n.

“There’s still no progress between you and that Neurosurgeon? I thought you two are already going well?” tanong ni Krizia, isang doktora rin at purong amerikana.

Umiling si Ayen. “He’s too conservative. I didn’t expect that men here in Boston are that type.

“You want an aggressive one then? I know someone. A business colleague.” sabi nung katabi ni Krizia na siguradong nobyo niya dahil nakaakbay sa kaniya.

Naghiyawan ang mga kasamahan. Rayver even pinched my arm that made me pout my lips. Halatang tuwang tuwa siya dahil gano’n ang ginagawa niya sa akin sa tuwing nanggigigil siya sa ganitong klase ng tema.

Ayen took her laptop and operated it. A romantic music suddenly played in the air. Maingat akong napasandal sa couch at tumingin sa kawalan. The guitar from the music started strumming. Sinabayan ko ang unang mga liriko at pumikit.

“Loving can hurt, loving can hurt sometimes. But it's the only thing that I know...”

“You like that song?”

I quickly nodded my head when Gabriel asked me that question. That was the song being played in his car’s player. Kagaya ng mga nakalipas na araw, inalok niya akong ihatid sa bahay at pumapayag ako.

Somehow, being with him almost everyday made me feel comfortable. Ang palagi niyang pag punta sa ospital at paghihintay sa akin ay kinasanayan ko na. Pero minsan, tinatanong ko ang sarili ko kung bakit kailangan kong masanay?

Nagdududa pa rin ba ako sa motibo niya sa akin? Oo. Gano’n pa man ay hindi ko maiwasan ang hayaan ang sarili ko sumama sa bawat imbita niya dahil aaminin kong sa kabila ng alinlangan ko, kumporatable pa rin ako sa kaniya.

“I love the melody. And the way Ed Sheeran sang the lyrics, it was like he’s missing some one. Like he’s loving her yet still hurting.” I answered while looking at the view ahead of us.

“Some are really inspired when hurting.”

Nilingon ko si Gabriel. Seryoso siyang nakatingin sa harapan habang tamad na nakahawak ang isang kamay sa manibela. Sa kabila ng pagiging seryoso niya ay hindi naman siya kakikitaan ng madilim na ekpresyon. The truth is, all throughout the times we were together, I have already learned to memorize all of his expressions. And as the time goes by, I find myself admiring them all.

“You think so? Ang sabi nila, kapag nasasaktan ka ay wala kang inspirasyon para gawin ang mga bagay na gusto mo.”

“That’s not the case for most of the singers. They use their pain to write a good song. Kahit na ang mga nakakarinig ng kanta ay kayang sabihin kapag nasasaktan ang taong kumanta no’n. Just like how you mentioned that maybe Ed Sheeran was hurting when he sang that. You can feel his pain.”

He has a point. But then I didn’t expect him to be this deep and observant. Kung titingnan kasi si Gabriel, siya ‘yung tipo ng lalaki na akala mo ay walang pakielam sa paligid. It was surprising to know the way he sees things.

Hindi na ako sumagot pa at itinuon na lang ang atensyon sa harapan. Mas lalong lumakas ang buhos ng ulan. Wala namang naiulat na bagyo kaya nakakapagtaka na napapadalas ang pag ulan ngayon.

“Palagi na lang umuulan...” wala sa sariling bulong ko.

“You don’t like rainy season?” Gabriel asked.

“Medyo. It feels gloomy.”

“I hate rainy days too but learned to love it because of you.”

Mabilis naagaw ng mga salitang ‘yon ang atensyon ko. Nilingon ko siya. He was still staring seriously at the view ahead of us.

“W-What?”

Nilingon niya ako. Tumaas ang dalawang kilay niya at kaagad rin ibinalik ang atensyon sa harapan. He chuckled.

“You look surprised.”

“I a-am...” I said, astonished. “What am I gonna do with you learning to love the rainy season?”

He didn’t answer right away. Nanatili lang akong nakatitig sa kaniya habang siya ay sa daan nakatuon ang atensyon. Marahang tumaas-baba ang kaniyang dibdib tanda ng nagpakawala siya ng buntonghininga.

“Rain was softly pouring when I met you, Angelique,” he calmly said those words. “It was also rainy afternoon when you thought of sharing your umbrella with me.”

My heart started to pound. I was suddenly speechless. It was as if cat got my tongue and I was suddenly lost for words.

Tama siya. Bilang ang mga sandaling tirik ang araw sa tuwing magkukrus ang landas namin. It was usually raining. Hindi ko naman ‘yon pinapansin hanggang siya na mismo ang nagsabi.

But then what about it? Ano naman kung umuulan nang magkakilala kami? That day when I shared my umbrella with him, was it a big deal for him?

“It was raining cold that day...” he added. “But your presence made me feel the warmth I needed.”

Sunshine On His Rainy Days (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon