CHAPTER XXIV

631 27 0
                                    

JHOANNA'S POV

Makalipas lang ng ilan araw ay tumawag na sa akin ang mama ko para sabihin na okay na ang lahat, na makakapunta na sila Stacey sa Dubai at doon sa hospital nga na pinagtratrabuhan niya maisasagawa ang pagpapatransplant ni Stacey.

Isang linggo rin naman akong tinaray-tarayan ni Stacey, isang linggo niya rin akong inaway away pero natatawa lang naman ako sa inaasal niya, kung minsan ay inaasar ko pa siya lalo kaya halos isang linggo na rin niya ako hindi pinapansin masyado. Alam ko ginagawa niya yon para lumayo ako sa kaniya pero hindi niya ako mapapasuko ng ganon ganon lang. Hindi niya ako basta basta mapapasuko pagdating sa kaniya.

Pero sa hindi malaman na dahilan ay bigla na lang nag iba ang ihip ng hangin pagdating kay Stacey ng malaman niya na aalis na nga sila papuntang Dubai. Hindi na niya ako inaaway at hinahayaan na niya ako na alagaan ko siya ng hindi na ako tinatarayan o hindi kaya pinapalayo sa kaniya.

Masaya ako dahil kahit papaano ay gumaan gaan ang mga araw na dumadaan sa buhay namin, kahit na alam namin na ang bawat bukas na lumilipas ay maaari na lang maging isang alaala na pwedeng kumupas.

"Mamayang gabi na flight niyo" Nasabi ko na lang kay Stacey.

Nakahiga na siya ngayon sa kama niya habang nakaupo naman ako sa tabi niya, kanina ko pa rin naman nilalaro ang kamay niya at nakangiti lang siyang nakatingin sa akin.

"Yung napag usapan natin ah, hindi mo kami pwedeng ihatid" Usap pa niya kaya hindi na lang naman ako nagsalita.

Nung nakaraan pa niya sinabi na ayaw niyang magpahatid sa akin, baka raw kasi hindi na siya tumuloy kapag makita pa niya ako na ihahatid siya roon sa Airport.

"Paano kung gumala muna tayo ngayon?" Suhestiyon pa niya atsaka mabilis na umupo sa kama niya, taka naman akong tumingin sa kaniya at napailing na lang sa suhestiyon niya.

"Hindi na mapaano ka pa" Sagot ko sa kaniya pero tumayo lang naman siya sa kama niya at doon na nagtatatalon talon

"Stacey naman" Saway ko na sa kaniya habang inalalayan siya, mabuti na lamang at tumigil siya pero nakanguso ng humarap sa akin.

"Last day ko na rito, Jho. Gusto ko maenjoy to na kasama ka" Usap pa niya kaya napatitig na lang naman ako sa kaniya.

"Alam naman natin yung pwedeng mangyari pagdating ko ron, diba?"

"Pleaseeee" Pakiusap pa niya habang nakanguso

"Jhoanna, baby, pleaseee" Pagpapacute pa niya kaya nakapangit at napatango na lang naman ako, tumalon talon naman siya ulit sa kama dahil sa tuwa.

"Thank you, Jho!" Sigaw pa niya kaya natawa na lang naman ako ng yakapin niya ako

"Oo na, oo na, tama na, mag ayos ka na at ipagpapaalam na kita kay Tita Ivy" Usap ko na lang sa kaniya kaya dali dali naman siyang tumalon pababa sa kama niya at agad na namili ng damit sa closet niya.

"Kailangan mo ba ng tulong? Kaya mo maligo mag isa?" Nakangiting tanong ko sa kaniya, taka naman siyang napalingon sa akin at agad din akong binato ng unan na malapit sa kaniya.

"Hoy! Jhoanna! Sinasabi ko sayo!" Inis na usap niya sa akin kaya natawa naman ako.

"Ano? Ako na nga tong nag ooffer ng tulong e, baka neeed mo lang naman" Kunwari pang seryoso pang sabi ko sa kaniya kaya inis nanaman niya ako binato ng mga unan.

Tawang-tawa ko naman pinagpupulot ang mga unan na binato niya at nahiga na muna sa kama niya.

"Dito na lang tayo, yakapin mo na lang ako maghapon, alam ko naman na yun rin ang gusto mo e" Pagbibiro ko pa sa kaniya at hindi naman siya makapaniwalang humarap sa akin dahil sa mga naririnig niya mula sa akin.

"Ang kapal talaga ng mukha mo, Jhoanna" Napapailing na sabi niya kaya natawa nanaman ako.

"Sus! Kunwari ka pa e nakwento na sa akin nila Mikha at Tita Ivy lahat" Usap ko pa sa kaniya kaya nanlaki naman ang mga mata niya.

"Totoo?" Paninigurado pa niya kaya tumango naman ako bilang sagot, agad naman siyang napaiwas ng tingin sa akin kaya agad din akong tumayo palapit sa kaniya.

"Kaya pala nag hi ka na agad sa akin nung first day of school ah" Patango tango pang usap ko sa kaniya habang nakasandal ang balikat ko sa closet niya.

"Oh feel na feel mo naman?" Pagtataray pa niya ulit sa akin.

"Oo naman, sarap kaya sa feeling" Nakangiting usap ko pa sa kaniya kaya natawa na lang naman siya.

"Jhoanna, alam mo, magpaalam ka na kung magpapaalam ka pa, jusko! ang daldal mo" Saway pa niya sa akin

"Nagsalita ang hindi madaldal"

"Hindi mo ba talaga kailangan tulong ko? Kaya mo na?" Paniniguradong tanong ko pa sa kaniya

"Opo, kayang kaya" Nakangiting sagot pa niya kaya naglakad na rin ako palapit sa pinto.

"Okay, saglit lang ako, babalik din ako" Usap ko pa sa kaniya.

"Ayaw na ayaw mong nahihiwalay sa akin e no?" Natatawa na usap pa niya kaya natawa na lang din ako

"Sige na, sige na" Usap pa niya kaya tumango na lang ulit ako atsaka sinara na ang pinto pagkalabas ng kwarto niya.

Nang makaramdam ng bigat ay napahinga nanaman ako ng napakalalim pagkasara na pagkasara ng pintuan niya, saglit pa akong napaupo sa labas ng kwarto niya at napasandal na lang sa pader niya.

"Lakasan mo loob mo, Jhoanna, kaya ni Stacey yan"

"Aalis siya para magpagaling kaya dapat alam mong babalik siya"

"Babalik siya" Pagpapalakas ko pa ng loob ko atsaka pinunasan ang luhang pumatak sa mata bago tuluyan tumayo para magpaalam kay Tita Ivy sa opisina nito.

Will She Come BackOù les histoires vivent. Découvrez maintenant