Kabanata 27

6.1K 289 7
                                    


Mabigat ang loob ko habang pinagmamasdan si Gabriel na papalabas ng coffee shop at tila nagmamadali. Just when he's about to open the door of the driver's seat, he turned his head back and looked at me.

Sandaling naglapat ang mga mata namin bago ako unang nagbawi ng tingin. Tumungo ako at pinagmasdan ang pagkain sa aking harapan.

Ramdam ko ang pait sa puso ko, pait na tila ba nakahanda akong lasunin ano mang sandali.

Sinabi kong ayos lang sa akin na may anak siya. Tatanggapin ko 'yon dahil kagaya ng lagi kong iniisip, walang kasalanan ang anak nila sa kung ano man ang sitwasyon ngayon.

Pero ang harapin ang ina nito ay labag na sa pang unawa ko. Oo at hindi naman nangyari ang namagitan sa kanila habang kami pa ni Gabriel. Kung tutuusin ay labas na ako sa kung ano man ang nangyari sa kanila. I have no say if Gabriel still does that thing with other woman because he is not committed to me anymore in the first place.

Nagkakatalo lang dahil parehas pa kaming may nararamdaman sa isa't isa. It just that... we still don't know how to figure this situation out.

"Are you alright, Angelique?" Chloe asked, her sweet voice is somehow comforting me.

Nahihiya akong nag angat ng tingin sa kanilang dalawa na mag asawa. Samael was staring at me as if he's worried. Maging si Chloe ay gano'n rin. Pilit akong ngumiti.

"Yes, I'm alright. Kain na tayo!"

Nagbaba ako ng tingin at nagsimula nang kumain kahit na ang totoo ay nawalan na ako ng gana. Chloe and Samael were silent throughout the whole breakfast. Ramdam ko na gusto nilang magsimula ng tema pero nag aalinlangan.

Hanggang sa matapos ay hindi ako nagsalita. Nag uusap sila paminsan minsan pero tungkol lang naman sa anak nila. 

"Uhm, Angelique, gusto mo bang pumasyal muna sa penthouse? May lalakarin kasi si Hellios at wala naman akong kasama. Baka wala kang gagawin?" si Chloe nang papalabas na kami ng coffee shop.

They offered me a ride. Tumanggi ako at sinabing sasakay na lang ng taxi. Ang totoo ay literal na nahihiya ako sa kanila pagkatapos ng nangyari kanina. Pakiramdam ko ay naaawa sila sa akin at ayaw ko no'n.

Nag alinlangan ako sa alok ni Chloe. Kung tatatanggi ako, ano naman ang gagawin ko sa bahay? Magmumukmok lang ako sa kwarto at maghapong iisipin si Gabriel. Mukhang kailangan ko na ayusin ang pagbabalik ko sa trabaho para na rin malibang ako kahit na papaano.

"Sige. Wala namang problema." sagot ko na ikinangiti niya.

She hooked her arm around mine as we walked towards the car.

"That's great! Sayang at wala doon si Embry. Naroon siya kina Mama Empress at nagbabakasyon pang samantala."

"Okay lang. I'm sure there will be a lot of chance to meet her."

Ngumiti siya sa akin. Una akong pinagbuksan ni Samael ng pintuan sa back seat.

"Thank you, Samael."

He nodded his head and smiled a little. As soon as the door beside me closed, I watched them walk towards the passenger seat with intertwined hands.

Malungkot akong ngumiti. Sana lahat ng magkarelasyon ay kagaya nila. Kinakaya ang bawat pagsubok. Nagkaroon man ng kasalanan sa isa't isa, natutunan pa rin nila ang magpakumbaba at mas palalimin pa ang pagmamahal na mayroon sila.

They look very much in love with each other and I'm proud of them.

Tahimik ang buong biyahe patungong penthouse nila. Inihatid lang kami ni Samael at pagkatapos ay nagpaalam rin itong aalis na.

Sunshine On His Rainy Days (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon