CHAPTER XXII

657 31 2
                                    

JHOANNA'S POV

"Hi! Tita, Para po sa inyo" Usap ko kay Tita Ivy ng ibigay ko na sa kaniya ang bulaklak na dala dala ko

"Salamat, Jho. Ang tagal ko na rin hindi nakakatanggap ng ganito" Nakangiting pasasalamat pa ni Tita Ivy at niyakap pa ako

"Anong ginagawa mo rito?" Biglang usap naman ni Stacey, bumulong naman muna si Tita Ivy sa akin bago kumalas sa pagkakayakap.

"Goodluck, nak!" Bulong pa niya sa akin bago tuluyan humarap kay Stacey.

"Maiwan ko muna kayo, daanan mo na lang ako sa opisina ko kapag uuwi ka na Jhoana ah" Paalam at bilin pa niya sa akin. Napatango na lang naman ako at humarap na rin kay Stacey.

Nang makalabas na si Tita Ivy sa kwarto ni Stacey ay nakita ko naman na inirapan pa ako ni Stacey bago magtago sa kumot niya.

"Hi?" Usap ko pa sa kaniya bago tuluyan lumapit sa kama niya.

"Lagay ko na lang dito sa side table mo tong bulaklak mo ah" Usap ko pa sa kaniya atsaka dahan dahan na nilapag sa mesa niya ang bulaklak.

"Ano bang ginagawa mo rito at may dala dala ka pang bulaklak?" Tanong niya habang nakataklob pa rin ng kumot, napangiti na lang naman ako at umupo sa kama niya.

"Hindi pa ako patay" Biglang usap pa niya, kaya hindi naman na ako makapag salita na at napatingin na lang ako sa kaniya.

Bakit parang mauuna pa ako mamatay dahil sa sakit dulot ng mga naiisip at nasasabi mo?

"Bakit ka ba kasi talaga nandito?" Tanong niya pa ulit ng bigla na niyang tanggalin ang kumot na nakataklob sa kaniya at umupo na paharap sa akin.

"Manliligaw sayo" Sagot ko na siyang kinabigla niya talaga, napangiti naman ako ng makitang mamula ang mukha niya.

"Sinabi ko naman sayo na hindi pwede, di ba?" Sabi pa niya habang dahan dahan na umaatras pasandal sa kama niya. Agad ko naman siyang inalalayan pero tinarayan lang nanaman niya ako.

"Sinabi ba ng doktor mo na bawal kang ligawan? Sinabi niya rin ba na bawal kang magmahal? O, pinagbawalan ka ba ng doktor na magkaroon ka ng makakasama na Jhoanna sa buhay mo na willing kang alagaan hanggang sa gumaling ka?" Takang tanong ko pa sa kaniya pero gulat lang naman siya ng tumingin sa akin kaya kunwari ko pang pinagdikit ang mga kilay ko.

"Ano bang pangalan niyang doktor mo ng makausap?" Kunwaring tanong ko pa sa kaniya pero inis lang naman siyang umiling iling.

"Jho. Ano ba kasi talagang trip mo?" Inis ng tanong niya sa akin kaya napahinga na lang naman ako ng malalim

"Liligawan nga kita, pumayag na si Tita Ivy kaya wala ka ng magagawa ron" Usap ko pa sa kaniya habang inaayos ang kumot niya.

"Edi si mommy na lang ligawan mo, wag ako" Inis na talagang sabi niya pero natawa na lang naman ako

"Mahal ko rin si Tita Ivy kasi mommy mo siya at tanggap niya ako para sayo na anak niya"

"Pero Stacey, ikaw yung mahal ko, kaya tama lang na ikaw ang ligawan ko at sana matanggap mo na rin ako diyan sa buhay mo kasi hinding hindi na ako aalis sa tabi mo kahit na ipagtulakan mo pa ako" Sagot ko na lang sa kaniya pero napaiwas lang naman siya ng tingin.

"Jhoanna, tigilan mo na"

"Hindi mo alam kung anong pinapasok mo" Kunwari pang natatawang sabi niya kaya napatitig na lang naman ako sa kaniya.

"Hindi mo alam kung anong kahibangan tong pilit mong pinapasok" Dagdag pa niya

"Ang dami natin kaklase na naiinlove sa pagiging responsable mong class president at pagiging honor student mo, maraming nagkakagusto sayo kaya hindi malabong makahanap ka pa ng mas deserving diyan sa pagmamahal mo" Seryosong ng usap niya sa akin at hinawakan ang kamay ko.

"Deserve mo magmahal ng iba"

"Pero ikaw lang talaga ang mahal ko, Stacey" Usap ko pa sa kaniya pero ngumiti lang naman siya sa akin

"Pero hindi na rin ako magtatagal dito sa mundong to, Jhoanna" Sabi pa niya na siyang nagpatigil talaga sa mundo ko.

Pero hindi na rin ako magtatagal sa mundong to

Pero hindi na rin ako magtatagal sa mundong to

Pero hindi na rin ako magtatagal sa mundong to

Pero hindi na rin ako magtatagal sa mundong to

Pero hindi na rin ako magtatagal sa mundong to

Pero hindi na rin ako magtatagal sa mundong to

Pero hindi na rin ako magtatagal sa mundong to

Paulit-ulit kong naririnig sa tenga ko, ang mga sinabi mo at paulit-ulit rin sinasaksak ang puso ko dahil sa sakit na katotohanan na posible ngang totoo ang mga sinasabi mo.

"No, nakausap ko na mama ko na nasa Dubai" Usap ko sa kaniya, kaya gulat naman siyang tumingin sa akin.

"Mama mo? Kinausap mo na mama mo?" Gulat talagang tanong niya sa akin kaya tumango naman ako.

Alam niya ang kwento ko tungkol sa amin ng mama ko na Ofw sa Dubai. Alam niya rin ang hinanakit at tampo ko roon sa taong yon, kaya hindi ko siya masise na kung bakit ganyan ang reaksyon niya sa sinabi ko.

"Napatawad mo na siya?" Tanong pa niya kaya ngumiti na lang naman ako.

"Nabanggit sa akin ni Tita Ivy na kailangan niyo ng hospital na tatanggap sa inyo sa Dubai, e sakto naman na sa hospital nagtrarabaho ang mama ko ron kaya tinawagan ko siya para humingi ng tulong" Kwento ko pa sa kaniya gaya gulat na gulat naman siyang tumingin sa akin

"Jhoanna" Gulat na gulat pa rin na sabi niya kaya niyakap ko na lang naman siya.

"Inaasikaso na ni Mama lahat kaya mag eemail na lang daw siya kay Tita Ivy kung sakaling ma approve na lahat para makalipad na kayo pa Dubai" Kwento ko pa sa kaniya.

"Ginawa mo talaga yon?" Hindi pa rin makapaniwalang tanong niya sa akin

"Mahal kita, kaya gagawin ko talaga lahat para tulungan ka diyan sa laban mo, gagawin ko lahat para lang manatili ka sa tabi ko, sa tabi namin mga nagmamahal sayo" Sagot ko pa sa kaniya

"Tsaka tama ka, mama ko pa rin yon at tama ka rin na mama ko pa rin siya na kayang gawin ang lahat para lang sa akin na anak niya" Dagdag ko pa, napangiti naman ako ng yakapin na rin niya ako pabalik.

Ang pusong nagmamahal ay hindi malabong mawasak at masaktan
Pero ang pusong totoong nagmamahal ay hindi malabong takot na sumubok muli at sa puso'y may kapatawaran

Will She Come BackWhere stories live. Discover now