CHAPTER I

1.7K 30 6
                                    

               CHOOOOOO- CHOOOOOOOOO
                             (train noise)

Ako si Jhoanna Robles, isang senior high school student sa bago kong papasukan na kilalang school dito sa Metro Manila. Sa Calamba, Laguna talaga ako nakatira, nagtransfer lang talaga ako rito para pagbigyan ang mga gusto ng mga kaibigan kong dito na kami mag-aral sa Manila. Mabuti na lang at pinahiram na muna ng pinsan ko ang condo niya rito sa akin sa Katipunan at pinaubaya na sa akin ng papa ko ang sasakyan niya para mas mapadali na raw ako rito sa Metro Manila.

May tatlo akong kaibigan, Si Mikha, Si Colet at Gwen. Gaya ko ay pare-pareho rin kaming transferee ni Colet at Gwen habang ang dati ng school ni Mikha ang siya naman papasukan namin dito sa Manila.

Elementary pa lang ay magkakaklase na kaming apat pero pagdating namin ng high school ay kinailangan din namin umuwi ng kaniya-kaniya namin probinsiya nila Colet at Gwen para doon na muna mag-aral, kaya naman ay nagkahiwa-hiwalay rin kami ng ilan taon at tanging social media lang ang kumokonekta sa amin apat. Hanggang sa napagdesisyunan na nga namin na dito na sa Metro Manila namin ituloy ang huling taon namin sa Senior High, para masanay na nga rin daw kami nila Colet at Gwen para sa pag tungtong namin sa kolehiyo.

"San ka na?" Bungad ni Mikha ng sagutin ko ang tawag niya

"Train station na" Sagot ko habang hinihintay ang tren, saglit ko pang nilibot libot ang mata ko para mapamilyar na rin sa lugar.

"Hindi mo dinala sasakyan mo?!" Gulat na tanong niya pa sa kabilang linya kaya bahagya ko pang nilayo ang cellphone ko sa tenga ko. Lagi na lang mainit ulo ng isang 'to, sana talaga makahanap na ng katapat tong tao na 'to.

"Hindi ko pa masyadong alam yung daan tsaka traffic, malelate lang ako" Pagdadahilan ko sa kaniya, narinig ko naman na may tumawag na sa kaniya kaya agad niya rin akong kinausap.

"Okay, Jho. Tawagan niyo na lang ako kapag nandon na kayo sa gate para masundo ko kayo nila Colet at Gwen, may aasikasuhin lang ako, bye! ingat" Nagmamadali na talagang sabi niya atsaka binaba ang linya. Sayang lang at hindi namin kaklase si Mikha, yung mga transferee lang daw kasi ngayon taon ang posibleng magkakaklase at dahil matagal na siya sa school na yon at hindi siya transferee ay medyo malabo raw maging kaklase namin siya nila Colet at Gwen.

Habang naghihintay pa rin ng tren ay may nakita naman akong isang babae na may katangkaran at kahabaan ang buhok, maganda, maputi at halata rin na mahilig siya sa pink.

"Ganyan ang mga dapat mong iwasan, Jho" Usap ko pa sa sarili ko habang nakatingin pa rin doon sa babae, bahagya pa akong nagulat ng bigla rin siyang tumingin sa akin at saglit pang tumitig. Okay? Jho? Anong next?

Napaiwas na lang kami ng tingin pareho ng bigla na namin narinig ang tunog ng paparating na tren, saglit ko pang binalik ang tingin ko sa babae pero mukhang nakasakay na ito.

Pagdating ko naman sa gate ng school ay agad ko rin nakita sila Colet at Gwen na naghihintay sa akin, nang makita naman na ako ni Colet ay agad niya rin sinabihan si Gwen na tawagan na si Mikha para sabihin na nandito na nga kami.

"Wala kang dalang sasakyan?" Takang tanong pa ni Colet sa akin kaya umiling naman ako.

"Wala, ang traffic, kaya nag tren na lang ako, baka kasi malate lang ako sa first day natin kung dadalhin ko pa yon" Sagot ko sa kaniya, tumango na lang naman siya kaya tahimik na lang namin tinitignan ang mga estudyanteng pumapasok sa loob ng school.

"Mikhs!!" Rinig kong sigaw pa ng isang babae kaya agad din kaming napatingin tatlo sa babaeng tumawag sa kapangalan ni Mikha.

"Ayon na pala si Mikha e" Turo pa ni Gwen ng makita na niya si Mikha at yung babaeng tumawag sa kaibigan namin. Kilala niya si Mikhs?

"Si Pink Lady" Bulong ko pa sa sarili ko.

"Kilala mo?" Takang tanong sa akin ni Gwen kaya agad din naman akong napailing. Schoolmate pala kami, ngayon ko lang napansin i.d lace niya.

"Hindi" Sagot ko atsaka umiling. Maya-maya lang ay naglakad na palapit sa amin si Mikha habang kausap pa rin si Pink lady.

"Oo na, sige na, pasalamat ka mabait ako" Rinig pa namin na usap ni Mikha habang binigay ang dalawang papel kay Pink Lady. Agad naman napatalon si Pink Lady sa tuwa ay niyakap pa ng mahigpit si Mikha.

"Thanks Mikhs! The best ka talaga!" Masayang usap pa niya kay Mikha bago tuluyan humarap sa amin.

"Hi!" Bati pa niya sa amin bago tuluyan umalis. Sa amin o sa akin? Sa akin nakatingin e. O assuming lang ako?

Kita ko naman nakangiting napapailing na lang si Mikha sa ginawa ni Pink Lady kaya hindi ko na lang din to pinansin. Hanggang sa tuluyan na nga niya kaming hinarap para yayain na papasok.

"May 20 minutes pa tayo bago mag start ang klase, nasa akin na rin yung sched natin kaya itour ko muna kayo sa Campus" Nakangiting bungad niya sa amin kaya pare-parehas kaming takang napatingin naman sa kaniya.

"Sched natin?" Takang tanong naman ni Colet kay Mikha, napangiti lang naman si Mikha atsaka tinaas ang isang papel na katulad ng binigay niya kay Pink Lady, agad naman kinuha yon ni Gwen para tignan.

"OMG!" Biglang sigaw ni Gwen kaya agad din inagaw sa kaniya ni Colet ang papel na pinakita ni Mikha.

"Ibang klase talaga ang mga Lim may mga sariling desisyon sa buhay" Natatawang usap pa ni Colet bago ibigay sa akin ang papel na pinakita ni Mikha.

"Kaklase ka rin namin?" Tanong ko sa kaniya, tumango naman siya bilang sagot

"Ayan talaga yung inasikaso ko kanina" Nakangiting sagot pa niya.

"Ibig sabihin kaklase rin natin si Pink Lady?" Takang tanong ko pa sa kaniya, sabay-sabay naman sila takang napatingin sa akin kaya napaatras pa ako ng bahagya.

"Pink Lady?" Sabay-sabay nilang takang tanong sa akin.

"Ahhh baka yung kausap mo kanina Mikhs, pink yung bag tsaka mga hair pin e" Natatawang usap ni Gwen kay Mikha

"Ano ba yan, Jho. Wala pa man din tayong isang oras dito sa school na 'to pinagpalit mo na ako" Kunwari pang inis na sabi ni Colet kaya napailing na lang ako.

"Oo kaklase rin natin siya at isa pa, wag kang masyadong maexcite Jho, baka hindi ka na tantanan non ikaw rin" Natatawang usap pa ni Mikha bago kami ulit yayain papasok ng school. Sino bang may sabing naeexcite ako?










_________________________________________

Will She Come BackWhere stories live. Discover now