CHAPTER VI

794 28 2
                                    

Makalipas lang ng dalawang linggo simula ng magpasukan ay mas naging close na kaming walo dahil sa kami kami ang laging magkakasama sa tuwing may pinapagawa si Miss Ben at sa tuwing may isang magyaya sa amin gumala. Minsan naman ay si Pink Lady ang kasama ko tuwing lunch break dahil hindi ko naman talaga masikmura kung iiwan ko lang siya mag isa sa classroom namin, minsan umaakyat naman sila Mikha para sabayan kami ni Stacey pero kung minsan talaga hindi na kaya ng oras kaya roon na rin sila kumakain sa cafeteria.

"Alam mo hindi mo naman ako kailangan samahan dito" Biglang usap ni Pink Lady bago isubo ang pagkain niya, napailing na lang naman ako at pinagpatuloy na ulit ang pagkain ko.

"Sa dalawang taon na ginagawa ko 'to sanay na ako na sa classroom na lang ako, maswerte lang talaga ako dahil may Ate Aiah at Mikha ako" Dagdag pa niya pagtapos niyang ngumuya. Napatango naman ako at humarap sa kaniya

"Maswerte ka rin kasi may Robles na dumagdag sa dalawa" Nakangiting usap ko sa kaniya kaya hindi naman siya makapaniwalang humarap sa akin. Napanganga na lang din naman ako ng mag sink in sa akin ang sinabi ko.

"I mean, may Robles, Vergara pati sila Catacutan sila Ricalde tsaka Apuli" Dagdag ko na lang at umiwas ng tingin. Ano ba naman yan, Jho

"Sige lang, lusutan mo lang nang lusutan" Napapailing na sabi niya tsaka pinagpatuloy na lang ang pagkain niya, napapailing na lang naman din ako kaya pinagpatuloy ko na lang din ang pagkain ko.

Mapapangiti mo ako
Sa paraan na hindi ko alam kung paano
At kung bakit ako
Ako na kailangan maramdaman to sayo

"Siguro kung Ice Cream lang ako, kanina pa ako wala dito" Biglang natatawang usap niya kaya napaiwas na lang ako ng tingin

"Mabuti na lang talaga at hindi" Usap pa niya kaya napangiti na lang naman ako.

Pinagpatuloy na lang naman namin ang pagkain at sakto naman pagtapos namin ay siya naman dumating ang ilan pa namin mga kaibigan.

"Kamusta date niyo?" Biglang tanong sa amin ni Ate Aiah kaya parehas na lang naman kaming napailing ni Stacey.

"Ate Aiah" Nasabi na lang ni Stacey kay Ate Aiah kaya napangiti na lang naman si Ate Aiah at niyakap si Stacey.

"Joke lang" Usap pa nito kaya napatingin na lang naman ako sa kanila.

Pakiramdam ko
Nararamdaman ko
Hindi pwede ang tayo

"Okay ka lang, Jho?" Tanong sa akin ni Maloi kaya napangiti na lang naman ako at tumango.

"Huwag mong pagselosan si Ate Aiah kay Mikha na yan" Natatawang usap pa ni Colet sa akin habang akbay akbay ako, napatingin naman sa amin si Stacey kaya napaiwas naman ako ng tingin

"Tama si Colet kaya huwag mo ng alalahanin yung dalawa" Biglang usap pa ni Mikha bago umupo sa upuan niya.

"Wala naman akong sinabing nagseselos ako" Pagdedepensa ko sa kanila.

"Okay pero iniisip mo na sana nayayakap mo rin si Stacku gaya ni Ate Aiah" Pangangasar pa ni Gwen kaya hindi naman ako makapaniwalang napatingin sa kaniya.

"Saan nanggaling yan?!" Takang tanong ko naman sa kaniya.

"Sus! wag kang mag alala, ikaw naman trip niyan ni Stacku kaya malay mo naman diba" Dagdag pa ni Sheena, natawa naman na ang mga kaibigan namin kaya napapailing na lang naman ako bago tuluyan umupo sa upuan ko. Hirap din pala kapag madaming kaibigan.

Matapos lang ng ilang oras na pakikinig sa mga lesson ay sa wakas at uwian na rin, kaya naman agad ko rin niligpit ang mga gamit ko at hinarap na ang mga kaibigan ko para magpaalam.

"Uwi na ako" Paalam ko sa kanila habang inaayos pa ang bag ko

"May dala kang sasakyan?" Tanong sa akin ni Mikha habang inaayos na rin ang gamit niya.

"Wala, iniwan ko yung kotse ni Daddy, nagtren lang ako ulit" Sagot ko sa kaniya kaya napailing na lang siya

"Sumabay ka na sa amin nila Ate Aiah at Stacey" Usap pa niya sasagot pa sana ako ng biglang

"Hindi na Mikhs, magtren na lang din ako, sabay na kami ni Jho" Biglang usap ni Stacey paglapit na paglapit sa amin ni Mikha. Napatingin naman lahat ng kaibigan namin sa amin kaya taka na lang din akong tumingin kay Pink Lady.

"Huh?" Tanong ko pa sa kaniya, ngumiti lang naman siya sa akin atsaka pinulupot na ang kamay niya sa braso ko.

"Sabay tayo" Sagot pa niya bago tuluyan magpaalam sa mga kaibigan namin.

"Pero Stacey ——

"Bye! See you tomorrow!" Pagpuputol ni Stacey sa sasabihin ni Mikha atsaka niya ako hinatak palabas ng classroom

"Sevilleja!" Rinig ko pang sigaw ni Ate Aiah kay Stacey pero natatawa na lang naman napailing si Stacey bago sumilip pabalik sa classroom namin.

"I love you Ate Aiah, bye!" Sigaw pa niya bago ulit ako hilahin pababa na ng building, wala naman na akong nagawa kaya napapailing na lang din naman akong sumunod sa kaniya.

Nang makarating na kami sa labas ng gate ay saktong may parating na jeep kaya agad din naman siyang pumara, pagtigil ng jeep ay nakangiti niya akong hinila pasakay ng jeep kaya napangiti na lang din ako. Ano ba naman ngiti yan? Nakakahawa.

"Wala sa itchura mong marunong mag commute" Usap ko sa kaniya habang inaayos ang lagay ng bag ko sa binti ko.

"Nung first day of school lang ako nagstart mag commute, hindi alam ng mommy at nila Ate Aiah yon kaya, secret lang natin yon" Sagot niya habang nilagay pa ang daliri niya sa labi niya.

"Ngayon alam na nila pero atleast diba kasama kita" Napangiti pang dagdag niya atsaka inaabot sa mga taong nasa harap namin ang bayad niya.

"Bayad po, dalawang maganda po" Nakangiting usap pa niya kaya gulat pa akong tumingin sa kaniya ganon din naman ang ilan mga taong nasa loob ng jeep pero mabuti na lamang at di kalaunan ay mga ngumiti rin ang mga ito.

"Nakakahiya ka" Bulong ko pa sa kaniya pero natatawa lang naman siyang tumingin sa akin.

"Aww, kinakahiya mo ko?" Kunwari pang nasaktan na tanong niya kaya sinubsob ko na lang naman ang mukha ko sa bag ko dahil sa sobrang hiya. Jusko naman, Sevilleja.

Will She Come BackWhere stories live. Discover now